Cumulus 1

87 3 2
                                    


Chapter 1
BOYFRIEND

Lumabas ako sa faculty pagkatapos maaprobahan ang request kong huminto muna sa semester. Sayang sana at last sem ko na sa third year. Isang taon na lang ang titiisin pero kailangan ko ring huminto talaga para sa mas importanteng bagay na gagawin.

"Godbless sa Mama mo, Ms. Valencia! Bumalik ka agad, ah? Laban lang sa buhay!" sigaw ng proffesor ko sa major.

"Salamat, Sir! Kayo rin! Babye po!"

Ngumiti siya. "Ingat ka pauwi!"

Tumango ako at nangingiting nagpatuloy sa paglalakad. Nang tuluyang makalayo ay dahan-dahang nawala ang ngiti ko. I sighed and looked at the sky. These past days, it's been my instinctual act. I always looked up in it out of nowhere.

O siguro... pinapatingin talaga ako roon para ulit may mapanghugutan ng pag-asa. I know it's weird but lagi kong nakikita ang sarili kong napapatitig sa kalangitan at naghahanap ng kung anu-anong signs doon. The oceanic sky calms me. The clouds are like my medicine. Lagi't lagi, doon ko nakikita ang pag-asa sa bawat araw na kinakaharap ko.

If the clouds are as fine as a good weather, it's like a sign of my nice day ahead. If it's darker, it's my sign that someone might be suffering somewhere. Sometimes, I treated it as a sign of my misfortune too. If it's a shapely clouds that forms different figures in the sky, a cumulus clouds to be exact, I treated it as a sign of my fortune. That whenever the clouds were like that, there's a good fortune that's awaiting for me. It's like my luck.

Ilang beses ng nangyaring kapag nagkakaroon ng hugis ang mga ulap sa kalangitan, sinuswerte ako. Alam kong maaaring coincidence lang iyon pero hindi ko na rin itinuring na masama. Lagi akong sinuswerte. I treated cumulus clouds as a sign of good opportunity coming in my way.

Right now, hindi ang ulap na iyon ang nakikita ko ngayon. It's a darker version of stratus clouds. At naintindihan ko agad kung bakit nang makita ang papalapit na babae sa pwesto ko.

"Oh? Anong ginagawa mo pa rito? Hindi ba kick out ka na?" Lani trailed her eyes down to my whole body.

Tinaasan ko rin siya ng kilay, hindi nagpapatalo. Isa siya sa babaeng hindi ko alam kung galit o insecure sa akin. Laging napupuna ang lahat ng ginagawa ko. Hanggang ngayon, bobo pa rin at hindi marunong magmove-on.

"Magkaiba ang kusang huminto sa nakick-out. Aral-aral ka rin kasi. Huwag puro landi."

Inirapan ko siya at lalagpasan na sana dahil wala akong panahon pero hinila niya ako pabalik.

"Ang lakas ng loob mo, ano? Aalis ka nga lang, kailangan talaga may eksena ka? Bakit? Saving the pride na lang ba para hindi mapahiya?" Ngumisi siya. "Mabuti na lang aalis ka na. Nabawasan ang mga papansin!"

"Ako pa ang papansin ngayon? Ako ba ang unang lumapit?"

"Papansin ka sa boyfriend ko! Papansin ka sa lahat ng mga lalaki rito! Bakit? Akala mo ba ang ganda-ganda mo? Hindi ka nga maputi! Ang pangit ng kutis mo! Nagpapapansin na lang para maappreciate!"

Tumawa ako, nabubuang na yata sa kabobohan niya. Seryoso ba 'tong babaeng 'to?

"Hindi pa ako maputi nito, Lani, pero andami ng naghahabol sa akin. E ikaw? Effort na effort ka pang mag-gluta riyan sa mukha mo, ah? Bakit insecure ka pa rin?"

I smiled satisfyingly nang mag-alab ang mata niya at halos sukmalan na ako.

"I'm not insecure, excuse me! I have a very handsome boyfriend! E, ikaw? Wala kasi hindi ka naman pinapatos! Loser!"

"You have a boyfriend na nauulol pa rin kapag nakikita ako? Bakit? Ano kayang meron sa akin at bakit siya ganoon? Hindi naman ako ang girlfriend niya." Ngumisi ako. "Dapat sayo siya mabaliw dahil ikaw naman ang girlfriend, diba?"

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now