Cumulus 11

40 2 0
                                    


Chapter 11
BIRTHDAY

Hirap na hirap talaga akong makita si Papa. Sa mga nagdaang araw na hindi ko na pinilit ang sarili ko kay Mama—sa takot na baka mastress pa siya lalo sa akin—si Papa ang inasikaso ko. Ang tindi ng pagtitiis kong huwag maiyak kapag nakikita ko ang sitwasyon siya.

He looks fine and very jolly in front of me. I can see that he's trying really hard to make it lighter for me but everytime I'd see what's missing on his leg, nanunuot lalo ang sakit sa akin. Parang gusto kong magalit. Gusto kong may masisi at mapagbuntungan ng mga frustrations ko.

Hirap na hirap ako sa sitwasyon niya. Lalo pa dahil hindi niya ipinapakita sa aking nagtitiis siya kapag sumasakit ang kanyang paa. He has a regular check-up. Ako ang sumasama kaya ako ang nakakausap ng doktor at ako rin lalo ang nahihirapan.

"Gusto mo bang mamasyal muna, Papa?" tanong ko nang minsang huminto kami sa park pagkatapos ko siyang samahan sa doktor niya.

He's in the wheelchair and I am pushing it gently. Nasa park kami at nagpapahangin. Ngumiti si Papa.

"Diyan lang tayo sa malapit. Huwag na tayong lumayo."

Tumango ako at tinulak na siya.

Ipinasyal ko siya sa buong park. Sabi niya ay huwag na kaming lumayo pero dinala ko pa rin siya sa isang seaside. Nakatanaw kaming dalawa sa dagat at nasa likod niya ako, nakatanaw din sa horizon sa harap.

"Pasyensiya ka na sa Mama mo, Pristine." basag ni Papa sa katahimikan. "Sobra-sobra ang pag-aalala noon sa'yo. Pagkagising niya pagkatapos ng opera, hinanap ka niya agad. Hindi sinasabi ng Ate mo kung saan ka kaya hindi talaga iyon napanatag hanggang ngayon."

Suminghap ako. Umihip ang malakas na hangin at kasabay ng pagsasayaw nito sa buhok ko, para rin ako nitong hinehele.

"N-Naiintindihan ko, Papa." pigilan ko ang panginginig ng aking boses. "Nagalit din sa akin si Ate noong malaman niya ang trabaho. Kung pwede ko lang talagang bitawan ang trabahong ito..."

"Hindi mo ba talaga kayang umalis?"

Umiling ako. "Malaki ang utang na loob ko sa nag-offer sa akin ng trabaho. Walang pag-alinlangan niyang ibinigay ang perang kailangan ko, Papa. Kailangan kong pagtrabahuan iyon para mabayarang mabuti."

"Kapag ba naging sapat na ang pagtatrabaho mo, aalis ka na?"

Tumango ako at nanghihinang ngumiti. "Kapag alam kong sapat na ang nagawa ko, hindi ako magdadalawang isip na umalis, Papa."

Hindi umimik si Papa. Ramdam ko ang kagustuhan niyang tumutol pero hindi siya nagsalita.

"Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo?"

Ngumiti ako. "Ayos lang, Papa. Kaya ko naman po. Huwag po kayong mag-alala."

"Makakasiguro ba akong magiging maayos ka pagkatapos ng lahat?"

Nanginig ang labi ko. "O-Oo naman po. Bakit naman po hindi, Papa..."

Suminghap siya at natahimik ulit. Hindi rin ako nagsalita at hinayaan ang hangin na pakalmahin ang nararamdaman ko.

"G-Gusto ko ng magtrabaho, anak." nanginig ang boses ni Papa. "Makakapagtrabaho pa ba ako?"

Yumuko ako at dinungaw siya. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko siyang nakayuko at malungkot na nakatingin sa kanyang paa.

"Papa—"

"Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko ng walang nagagawa. Hindi dapat kayo ang kumakayod, Pristine. Ako dapat ang bumubuhay sa inyo. Hindi niyo na dapat pinoproblema ito."

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin