Cumulus 2

63 3 0
                                    


Chapter 2
PAPA

"Putang-ina, anong sabi mo? Mamatay na sana ang Mama ko? Karma ko 'to?!"

Ngumisi ako nang malademonyo sa kanya. Nakita ko siyang bahagyang nanginig sa madilim na aura ko.

"Ang karma ko lang dito ay ikaw mismo! At kung mamamatay man ang Mama ko, uunahin na kita tutal ikaw ang mas walang silbi! Tangina ka!"

Malakas ko siyang itinulak na muntik na siyang masubsob sa lupa. Galit na galit ako at nakakagulat na talagang nagawa ko pang hindi manakit. Insultuhin na nila ako't lahat, huwag lang ang buhay ng Mama ko!

"Sabihin mo pa ulit iyon, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!"

Tumayo siya at umatras. "Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko magagawan ng paraan ang pagtigil ng donasyon sa pamilya mo? You forgot that I have a lot of connections, you freaking bitch. Mamamatay ang Mama mo, sa ayaw mo o sa gusto!"

"Eh bakit hindi ikaw ang mamatay ngayon, tangina ka?" Sinugod ko siya pero mabilis siyang hinatak ni Paolo at inilayo sa akin.

"Tara na, Lani."

"No! Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan—"

"Ang sabi ko tara na!"

"Hindi! Dudumugin ko ang malanding 'yan—"

"Tangina, sinabi ng tara na! Kung magpupumilit ka pa, iiwan na kita rito. Bwesit! Pagod na pagod na ako sa'yo!"

Natahimik si Lani at hindi makapaniwalang napabaling sa boyfriend. I gritted my teeth, nagtitimpi na nang grabe-grabe. Sobrang sama ng tingin ni Lani sa akin bago siya galit na tumalikod at sumunod kay Paolo papaalis doon.

Hindi ko alam kung paano makabawi roon. Ang bilis ng hininga ko at nag-aapoy pa rin talaga ako sa galit. Tumalikod ako at bumalik sa loob ng shop na may ngiti sa labi sa mga customers kahit pagod na pagod na. Aarte na lang akong parang hindi bulkang sumabog kanina. May talent naman ako roon. Gagamitin ko na lang.

Bumalik ako sa area ko at tahimik na nagpatuloy na lang ulit. Pagkatapos ng duty ay pinatawag ako ng manager dahil sa nangyari. Confident akong pagsasabihan lang ako kasi iyon lang naman talaga ang unang beses na nag-eskandalo ako sa ilang pagkakataong binastos ako ng lalaking 'yon, pero laking gulat ko nang sinesante ako. Natulala ako at halos hindi pa makapaniwala. Sinubukan kong magmakaawa pero hindi na ako dininig pa. Ilang beses din akong nanghingi ng isa pang pagkakataon at nangakong hindi na 'yon mangyayari pero hindi na talaga ako pinagbigyan.

Parang nawasak ang mundo ko habang pababa sa basement ng shop. Nanlumo at nanghina ako. Ang tanga! Ang bobo ko! Bakit ko ba pinatulan pa ang mga 'yon? Bakit ko ba iniisip na hindi ako tatanggalin? Of course I'll be fired! Kung ano man 'yong pinakaayaw ng shop na'to, iyon ay ang magdulot ng eskandalo!

"Bumalik ka na parang hindi ka ininsulto ng babaeng 'yon kanina, ah? Pangiti-ngiti ka pa, e. Ginalingan mo sa pag-arte, mars ko. Lodi na lodi kita!" masayang salubong sa akin ni Megan na noo'y hinihintay akong makababa para sabay na kaming umuwi.

Suminghap ako, nag-iinit ang sulok ng mga mata. Mabilis ko ring binalik sa normal ang mukha ko. Ayaw kong maiyak. Ayos lang 'to. Makahahanap din ako ng iba. Ayos lang 'to.

Mas lalo lang yata akong pinangiliran sa naisip. Shit. Sino ba kasing hindi maiiyak sa sitwasyon na 'to?

"Tara na?" yaya ni Megan. "Ano raw sabi ni Mrs. Daug? Anong pinagsasabi sa'yo?"

"A-Ayos lang. Ganoon pa rin."

"Nako! Ininsulto ka na naman ba no'n? Hindi na talaga lalambot pa ang matandang iyon!" reklamo niya. "Anyway, sabay tayo bukas sa shop, ah? Samahan mo'kong bumili ng bag ko bago tayo pumasok!"

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now