Cumulus 6

44 3 0
                                    


Chapter 6
JUICE

Umuwi rin agad si Kyla bandang alas dos ng hapon. Third send her home kaya bigla akong naiwan sa bahay. Ginawa kong pagkakataon iyon para kumain sana ulit dahil gusto ko talagang tikman ang mga putahe kanina pero baka bawal at mapagalitan ako ni Mrs. Gallardo.

Pero ayos lang naman siguro 'to? Wala naman si Third so baka ayos lang na kahiya-hiya muna ako? Saka hindi naman siguro ipinagdadamot ang mga pagkain dito, diba?

Sa huli, hindi ko na tinuloy. I just asked for a drink. I was already enjoying with my fruit shake when someone entered the kitchen. Muntik ko ng maibuga ang iniinom nang makitang si Third iyon. He stopped and looked at me for a while. Tumaas ang kilay niya pagkatapos ay binalewala ako. Umayos ako ng upo at tinanaw siyang dumiretso sa counter at umiinom ng tubig.

"She's home now?" tanong ko.

He didn't reply. Para talagang hindi ako nag-eexist dito! Ngumiwi na lang ako at hindi na nagsalita. Bahala na nga siya. Wala naman si Kyla kaya hindi ko na kailangan magpapansin sa kanya.

"You lived in the US for years?" bilang imik niyang ikinagulat ko pa.

Oh wow! Marunong palang makipag-usap 'to! Na-shook naman ako!

"Yes," I smiled confidently. "Why? Hindi ba obvious?"

"Yes," aniyang mabilis na nagpapawi ng ngiti ko.

Hindi ko alam kung insulto ba 'yon o honest lang talaga siya! Nakakabwesit talaga 'to kausap.

"Because I'm not really white? Well, I don't have a foreign blood. I'm a pure blooded Filipino. I'm just a resident there for years." pantakip ko agad.

Hindi siya sumagot at uminom lang ulit ng tubig. Maliban sa rude, unwelcoming at unappreciative siya, snob rin. Tss. Hindi naman ako nainform na kailangan ko pala ng mahabang pasyensiya rito!

"Kailan ka uuwi?" he asked again.

"What?"

"Kailan ka uuwi?"

Umawang ang bibig ko. Tibay! Inulit pa talaga! Wala na bang mas nakakainis pa riyan, Mr. Gallardo?

"If you finally like me?" ngisi ko, nang-iinis sa kanya.

Tiningnan lang niya ako nang malamig, halatang hindi ako papatulan. "You should go home. My mom just want to piss me off. I don't like it. I don't like you here. Your presence here made me want to work on my office the whole day."

Ngumisi ako at imbis na mainsulto roon, tumayo pa at lumapit sa kaniya. Huminto ako ng ilang dipa, humalukipkip, at nakatagilid ang ulo siyang tiningnan.

"Ayaw mo ba no'n? Ako ang inspiration mong magtrabaho? Well, I'm sorry to disappoint you but you can't make me leave here, babe. I will enjoy every seconds of my vacation here. You'll be part of my enjoyment, whether you like it or not." I smirked playfully at him.

Bago nag-grand exit ay tumigil ulit ako at nilingon siya.

"Anyway, I want you to know that... you interest me. I hope we can get along. See you later, mi amore! Bye!"

Naglakad ako papalabas sa kusina na may ngising tagumpay sa mga labi. Man, I know you're freaking handsome but I know how to freaking act like you can't affect me at all too. Proffesionally. You pissed me off so I'll pissed you off too. Bawi-bawi lang. Habang ginagawa ko ang trabaho ko, manigas ka rin sa inis. Sanayan lang talaga 'to!

Pagkatapos ng hapunan kinagabihan ay tinawagan ko si Ate para mangumusta. Mama was already resting at hindi pa makakalabas. Ganoon din si Papa na maayos ang naging operasyon at nagpapahinga na rin. It made my night very well.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now