Cumulus 21

40 2 0
                                    


Chapter 21
GIFT

It was a long tiring day. Kinabukasan, pinababa na ako para sa breakfast. Natigilan ako nang makita ang lahat sa hapag, including Kyla. Again, I was reminded where I am in this life. I sighed and switched my mood to the job.

"Hi, good morning!" I prepared a sweet smile at binalingan si Third na sa akin agad ang tingin.

Nilapitan ko siya at dahan-dahang niyakap sa leeg mula sa likuran. I slowly kiss him in the cheek but he suddenly turned his face to my direction, causing my lips to land on the side of his lips. Nanlaki ang mga mata ko dahil muntik ko na siyang mahalikan!

Gulat ako habang nagtagis naman ang bagang niya. Nagkatinginan kami. Kumawala agad ako sa yakap at mapaklang tumawa.

"G-Good morning, babe." I managed to greet.

"Good morning," he greeted back.

Nanlaki ang mga mata ko at halos mabuwal. Mabilis tuloy ang paglayo ko sa kanya at pag-upo sa upuan.

Nahuli ko ang mapanuring titig sa akin ni Mrs. Gallardo. I cleared my throat and try to formal myself, kabado sa muntikan ng halik kanina... at sa reaksyon ni Mrs. Gallardo ngayon. Nakita niya ba? Sana hindi.

"I wanted to apologize again, hija. For your paintings yesterday," hindi ko inaasahang iyon ang ibinungad ni Mrs. Gallardo sa akin.

Natigilan pa ako bago sumagot. "It's okay, Tita. No worries po."

"What happened?" Kyla asked curiously.

Mrs. Gallardo smiled at her. "Third posted Kristine's paintings for him in his office and I find it kinda distracting. So I asked someone to move it out. I didn't know it was hers so I was so sorry."

Bumaling si Kyla sa akin, may tanong sa mga mata. Mrs. Gallardo spoke again.

"Why don't you try to paint for Third too, hija? I'm sure your paintings are more amazing than anyone else! And I'm sure Third will be glad to display it in his office! He'd love yours more I'm sure!"

Kyla smiled. "I'll try, Tita. I'll make for him."

"You don't have to make for me. Don't push it too much. I know you're not into painting." Third said calmly. "Don't pressure her, Mama."

"I want to paint for you too, Third. I'll try and practice," Kyla smiled.

Nagkatinginan silang dalawa. There's something about it that only them could understand. Nag-iwas ako ng tingin.

Nakinig ako sa usapan at nagsasalita lang kapag tinatanong. They talked about business after that. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa kwarto. Ilang sandali pa ay may kumatok na. Binuksan ko iyon at natigilan nang makita si Third.

Nagkatinginan kami. His eyes trailed on my body before he licked his lower lip and glanced back at me. "Do you have something to do today?"

Hindi ako nagsalita.

"Do you want to... accompany me in the office?" he asked hesitantly.

"Saang opisina?"

"Sa kompanya,"

Ngumisi ako. "Anong gagawin ko roon?"

Napalunok siya at kitang-kita ko ang pag-aalinlangan. "Gusto ko lang na samahan mo ako."

"Para saan?"

Pumikit siya. "Gusto ko lang,"

"Paanong gusto mo lang? Hindi ka ba makakapunta roon kapag hindi ako kasama?" ngumisi ako.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now