Cumulus 8

43 3 0
                                    


Chapter 8
TOUR

Habang nasa kwarto at nag-aayos ng mga gamit, naisip kong hindi ko pa pala alam kung saan magbabakasyon kung sakali. Sa Batanes kaya kagaya ng sabi ni Ma'am? Pwede kayang huwag na? Kahit umuwi na lang muna ako sa pamilya ko at babalik lang ulit sa mansion nila pagkatapos ng ilang araw.

Pwede kayang hingiin 'yon?

Buong magdamag ko yatang inisip iyon. Takot akong hingiin iyon kay Mrs. Gallardo pero susubukan ko pa rin. Sayang din kasi ang araw. Gusto kong bisitahin ang pamilya ko dahil hindi ko alam kung kailan ulit ako makakauwi sa susunod. Sana talaga payagan ako.

"What are you still doing?"

Nanonood ako ng TV sa living room nang marinig ko si Third sa likuran ko. Tumayo ako at kinuha agad ang bag ko. Ngayon ang araw na sasamahan niya ako sa kompanya nila at hinihintay ko na lang siyang makababa kaya nanood muna sandali.

"Aalis na tayo?" tanong ko.

Malamig na sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. Napatingin din tuloy ako sa suot. Nakasimpleng white puff sleeve dress at skirt lang ako. I paired it with a gray high-heeled boots. Naka-bun ang buhok ko at naglagay na rin ng kaunting make-up.

Hindi niya ako sinagot at nilampasan lang. Sumunod ako. Nadatnan ko siyang kinakausap ang security guard sa parking lot. There's a lot of car in the parking lot and I was amazed. Sobrang mamahalin! Nakikita ko ang mga sasakyan na ito sa magazine, e! Nakakalula mga presyo.

"You'll ride there. You'll separate with me." sabi ni Third nang makalapit ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin na parang may gustong makita sa mukha ko.

Tumango ako at naglakad papalapit sa sasakyang tinuro niya. Ngumiti ako sa lalaking nandoon, iyong driver ata na maghahatid sa akin.

"Good morning po." I greeted politely. "Kayo raw po ang maghahatid sa akin?"

Parang nagulat pa siya na kinausap ko.

"Kayo po ba ang maghahatid sa akin? Kasama ko si Third pero sa kabilang sasakyan siya. Dito raw po ako sasakay."

Kumunot ang noo niya at sumilip sa likod ko. Naisip ko agad na baka hindi siya at iba ang driver. Hihingi na sana ako ng paumanhin nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Get in my car." it was Third.

Lumingon ako at nahuling nakatitig siya. Kumunot ang noo ko. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin, may gusto talagang makita sa mukha ko samantalang tanging pagtataka lang ang ibinigay ko sa kanya.

"You don't want to ride with me?" his eyebrows furrowed.

"Sabi mo kasi dito?" sagot ko naman.

He licked his lower lip and titled his head. Lumalim ang titig niya. "In my car..."

Tumango ako at binuksan agad ang backseat. Nasa loob na ako ng sasakyan nang mapansing nasa labas pa siya at nakahawak sa bukas na pinto ng frontseat.

"What are you doing?"

"Huh?" napatigil ako sa pagkakabit ng seatbelt. "Bakit?"

Anong problema? Mali ba ang pagkakabit ko sa seatbelt? May nadisgrasya ba akong gamit? O baka may bawal rito sa sasakyan niya?

Sumulyap siya sa shotgun seat bago sumulyap ulit sa akin, mariin ang titig. Nakatingin lang din ako sa kanya, nalilito. Hindi ba dapat ako rito sa sasakyan niya?

Umiling siya at hindi nag salita. Isinara na lang niya ang pinto at pumasok sa driver seat. He started the engine and drove away without saying anything.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now