Cumulus 24

53 2 0
                                    


Chapter 24
PROBLEM

Hindi ko alam kung saang hotel o room siya nanatili pero kinaumagahan, kumakatok na siya sa kwarto ko, may dalang pagkain.

"Breakfast?" he smiled hesitantly. "Hindi ka bumaba kaya nagdala na ako."

Sinabi niya iyon habang dire-diretsong pumasok, walang paki at hindi na ako pinagsalita pa.

I woke up late because I was not planning to do anything today so I didn't go down to eat. I groaned frustratingly.

Umagang-umaga, may konsumisyon na ako! Hindi ko ba talaga maiiwasan ang isang 'to? Pati ba naman dito buntot ng buntot sa akin?

"Magluluto ako!" reklamo ko sa kanya dahil dire-diretso na niyang inihanda ang mga pagkain sa mesa.

"We already have food so you don't need to cook."

We?!

"Ayokong kumain."

"Why?" aniya, pinagmasdan ang mukha ko. "You're not feeling well, baby?"

"Wala akong gana!"

"You need to eat."

"Wala nga akong gana!"

"What do you want, then? Do you want me to cook?"

"Bakit mo gagawin iyon? Kaya ko namang magluto! Bumalik ka na nga sa kwarto mo!"

He sighed heavily. Binitawan niya ang pagkain at ibinigay ang buong atensyon sa akin.

"Are you sure we're really okay?" he asked.

"Yes!"

"Then why are you mad?" he asked calmly. "I just want to eat with you."

Umawang ang bibig ko.

"Ayaw mo ba akong makasabay? Nagsasabay naman tayo sa mansion—"

"Iba 'yon! Marami tayo—"

"What's the difference? Nagsasabay pa rin naman tayo. Bakit dito ayaw mo?"

Seriously, I need him to go back. Ako ang malalagot at mapapagalitan dahil nandito siya! Alam ba ng mga magulang niya na nandito siya?

Sa takot na humaba pa ang usapan namin at magtagal pa siya rito, umupo na lang ako sa hapag at nagsimula ng kumain. Tahimik naman siyang tumitig at tumabi na rin sa akin para kumain kasabay ko.

"What are you going to do today?" he broke the definite silence after a while.

"Dito lang."

"You're not going to swim?"

"I'm literally here for days now. Naglibot-libot na ako."

"What took you so long to come back? Do you really have plans of coming back to the mansion?"

"Of course! Bakit hindi ako babalik?"

"Sobrang tagal, Kristine..." he whispered like it's his greatest frustration. "But I'm glad you're enjoying a lot in here. Do you like Palawan?"

"Yes..."

Tumango siya. Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos mag-ayos, bumalik siya sa room niya dahil may kukunin. I know he'll come back here again and I'm starting to get really worried. Hindi ako mapakali habang nandito siya.

I called and texted Mrs. Gallardo to inform her that Third is here in Palawan. This time, she answered the call immediately. Napapikit ako nang sumalubong sa akin ang galit na boses niya. Hindi niya alam na nandito si Third kaya ngayon ay sa akin ibinubuntong ang galit.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now