Kabanata 39

457 9 6
                                    


Kabanata 39
Rebellion







"Where are my pills?"

Sa ilang buwan na nagdaan, pang-ilang beses ko nang inulit ang tanong na 'to kay Terrell. And always... always... I always get the same answer!

"You are on pills?"

O minsan ay...

"You need it?"

Pakiramdam ko mababaliw na ako kay Terrell sa mga sagutan niya! I need it! Siyempre kailangan ko!

I glared at him. Isa sa maraming pagkakataon na hindi maganda ang gising ko na gano'n ang bungad ko sa kanya.

I feel so tired and weak. Walang gana at lakas na gumalaw galaw man lang. He advanced to me and stopped on the side of the bed.

"Hinihintay na tayo ni Arietta," he reminded me.

Hindi man lang ako naalarma o nataranta. He is ready. Pinasadahan ko siya ng tingin. Terrell is sporting a black shirt and jeans in the same color.

Bumuga ako ng hangin. I turned to the other side and pulled the duvet to the level of my face. Narinig ko siyang tumawa.

"Ayaw mo na bang tumuloy? Tatawagan ko ang Ate mo para ipaalam na hindi tayo pupunta."

"Pupunta tayo. I just need to sleep for another ten minutes," hindi ko alam kung naintindihan niya ako dahil hindi na halos lumalagpas ang boses ko sa duvet.

"Late na tayo pagkagising mo."

"Mauna ka na lang. Susunod ako," I said in a dismissive tone.

Pumikit na ako. I was ready to fall asleep again. Handang handa nang balikan ang antok ko nang umuga ang kama dahil sa pagsampa ni Terrell. Naramdaman ko agad ang braso niya sa may tiyan ko.

"Matamlay ka na naman. What are you feeling, Ariadne?" tanong niya.

"Tired and weak..."

For the past months, I learned not to conceal whatever I am feeling. Sanay na si Terrell na sinasabi ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko at ang tumatakbo sa isip ko kaya hindi na rin siya nagugulat sa ganito.

And I like him for understanding me.

"Is this because of your pills again? Side effects..."

Siguro? Hindi ko alam.

Inalis ko ang duvet sa mukha ko at nilingon siya. Nagkatinginan kami.

"I don't know."

Malambing niya akong hinalikan sa pisngi.

"Itatago ko ulit sa susunod. Ako na lang ang magpipigil, Ariadne. If you feel this because of your pills, then I want you to stop taking it. I'll have the control."

Muntik na akong mapaismid. Talaga?

"We both know that you can't do it. Ikaw pa, Terrell?"

Sumama pa ang tingin ko sa kanya. "At huwag mo nang itago! Ang hirap hanapin!"

Noong nakaraang linggo ko lang nalaman na kaya pala tinatago ni Terrell o kaya ay tinatapon ang pills ko dahil dito! It is said to be normal to feel side effects lalo na kapag hindi sanay ang katawan mo. He doesn't like seeing me in this state so he would hide my pills or throw it somewhere! Tapos ako, bili nang bili!

He chuckled lowly. "Hindi ko na itatago. Huwag ka na rin uminom."

"Hindi pwede! If I get over on pills, aabot sa sampu ang anak mo!"

"I'll have the control," mayabang niyang sinabi na hindi ko magawang paniwalaan.

I gave him an unconvinced look. Natawa ulit siya.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now