Kabanata 2

571 18 13
                                    


Kabanata 2
Ligaw






"Pwede ba, Ariadne?"

Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Roman. Napakamot sa batok, nahihiya na sa direktang tanong sa akin.

I smiled, a bit bothered at his sudden confession. Mas lalo lang nabagabag nang paglingon ko sa classroom, nadatnan ang mga kaklase kong nasa bintana, nakasilip sa amin.

"Hindi kasi ako tumatanggap ng manliligaw, Roman, e," I said, shy at the scene.

Iyon ang lagi kong sinasabi sa mga nagpapaalam na manligaw kaya sigurado ako na maiintindihan iyon ni Roman. Hindi siya ang unang tinanggihan ko at alam ko na hindi rin ako ang unang tumanggi sa kanya.

He is part of the school's varsity team. Kilala ng karamihan dahil team captain siya. Bukod pa ro'n, gwapo rin at may magandang tindig. Tipikal na tipo ng mga babae rito sa Altaguirre. His confession is really a chance to consider. A good opportunity to divert my attention away from Terrell.

Kaso naisip ko na kung pauunlakan ko ang panliligaw niya para lang do'n, hindi ba at parang mali naman ata?

It is such a selfish decision. I have to consider Roman's feelings, too. Ayaw ng puso kong makipaglaro sa puso ng iba. Given the fact that I am into someone, my heart has known its owner.

Sinasabi ng iba na masyado pang maaga para sa mga ka edad ko na pangalanan iyon na pagmamahal. Kung ano man ang nararamdaman ng bata kong puso, baka crush lang at hindi naman talaga love.

At bilang batang ako, sumasang ayon ako na hindi pa nga ito ang limitasyon ng puso ko. He is not my love. But I am sure that this is not some kind of a petty feeling. It is not shallow. This is more than a crush. More than infatuation and attraction. And yet lesser than love.

Gaya ng inaasahan ko, naintindihan naman ni Roman ang naging pasya ko. Nirespeto ang desisyon ko at hindi naman nagpumilit. I thought he only accepted it because he is famous with girls. He can easily find someone after this rejection and that I don't matter at all.

O iyon ang akala ko...

"Pwede bang makipagkaibigan na lang?"

Guilty at my refusal, I agreed. Wala naman akong nakikitang masama sa pakikipagkaibigan kaya ayos lang sa akin. Kaya lang, parang nanibago ako na pagkatapos kong tanggihan, gusto niya lang na makipagkaibigan. The past boys were a bit aggressive. They demanded me to reconsider and give them a try but I stood firm on my ground and didn't give in.

"Sayang naman din, Ariadne! Alam mo bang ang daming nangangarap na ligawan ni Roman? He could pass as a hot boyfriend!"

Marami ang nakakita sa pagtanggi ko kanina kaya hindi na rin ako nagulat sa hinaing ng mga kaklase kong babae. Malakas ang panghihinayang nila na kahit paulit ulit nang pinapaalala sa akin ang taong sinayang ko, sinasabi ulit sa pag-asang mapagbibigyan ko iyon ngayon.

"Baka pag-initan ka lang ng mga babaeng may gusto sa kanya!" pangamba naman ang naging tinig ni Teresa sa usaping iyon.

I looked at her with assurance on my face.

"Hindi 'yan. Hindi naman siguro ako ang nag-iisang tumanggi sa kanya."

I was sure of it not until...

Nagkatinginan silang lahat. May pagtataka ako nang pagbaling muli sa akin, kabado na at nababahala.

"Ikaw lang kaya!"

As much as I want to think of it to evaluate the situation, I am more concerned about Roman's invitation to a friendly date this evening. Maliban pa ro'n, gusto niya sanang sabay kaming mag-lunch.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now