Kabanata 14

329 7 13
                                    


Kabanata 14
Laro






"Tuloy na ang paghahanda para sa kasal ni Clesti. Selovi wants it to be perfect kaya gusto niyang nandito rin kayong lahat sa buong paghahanda. For Arietta to have an idea for her wedding, for Haliya to learn on how to act like a bride... and Ariadne to..."

I was not able to hear Mama's remark. Bumagsak agad ang tingin ko sa cellphone na kanina pa nagvavibrate sa kamay ko.

Terrell calling...

Suminghap ako. Sandaling kinalma ang sarili at tinalo ang kagustuhan kong sagutin ito bago ako bumuntonghininga.

"Do I even need to learn that? Bride lang naman, Tita, 'di ba? Lalakad lang sa aisle, mangangako sa harap ng lahat, mag a-I-do... tapos lintik na halik. Ano pa ang kailangan kong matutunan?" irap ni Haliya, iritadong nakahalukipkip sa silya niya.

"My mind is fixed. Lance has his own idea for our wedding and I have the theme so screw Clesti's wedding!" si Ate.

Bumuga ng hangin si Mama. "I get you girls. Your reactions are well expected. Pero para sa kagustuhan ni Selovi-"

"Hell! Ano ba naman 'to, Tita? Dream wedding ba ng lahat ang kasal ni Clesti? Perfect bride siya? Role model? Are they kidding me? Wow!" lumutang na nng tuluyan ang iritasyon ni Haya.

"They are flaunting this damn wedding. For what? Fame?"

Hindi ako makasingit sa usapan. At wala ring balak na sumingit. Isa lang ang gusto kong mangyari sa ngayon.

I wanted to excuse myself and just go out to breathe fresh air. The heavy topic is suffocating me. Their reactions, the feeling, the atmosphere... everything is just concluding negativity.

Okupado ang isip ko. Nitong mga nagdaang buwan ay pabalik balik kami ng Palmes para makipagkita kay Mama. It took most of my time that it was hard dealing with my studies.

Hindi na ako halos mabakante. Kaliwa't kanan ang lakad, sa magkaibang bagay, pero parehong priority. Nakakapagod ang ginagawa namin. Minsan, gusto ko na lang magpaalam kay Mama na hindi na muna ako sasama kay Ate na umuwi ng Palmes at manatili na lang sa Altaguirre.

For Terrell?

Hindi. Para sa pag-aaral ko. Although he has the part of my reason, I can bear a long time of not seeing him. Sa ngayon, alam na alam ko ang dapat kong mas inuuna at ang pag-aaral ko iyon.

I made myself clear to him. Klaro sa aming dalawa na habang nag-aaral pa, iyon na muna ang pagtutuonan namin ng pansin. We don't have to prioritize each other cuz in the first place, there was no relationship obtained.

At kapag iniisip ko ang maraming beses na naghalikan kami, maling mali ang nararamdaman ko. When living the moment, it feels so magical and satisfying. It feels so right that nothing could go wrong. My feeling is always on the right address. It's going to reach him.

Pero kapag naiisip ko na, at kapag ang pagbalik tanaw na lang sa mga ala-ala ang tanging magagawa ko gaya sa mga araw ng pangungulila ko sa kanya, natanto ko na mali nga yata talaga.

Are we fling? Are we even an item?

Do we stand a chance?

It is so wrong to get used to him when I don't feel secured of what this relationship has to offer me. Will it be pain? Or will it assure me that when I comeback, my feeling is lucky enough to be reciprocated?

"Hahabol ako, Lara. Malapit ko na rin naman matapos. Sigurado ako na bago ang due date, naipasa ko na."

"Sige, Ariadne. Hihintayin ko na lang 'yan. I told you this not because I want to put pressure on you. Sayang lang din talaga kapag nawala ka sa dean's list dahil lang sa isang project..."

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz