Kabanata 6

443 17 8
                                    


Kabanata 6
Scene







Agad akong pinamulahan sa naging tukso nila Teresa at Cherry sa akin nang malaman ang nangyari no'ng araw na 'yon.

"Hindi naman 'yon date..." paulit ulit kong sinabi para pabulaanan ang naiisip nila.

O kaya...

"Wala akong manliligaw sa kanila..."

I have been trying to wrong them about their thoughts towards it. Buong araw ata akong panay tanggi sa kanila pero hindi ko talaga alam kung paano patatahimikin ang kalikutan ng kanilang isip. Mas lalo lang akong nahirapan na itanggi 'yon nang may nakisali pang mga kaklase ko na nakakita sa akin kasama ang tatlo sa nayon.

Kilala nila si Sendo at Terrell. Si Levin ang hindi gaanong pamilyar sa kanila kaya iyon ang madalas na itinatanong sa akin.

"Baka kailangan ko na rin pumunta ng bar?" nangingiti sila habang iniisip ang sarili sa loob ng lugar na binanggit ko.

Hindi ko naman tinatago ang trabaho ni Ate kaya tingin ko'y walang masama na sinabi ko sa kanila kung saan ko nakilala si Levin. They misunderstood it at first. Akala ay naglalagi ako sa bar para magliwaliw at maghanap ng lalaki. Naliwanagan din kalaunan nang sinabi ko na minsan lang ako ro'n kapag sinasama ng kapatid.

They find the three so fine that they got jealous at me after believing that they are my suitors. At kahit pa ilang beses ko nang itinanggi 'yon, hindi pa rin gaanong makumbinsi.

No'ng Sabado lang ata bumalik ang kapayapaan ng sarili ko. Gaya ng madalas, sa flowershop ng mga Agapello ulit ang tungo ko. Kaya lang, hindi na ako mag-isa.

Pinamulahan ako sa naging tukso ni Mang Agapello sa akin na pinangunahan niya pa ng papuri. Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko samantalang nagagawa pang tumawa ni Levin na para bang hindi naman malaking bagay sa kanya ang sinabi ni Mang Agapello.

"Ayaw pa nga po akong pagbigyan ni Ariadne, e," pakikisakay niya sa biro.

Sendo didn't show up the latter days of weekdays. There was no sign of him. Hindi na nagparamdam simula no'ng hinatid nila ako ni Terrell sa bahay. Akala ko pa naman siya ang kasama ko ngayon sa shop. I got myself ready and even wore the dress he gave me.

"Bakit naman, ija? Maganda ka at gwapo naman itong si Levin. Bagay kayo, tingin ko."

"Uh... hindi pa po kasi ako nagpapaligaw. At wala pa po sa isip ko ang magka nobyo, Mang Agapello."

Levin is suppressing the ghost of smile on his lips as he waited for my answer. Pinakawalan lang ang ngiti nang natapos ako sa sinasabi.

"Bata ka pa nga naman," tumango pa siya. "Pero sa tindig nitong binatilyong kasama mo, mukhang hindi ka naman sasaktan. Ganyan din ang tindig ko noong araw at hindi ako kailanman nag-isip na magloko sa babaeng mahal ko. Pakiramdam ko ay tulad ito sa akin."

"Nasa lahi na po ata natin na magkaroon ng tinatangi, Mang Agapello. Iyong tinatanging babae na siyang mamahalin habang buhay," si Levin ulit na nagpainit lalo ng pisngi ko.

Hindi iyon dahil sa natutuwa ako sa sinasabi nila. Hindi rin dahil sa nasisiyahan ako sa mga papuri ni Mang Agapello sa akin. Namumula at umiinit ang pisngi ko ngayon dahil nahihiya ako. Sa ganda ng mga sinasabi nila sa akin, pakiramdam ko hindi naman iyon totoo.

O baka hindi ako ang babaeng iyon.

Bumalik sa tabi ng abuelo iyong babaeng bantay rito kanina. Umalis si Freesia para kunin ang bulaklak na binili ni Levin. At nang bumalik, titig na titig na sa akin.

"Ito na ang bulaklak," sabi niya at binigay iyon kay Levin.

"Salamat..."

Hinarap niya ako. Levin is so sweet and jolly. Laging masaya at may mga naiisip na gawin na tiyak na magpapapula na naman ng pisngi ko. Gaya ngayon, mas lalong uminit ang mukha ko dahil sa kilos niyang ikinabigla ko ng lubos.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now