Kabanata 25

374 9 3
                                    


Kabanata 25
Mrs. Lazarte







"Matagal na rin, ija. Masaya ako na nakabalik ka ulit."

Masaya akong ngumiti kay Mang Agapello. It feels good to be back here once again. Matapos ng ilang linggo simula nang nakabalik ako ng Altaguirre pagkatapos ng lahat, ngayon ko lang ulit nahanap ang daan pabalik sa flowershop ng mga Agapello.

I have found a way to a fragment of my beautiful younger years.

"Ako rin po, Mang Agapello. Pasensya na po kung medjo natagalan..." hindi na napawi ang ngiti ko nang tinanggap ang binili kong stargazer lily.

"Sa pagkakaalala ko ay daisy ang paborito mo, ah? Nag-iba na ba?"

Napangiti ako at umiling.

"Hindi naman po. Naisip ko lang na maganda rin na paunlakan ng pansin ang ibang bulaklak. Lahat naman po maganda."

Levin isn't here with me. May ginagawa pa siya sa bahay nang iwan ko. Naisipan kong bumisita muna rito. Pumayag naman siya at ang sabi ay susunduin na lang ako rito kapag tutulak na kami papunta sa lupain ng mga Salvador.

Mang Agapello invited me to the wooden chair settled right in front of the shop. Ang pwestong madalas naming tinatambayan noon.

"May punto ka rin naman, Ariadne. Minsan maganda rin na nababaling ang atensyon natin sa mga bagay na hindi natin masyadong nakikita noon. Malay mo, mahanap mo ro'n ang pagmamahal at hindi simpleng pagkagusto lang gaya ng nahanap mo sa kung ano ang nakasanayan mo."

Ngumiti ako. Can I make that as a reminder to myself? Ang balingan ang ibang bagay. Na minsan, magandang ibaling din saglit ang atensyon sa paligid.

It is good to fix your eyes on something you already like. It won't be a waste, I know. But for some reason, some importance could be found on something you happened to just ignore.

Kung ano man ang nakakaligtaan mong mapansin at makita noon, minsan, nandoon pa ang totoong halaga.

Gumala ang tingin ko sa buong flowershop. I used to visit here back in my younger years. Wala akong ibang daang tinutunton tuwing weekends kundi ang tindahang ito. Para mamili ng bulaklak at para makabisita kay Mang Agapello.

I was hesitant to visit this. Sa ilang taon kong hindi napuntahan ito, akala ko nagsara na. O baka umalis na ang pamilya sa Altaguirre. Hindi ko alam. Naisip ko lang dahil posible naman iyon. Marami din kasi ang pwedeng magbago sa loob ng isang buwan... isang taon... lalo na sa maraming taon?

"Si Freesia nga po pala?" tanong ko nang naalala ang babaeng madalas kong kasama rito noon.

I can still recall how playful she is while arranging the flowers. Ang pinaka magaling na florist na kilala ko.

At ang naging kaibigan ko rito kahit hindi ko alam kung ganoon din ba ang turing niya sa akin...

"Ah, hindi na rito umuuwi ang apo ko, ija. Minsan na lang siya dito. Pabalik balik na kasi sa Solarez."

Nilingon ko siya. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya nang kuminang ang pangungulila sa mga mata niya.

Matagal din ako rito noon. At sa mga araw na pinapalipas ko dito sa tindahan, wala akong ibang napapansin na kasama niya bukod kay Freesia. Bago ako tuluyang umalis noon, may nakita akong bagong mukha pero tingin ko'y hindi naman iyon ka pamilya.

"Doon po ba siya nagtatrabaho?"

Umiling siya. "Hindi naman. Pero nandoon kasi ang kaibigan niya. Hindi niya naman maiwan dahil malaki ang kinakaharap na problema."

He turned to me. "Kilala mo ba iyong Syda?"

Pamilyar ang pangalan niya sa akin. Saglit pa akong nag-isip. Hinalungkat ang mga ala-ala ko at natandaan ang isang beses na nagpang-abot kami sa plantation ng mga Fidallego noon.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now