Kabanata 1

781 21 4
                                    


Kabanata 1
Peace



Pinagmasdan ko ang itsura ni Ate. Mahaba at makinang ang kulay itim niyang buhok na malayang nakalugay sa kanyang likod. Simpleng t-shirt at shorts na pambahay lang ang suot pero halata pa rin ang hubog ng kanyang katawan. Walang suot na make-up pero maganda pa rin.

Ganyan ba talaga kapag nasa tamang edad na? Ganyan din kaya ako kapag tumungtong ako sa parehong edad ni Ate?

"May problema ka ba? Kanina ka pa nakatitig sa akin," tanong ni Ate nang malingunan ako at nadatnang nakatitig sa kanya.

Umiling ako. "Wala naman po, Ate."

"Sigurado ka ba?"

"Opo..."

Tumango siya at muling inabala sa ang sarili sa niluluto. Muli ko siyang pinagmasdan kahit pa nakatalikod na siya sa akin ngayon.

Do girls look like that when they age a bit? Iyong mature na at hindi na babata bata?

Hindi naman ako nagmamadaling tumanda. In fact, I am actually enjoying my life now at this age. Wala akong nakikitang malaki at valid na rason para magmadaling lumaki. Kung dahil iyon kay Terrell, hindi rin naman ako atat.

Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na ang pagkagustong ito ay hanggang doon na lang. If I am already sure of my own deal, then why bother to grow fast and be a fine maiden?

Para saan din ba 'yon? Hindi rin naman niya ako makikita kahit pa maging katulad ako ng mga babaeng umaaligid sa kanya. All he sees is Marienne so another reason to never mind Terrell.

"Late na ang uwi ko mamaya, Ariadne. Ayos ka lang ba rito? Gusto kitang isama sa trabaho pero may klase ka pa bukas. Isa pa, hindi rin maganda na naglalagi ka sa bar. Mamaya may makuha kang asal na hindi maganda," si Ate sabay abot sa akin ng baon ko.

Tinanggap ko iyon at agad na inilagay sa bag ko. I refuse to bring lunch bag since my bag has enough space for my lunch. Sa klase namin, pinagtatawanan din kapag may gano'n pa dahil hindi na raw kami grade schooler para kailanganin pa 'yon.

"Okay lang naman po ako, Ate. Magluluto pa po ba ako mamaya? O sa trabaho ka na maghahapunan?"

"Sa trabaho na siguro. Kasama ko naman ang Kuya Lance mo kaya baka sabay na kaming maghapunan."

I nodded. "Sige po..."

Kinuha ko na ang bag ko at naghanda na sa pag-alis. Isang pasada ulit kay Ate ang ginawa ko bago ako tuluyang umalis para pumasok sa eskwelahan.

Ate has this light aura. Siguro kaya siya maraming kaibigan sa trabaho dahil madali siyang napapakisamahan. Kung sa itsura naman, lagi din siyang pasok sa standard ng mga lalaki roon kaya madalas na nilalapitan ng iilang may gusto sa kanya. Pero dahil may nobyo naman siya, at ayaw rin ni Kuya Lance na masyado siyang nilalapitan ng mga lalaki, hindi rin niya pinagbibigyan ang lahat ng nag-aalok ng date.

Ate Arietta has the beauty of a Lorenzana gene. White skin complexion, long jet black hair, almond shape eyes, and of course the cherry lips. Maraming nagsasabi na kamukha ko si Mama. Ate resembles our mother, too, but I don't think I look like her.

Maybe because I am years younger than her? Or maybe... I am not yet a fully bloomed maiden. Hindi ko alam.

Sa tuwing tinitingnan ko naman ang mga kaklase kong babae, gano'n din ang ayos nila. None of them wears make up. Kung may nilalagay man, siguro liptint lang para maiwasan ang pamumutla. Only liptint and the rest of their face is covered with natural beauty.

I am not trying to fit in into the new adult's world so I don't exert too much effort in becoming one. Minsan ay nauudyok na sumubok pero hindi ko rin naman napagbibigyan ang sarili.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon