Kabanata 24

348 10 4
                                    


Kabanata 24
Tormented



"Kakapanganak lang din ni Marienne."

Mahina ang boses na nasa loob ng silid. Kapag tumatahimik ang mga nag-uusap, maririnig ang katahimikan ng paligid. Minsan, may tunog na hindi masyadong pamilyar sa akin.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan. My body feels sore from the excruciating pain I've been through in giving birth. Na kahit pa ang magmulat ng mga mata ay halos hindi ko pa magawa ng mabilisan.

My eyes were a bit blurry. Kinailangan ko pa ng ilang sandali para palinawin ang paningin. Sa malayong banda ay natanaw ko sina Ate. Nakatayo si Kuya Lance at problemadong sumisilip sa cellphone niya para sa inaasahang tawag o text na hindi dumating. Nasa couch si Ate sa mini lounge ng kwarto, namumugto ang mga mata at tulala.

"Ate..." mahina ang boses ko nang nakabawi ng kaonting lakas.

Agad kong nakuha ang atensyon nila. The silence of the room was enough to highlight my low call. Nagpalitan agad sila ng tingin ni Kuya.

May kaba ng kaonti nang bumaling sa akin si Ate Arietta. Nanghihina siyang tumayo at dumalo sa akin.

"How are you?" she asked.

"Ayos lang, Ate. Ang anak ko?"

Kuminang ang luha sa kanyang mata na mabilisan ang pamumuo.

"Gutom ka ba? Ano'ng gusto mong kainin?"

"Hindi po. Ang anak ko po? Gusto ko siyang makita."

"Adobo? Gusto mo ba? Teka... mas maganda kung gulay para makabawi ka agad ng lakas," natataranta na siya at hindi na makatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Hindi po ako gutom. My baby... where is my baby, Ate?"

"Fruit shake?" kabado niyang nilingon si Kuya Lance. "Pwede ba 'yon kay Ariadne, Lance?"

Hindi kumibo si Kuya Lance. Sumulyap sa akin pero nang nagkatinginan kami, iniwas agad ang pagod na mga mata.

Nilingon ko ulit si Ate. Nagtataka na sa kinikilos niya.

"Ate... ang anak ko po?"

She panicked even more. Siguro nang natanto niyang hindi ako titigil sa paulit ulit kong tanong.

"Pagkalabas mo dito bibisita tayo sa flower plantation ni Lola."

"My baby. I want to see my baby," may kaonting diin na sa boses ko.

"Saan mo pa gustong pumunta? Sa Arran? What about out of the country naman-"

"I want to see my baby. There is nothing I want right now but to see my baby."

Halos magmakaawa na ako sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinansin. Tuloy tuloy lang sa sinasabi. Kaya may kaonting takot na ako ngayon.

"Ate... please... my baby..." my voice so stern and pleading.

Saka siya natahimik. Kumurtina agad ang mga luha sa mata at isang kalabit na lang, mag-uunahan na sa pagpatak. And it didn't disappoint me when I saw her crying.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. Iyak pa rin nang iyak na parang may mali. O may hindi magandang nangyari.

At habang iniisip ko iyon, unti unti namang pinapatotohanan ng mga kilos ni Ate. Tears immediately built up in my eyes while my mind is refusing to believe it. Kaya lang...

"I'm sorry, Ariadne. I'm sorry..." nabasag ang boses niya habang paulit ulit na humihingi ng tawad.

Sa kalagitnaan ng kaba ko, nagawa ko pang magtanong kahit pa pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang maaaring sagot ni Ate.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat