Kabanata 13

364 10 7
                                    


Kabanata 13
Sabik





Nangako ako. No matter how the night ended that day, I am still true to my promise. Kaya kahit pa kinukulit ako ni Levin na ihatid na sa bahay, hindi ako pumayag.



Ako:

Pauwi na ako.


Bumuga ako ng hangin pagkatapos ipadala iyon kay Terrell. As I promised, I will send him texts. Para masigurado siya. Mapanatag na hindi ko kasama si Levin.



Ako:

Nakauwi na.




Text ko ulit nang nasa bahay na. Isettled with texting again. Nagkikita naman kami pero hindi na ako madalas na sumasama sa kanya. Hindi dahil nagtatampo ako o nagdaramdam pa rin sa naging tapos ng gabi no'ng araw na 'yon.

I got busy. Siguro dahil tambak na ang mga school works. Doon ko itinuon ang sarili. Focus naman ako sa pag-aaral ko pero dinoble ko lang ngayon. Natututo na ulit na dumistansya sa kanya.

I don't know why I feel like fading in and out of my realizations lately. Paiba iba na ang desisyon ko. Kapag masaya, laging gustong kasama siya. Hindi na alintana ang bulong ng isip ko na hindi dapat. Na kailangan kong umiwas dahil nanganganib ang puso ko sa kamay ng lalaking gusto ko.

At some point in life, whenever I feel jealous or hurt seeing him entertaining girls, I would likely to distance myself from him. Nakukuntento na lang sa text at tawag. Sapat na rin sa akin ang mga araw na hindi ko siya nakikita o nakakasama. Napapanatag na lang kahit paano.

And in a snap, I am drowning in him again. Gulong gulo na ako. Nalilito na sa sarili kong nararamdaman. If it is just my default or not, I don't know.

"Sasama ka sa bar ngayon?"

Umiling ako kay Ate. Nagpatuloy sa isinusulat ko at hindi na nag-angat ng tingin. Gusto kong ipakita na abala ako sa ginagawa ko.

"Hindi na po."

"Bakit naman? Wala kayong lakad ni Terrell?"

She didn't sound curious at all. Simpleng tanong lang naman iyon. Baka ako lang ang nag-iisip na may iba siyang gustong sabihin.

"May ginagawa po ako, Ate. Dito na lang po muna ako... gagawa ng school report," may humalong pait sa huling sinabi.

"This is unusual, Ariadne. May nangyari ba?"

Huminto ako sa pagsusulat at saglit na napatitig sa notebook ko. My eyes widened a fraction when I realized I wasn't really doing my report. Nagsi-scribble lang sa notebook ko ng kung anu ano!

"At anong klaseng report 'yan? Hindi ko mabasa," si Ate na nakadungaw na rin sa sinusulatan ko.

I closed my notebook. Hinarap ko na siya ngayon. She's ready. Si Kuya Lance na lang ata ang hinihintay para tuluyang tumulak sa trabaho.

"I know you like Terrell. Dati pa lang napapansin ko na ang nararamdaman mo para sa kanya."

Hindi ako sumagot. She sighed and continue her words.

"Alam kong minsan nirereto kita sa iba at madalas na tinutukso na bibigyan ng boyfriend. I am confident knowing that you are not into entertaining boys. Pero pag dating kay Terrell... nangangamba ako, Ariadne," sabi pa niya.

"Wala naman pong dapat ikapangamba, Ate," sabi ko sa mahinang boses at nag-iwas ng tingin.

Sa sulok ng mga mata ko, nakita ko siyang tumango.

"I am not going against you. Kung ano man ang gusto mong mangyari sa inyong dalawa, susuportahan kita. Just remember what I have been telling you before. Na..."

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now