Kabanata 30

445 7 9
                                    


Kabanata 30
Lost in Love






Dalawang araw pa lang ako rito sa Palmes pero uwing uwi na ako sa Altaguirre. Habang ini-enjoy nila Ate ang pagdating ko, umiiyak na ang puso ko para sa pamilyar na tanawin ng plantation.

"Congrats for your first client, Ariadne!"

Kasabay ng bati ni Haliya ay ang tunog ng pinagbanggang baso sa ere. Sumunod agad ang bati nila Ate, Kuya Lance, Benedict, at Levin.

They all enjoyed their drinks. Ngunit hindi ko mapaunlakan ang akin. Pang-anim na shot na ata nila 'yan pero ako, wala pang nauubos na shot.

"Thank you," sinubukan kong pasiglahin ang boses pero tumatakas din ang kinikimkim kong lungkot.

Haya playfully rested her arm on my shoulder blade. Buhay na buhay pa ang wisyo sa kabila ng bilang ng nainom niya.

"I know you feel pressured on your first closed deal. But what more can you do than to let that stress off?" she tried to knock some sense on me.

Umuwi lang ng Altaguirre ang gusto kong gawin sa ngayon. Pagod na ako sa lahat ng bar hopping namin kagabi at pati na rin sa night escapade ni Haliya ngayon.

"I have to get ready for it. Hindi ba?" mahinang sinabi ko.

Pakiramdam ko nilunod ng ingay ng lugar ang boses ko. Haliya chuckled.

"Malayo pa 'yon! June pa ang kasal!"

Ngumuso ako. "It's already June, Haya. Next week na ang kasal."

Her lips formed an 'o'. Kunwaring nagulat pero alam kong alam niya naman ang lahat ng detalye.

At gaya ng lagi niyang rason...

"Don't think of it too much, 'right? With your skills? I doubt it would be a fail. May design team si Feng kaya hindi mo na poproblemahin pa ang tungkol do'n."

"Kay Terrell kayo kukuha ng bulaklak. I think he's got everything ready, Ariadne. Just chill. All you have to do for that wedding is to arrange the flowers, do the wreath, and of course, make a bouquet!" si Ate naman.

Kung pwede ko lang isipin na gano'n lang kadali, kanina ko pa inisip. My frustration got me swallowing my first shot for tonight.

It is the plan. Ms. Feng's team is assigned for the major preparations. All in all. Ang trabaho ko lang ay ang ayusin ang mga bulaklak. Ang team na rin ang bahala kung saan nila ito ilalagay kaya hindi ko na sakop ang parteng iyan.

Sa kapatagan iyon mangyayari. Hindi na raw itutuloy sa Davao dahil mas accessible ang Altaguirre sa halos lahat ng bisita kumpara sa Davao. Nasiyahan din kasi si Mrs. Cruz sa tanawin lalo na't malawak ang kapatagan at malayo ang abot ng tanaw.

Malapit din sa plantation kaya hindi na kami mahihirapan pang ilipat ang mga bulaklak sa mga lugar. At iwas din na malanta ito o ma-damage agad.

Nagkatuwaan ulit silang lima at hindi na naman ako nakasali sa tawanan ng gabi. Palihim kong sinilip ang cellphone sa ilalim ng mesa.



Terrell:

I am with Tariah the whole day. No flirty girls.



Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sinulyapan ko silang lahat at nang nakasigurado na wala naman ang atensyon sa akin, bumuo ako ng reply.



Ako:

I am with my force, drinking.



Mabilis ding pumasok ang reply niya. Parang nakaantabay sa text ko.



My Heart Be With You (Nayon Series 3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu