Kabanata 27

376 9 13
                                    


Kabanata 27
Heart of Mine




"Hindi ako mangungulit sa'yo pero kung nakakapagod ang trabaho mo sa plantation, handa pa rin akong makipagpalit sa'yo sa flowershop. I don't want you exhausted."

Pagkauwi namin ng bahay, iyon agad ang inalala ni Levin. Hindi naman ako pagod. Ang totoo niyan, pakiramdam ko hindi naman ako nagtrabaho. I enjoyed arranging the flowers. Parang katuwaan lang iyon sa akin at hindi magawang ikonsidera na trabaho. Mabigat na trabaho...

Lumubog ako sa bath tub. If I am to admit that I am exhausted, then it is mental and not physical. May lakas pa akong ipagluto siya kung hinayaan niya lang ako. Pagod ang isip ko sa paulit ulit kong pagbalik sa naging usapan namin ni Terrell.

Isang araw pa lang ang natapos pero ang dami ko nang naiisip. Nag-aamba na ang mga tanong.

I closed my eyes to remember his face once again. Pang ilang beses na sa buong oras na itinagal ko rito sa tub.

Marienne's death... Terrell's girls... Tariah... my frustration in my workload... and of course, Terrell's confusing words once again.

Ang daling tablahin ng sinabi niya kanina dahil may tampo ako at may kaonting tapang para sanggain ang kilig. Pero kapag binabalikan ko naman sa normal na pagkakataon... para akong mapapaniwala na naman.

It's not good, alright. Him blurting out ridiculous things is really a frustration to me. His wife? Mrs. Fidallego? Teka... mother Tariah?

There is no point in denying this so yes, his words moved me. Sobra. Nakakakaba ang sinabi niyang iyon. Nakakatawa na parang alok ang dating sa akin na tila ba simpleng bagay lang iyon.

He is resorting to me again. Tulad noon. Kapag hindi pwede si Marienne, ako ang nakikita. Ako ang pinapansin habang wala pa ang totoong gusto. Ngayon, eto na naman siya. Marienne's death is pushing him to settle with me again. To put up with me.

The night bath helped me shut my thoughts for a while and have a good sleep.

Nadala na ako. Hindi na nagsuot ng bestida at heels sa trabaho. I'm on my flats and simple white ribbon top paired with a fitted jeans. Mas kaswal ang dating kesa kahapon.

"I can see that you prepared for the work in the field, Mrs. Lazarte. You really want to work there, huh? Ayaw mo sa opisina ko?"

Parang ayaw niyang ganito ang suot ko. Of course, he knew why I changed my work clothes today. Dahil gusto kong magtrabaho sa field. Mag harvest!

He smirked, proud. Pinayagan nga akong mag harvest pero may nakasunod naman na taga payong! Kagagawan ni Terrell! I join the harvest and keep an apprentice or be a florist again!

Choose, Ariadne.

Gaya ng napagkasunduan namin ni Levin, ako ang tumao sa shop nang nag Linggo. I go to church and meet people. It has been my routine for the past years and I am familiar with the people of the town. Bumili sa amin. Lalo na iyong mga matatanda at mahilig sa bulaklak ang kakilala ko kaya malakas ang benta no'ng Linggo.

"How are you?"

Linggo ng gabi nang dumating sila Haliya at Benedict sa bahay. Ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng ilang taon.

I smiled. "I'm fine. Masaya sa trabaho ko sa plantation. Ikaw? Kumusta kayo ng asawa mo?"

Haya giggled. Nasa kwarto kami at nagkekwentuhan habang nasa mini bar naman ng bahay ang dalawang lalaki. I don't think they are drinking. Hindi naman umiinom si Benedict at tingin ko'y ayaw din muna uminom ni Levin.

Nadala ata no'ng gabing nalasing siya at... basta na lang akong hinalikan.

"Masaya! Oo, masaya!" natawa pa siya. "Grabe ang saya!"

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon