Kabanata 26

380 11 6
                                    


Kabanata 26
Shelter






Maaga kong inumpisahan ang umaga ko. Halos sumabay ang gising ko sa pagsikat ng araw. Hahawiin ko pa lang ang kurtina, nabanaag ko na ang gintong sinag ng araw sa bagong umaga.

Today is my first day of work. Hindi naman daw kailangan na magtrabaho ako gaya ng mga naghaharvest sa plantation. O kahit tulad ng ibang trabahador ng taniman. I can just simply assist those who are in need of help. Hindi na raw kailangan na gawin ko iyong mahihirap at mabibigat na gawain sa plantation.

Susunod naman ako sa sinabi ni Terrell kahapon. Nasaulo ko na rin ang lahat ng detalye at kaya ko naman iyon gawin. I just can't promise to never lend a hand to my other co-workers. Kahit pa pangatwiranan iyon ni Mr. Salvador na amo pa rin ako ng flowershop. Na karanasan at kaalaman lang daw ang kailangan ko at hindi ang pasweldo.

He even advised me to not really put my heart and all into my work. And that there is a thin line in between me and the other workers. Sa kung saang parte ng Altaguirre, ako ang amo... hindi trabahante.

I refuse to assume a post in that shop, though. Hindi naman akin iyon. It is Levin's possession. Tutulong lang ako. Gagabay kapag kailangan na. Pero hindi ko iyon aangkinin.

"Are you sure to work in the plantation? Mainit, Ariadne. Ako na lang doon. Ikaw na lang ang sa tindahan."

Naalala ko ang naging usapan namin ni Levin kagabi. Tahimik siya sa biyahe kaya akala ko wala siyang angal sa naging suhestyon ni Mrs. Salvador. She thought that division of labor would help us.

Bilang mag-asawa naman kami, pwedeng ako ang umani ng karanasan sa taniman at si Levin naman ang tatao sa tindahan. Or the other way around.

Pero hindi pala gusto ni Levin na ako ang sa taniman...

"Kaya ko naman. Maaga ang simula ng trabaho. Kapag mainit, doon na lang ako sa storage area. O ako na muna ang florist."

He stared at me for a moment. Nag-isip pa bago ako naglalambing na niyakap. Nasa harap ako ng tukador, nagsusuklay at siya naman ay nakayakap sa dibdib ko mula sa likod.

"You can be our flowershop's florist. Mas magaan ang trabaho ro'n," kumbinsi niya sa akin sa malambing na boses.

Normal ba na ganito ang trato ni Levin sa akin?

Pinagmasdan ko siya mula sa salamin. Isang pasada lang ng suklay sa dulo ng buhok ko at tapos na ako.

Sinalubong niya ang tingin ko sa salamin.

"Hindi ako kumportable na nasa loob lang ng shop. I want to see the amusements of Altaguirre, Levin."

"I can take you there during weekends. How 'bout that? Date natin, ipapasyal kita."

"Magsasara tayo sa Linggo?"

Kumunot ang noo niya. "Why? You don't want to attend mass?"

Umiling ako. Wala sa plano ko ang alisin sa itinerary tuwing Linggo ang pagsisimba. Pero pwede naman na pagkatapos sa simbahan ay bubuksan ulit ang shop. Tulad ng ginagawa nila Mang Agapello.

"We can open after the mass. Until the sun sinks, Levin. Sayang naman din kung isasara 'yon kapag Linggo. Mas mabenta ang bulaklak lalo na sa nagsisimba. Araw din ng dates. We need to scream the name since our shop is just on its starting point."

He chuckled. "See? You can run the business better than I can, Ariadne. Mas kailangan ka ng shop kesa sa akin."

"I can handle it on Sundays..." giit ko pa.

Nagkatinginan kami. May pakiramdam ako kung bakit ganito ang protesta ni Levin ngayon. Nakumpirma ko rin nang itinayo niya ako at hinarap sa kanya.

He sighed. "Alright... alright. If you really want it that way. Have it your way, Ariadne. But you have to promise me something..."

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now