Simula

1.1K 32 21
                                    


Simula








"Por favor, mijo. Dese diyete pa lang ang anak ko! Hindi pa pwedeng pakasalan!"

Papasok na ako ng bahay nang bigla akong natigil dahil sa boses ni Mama na umalingawngaw. She is not shouting but every word has its satisfying emphasis.

"Maghihintay po ako hanggang sa kaarawan ni Ariadne. When she turns eighteen, I will ask for your blessing."

Tumuloy ako sa lakad ngunit umikot na sa pinto sa likod. Diretso iyon sa kusina at may kalayuan ng kaonti sa sala kung saan, sa tingin ko, ay nandoon si Leo.

"Ariadne," mahinang tawag ni Ate.

Hinanap ko siya at nadatnan sa sulok ng kusina, nakapangalumbaba at patalikod na nakasandal sa dingding. She motioned her side, telling me to go near her without making any noise.

Hinawakan ko ang dulo ng laylayan ng suot kong puting bestida at sa maingat na lakad ay dumalo sa kanya.

"Huwag ka na raw muna magpakita kay Leo. Utos ni Mama..."

Tumango ako. "Nandito ulit siya, Ate?"

"Oo, hinihingi na ang kamay mo."

Isang pasada lang ng tingin niya sa akin, nakuha agad ng koronang bulaklak sa ulo ko ang kanyang atensyon. Kumurap kurap ako at kalaunan ay nahihiyang inalis iyon.

"Saan ka galing? Ba't mukhang umattend ka ng kasal?" binigyang atensyon niya ang suot ko. "Nakaputing bestida ka pa."

Umangat ulit ang tingin niya sa akin.

"Sa kapilya po, Ate. Kinuha ako ni Aling Dahlia para sa kasal ng pamangkin niya."

Kumunot ang noo niya. "Kasal? Ano ka naman? Flower girl?"

Walang nabanggit si Aling Dahlia kaya hindi ko alam. I am not familiar with wedding ceremony so I am not sure about the roles in the entourage. Hindi na rin ako nakapagtanong dahil abala na siya sa pagpapalinya ng mga tao no'n kaya sa kabila ng kuryusidad ko, sumunod na lang ako nang tahimik.

Ngumuso ako, hindi alam ang isasagot.

"Hindi ko po alam. Basta pinagsuot lang po ako ng puting bestida at nilagyan ng koronang bulaklak. Pinaglakad ako sa aisle, Ate, may dalang kumpol ng bulaklak."

Takang taka na si Ate sa akin. It took her awhile to react, siguro ay pinagtatanto pa ang ginawa ko.

"I will never give my blessing to you, Leo. Ariadne is still a young lady! Paanong pakakasalan mo agad pag nag dese otso na? Hindi mo na pag-aaralin? May mga pangarap pa siya!" muling singit ng boses ni Mama.

Pareho na kaming natahimik ni Ate. Maliban sa takot kami na mahuli ni Leo na nandito lang sa kusina, gusto rin naming makinig sa kanila.

"If you worry about her future, then I have to assure you that she has a secure future with me. Maganda po ang trabaho ko, galing din sa isang mayamang pamilya, at masipag din po ako," si Leo sa naniniguradong tono.

"Sinasabi mo ba na hindi na dapat ituloy ni Ariadne ang pag-aaral niya dahil dedepende na lang siya sa'yo?" dumating nga ang galit ni Mama na inaasahan ko na.

"Hindi ako tulad ni Jana Lazarte na itinatapon ang anak sa kung sino sinong mayamang lalaki, Leo. Ariadne is not an investment! All the more I should refuse to you cuz with that mindset of yours, my daughter would be living in hell!"

"Mrs. Lorenzana..."

Mama didn't return to Leo's calm call on her.

"I can't be won by money or riches, Leo. Wala akong pakealam kung mayaman ang angkan ninyo o kung maganda ang trabaho mo. Ariadne is building her future without your help. Ngayon, habang nakakapagtimpi pa ako, pwede ka nang umalis."

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon