Kabanata 15

350 10 6
                                    


Kabanata 15
Issues




Ako:

Mambabae...



Paulit ulit na sinundan ng tingin ko ang nasa screen. Ilang ulit na ngayong araw.

Bumuntonghininga ako. I was the one who suggested it. Ako ang nagsabi. Siguro... gaya ng mga naunang sinabi ko, sinunod niya lang din iyon.

I couldn't help not to feel hurt and pity myself that day. Umuwi ako na luhaan no'n. Ni hindi na tumuloy sa lakad namin nila Ate dahil sigurado ako na hindi ako magsasaya sa sinabi ni Levin. Hindi ko kayang humalo sa kasiyahan nila kung paulit ulit iyong babalik at bibisita sa isipan ko.

Marienne and Terrell... seen in a bar... dancing...

Kung iisipin, wala naman talagang mali sa ginawa nila, hindi ba? Silang dalawa na parehong malaya...

Anong masama kung makita silang nagsasayaw? Was it a scandalous circumstance? A malicious scene?

For two single people simply enjoying the night... does it mean a different thing  than what it supposedly meant?

"Bumawi ka, Ariadne. Makipagsaya ka rin sa iba!"

It didn't even sound like a suggestion to me. I heard it more like of a command. A thing I must do...

"Ang sweet sweet sa'yo tapos lalandi sa iba?" patuloy ni Haliya nang madulas si Levin kanina at nabanggit iyon sa kanya.

Her dismay was so loud that it reached Ate Arietta's knowledge, too. At ngayong bridal shower na ni Clesti, sinusubukan nila akong kumbinsihin na paunlakan ang mga nagpapahiwatig ng interes sa akin.

I shook my head in refusal. Hindi na nagsalita.

"I understand, Ariadne. Gano'n man ang nangyari, hindi pa rin dapat natin pinapangunahan si Terrell. Know his side, Ariadne," si Ate kahit pa halatang diskumpyado rin kay Terrell.

"They had past. Matagal din sila kaya kahit sinong makakakita sa kanilang dalawa, mag-iisip ng hindi maganda! At teka... bali balita na hiwalay na si Marienne at Samson, ah? Ano 'yon? Nagkabalikan sila ni Terrell?" mas nakuryuso si Haliya sa huling sinabi.

May bigla akong naalala. That very night, when I realized that Terrell was finally seeing me, he said something...

Edi, enjoy muna sa iba habang nag-iisip pa si Marienne kung ako o si Samson...

Ilang taon na rin ang lumipas. Ang daming nangyari. Pero posible pa rin na hanggang ngayon, totoo pa rin si Terrell sa sinabi niyang iyon...

I slowly bit my lower lip with a clenching heart inside my chest. Ang tindi ng paninikip ng dibdib ko na pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga. At agad din na nagbanta ang mga luha.

Posible kayang ako ang ine-enjoy ni Terrell sa mga nagdaang taon dahil hindi pa nakakapagdesisyon si Marienne?

I don't want to conclude anything. I refuse to accept that. But somewhere in my heart is crying for it. A part of me is being torn apart by thinking of any posibilities...

At hindi pa nakatulong ang patuloy na bulong ng isip ko na baka tama ako. Years have passed... and perhaps Marienne has finally decided.

And she chose Terrell this time...

Hindi tulad noon na iniwan niya na lang para sundan si Samson...

Iniwan niya sa akin... at ngayon ay binabawi niya na...

"Huwag mong sagutin, Ria!" Haya warned me in her most commanding tone.

Tumango ako at pinagmasdan ang umiilaw na phone. Naiiyak ako lalo. Isang kalabit na lang sa luha ko at bubuhos na ng tuluyan. Pinanghinaan nang tumahimik ang cellphone at namatay ang tawag.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now