Kabanata 31

370 6 7
                                    


Kabanata 31
Ocean Deep





"I'm here with you. Magpahinga ka na."

Pagkatapos ng nangyari, hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik sa bahay ni Levin. O kung kaya ko pa siyang pakiharapan nang hindi naaalala ang mga nakita ko. O kung kaya ko siyang kausapin nang hindi naaapektuhan ng mga narinig ang disposisyon ko.

Sunod sunod ang naging bungad ng mensahe nila sa akin. Halos sumabog na ang hotline ko dahil sa bumahang text at calls ni Levin.

"Nauna na po ako, Ate Arietta. Hindi na ako nakapagpaalam dahil tulog na kayo ni Kuya Lance."

Nagkatinginan kami ni Terrell. He sipped on his coffee while my milk is barely untouched. It is still.

"Ano naman ang sinakyan mo pauwi ng Altaguirre? Des oras na ata 'yon, Ariadne! May bus pa ba kagabi? Lahat naman ng sasakyan nandito kaya imposibleng nagpahatid ka sa driver!"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin kay Ate.

Sa lahat ng tumawag at nagtangkang makausap ako, si Ate Arietta lang ang pinaunlakan ko. I woke up in the irritating tone of my phone. At kung hindi pa siguro tumawag si Ate, baka tulog pa ako hanggang ngayon.

I spent the night here at Terrell's house. Sa kabila ng nagugulo kong naiisip, napapayapa naman ako sa tanawin ng taniman sa ala singko ng umaga.

"Where are you?" balik ulit ni Ate sa pinakaunang tanong niya nang napansing makakalusot na ako sa usapan.

"Sa Altaguirre po..."

She gasped. "I mean, where exactly are you? Wala ka sa bahay ni Levin, alam ko, Ariadne. Your key's duplicate is here."

Napakurap kurap ako. I brought my bag with me. Hindi ko lang alam na wala pala ro'n ang susi ng bahay ni Levin.

"Uh... si Levin po ba?" pag-iiba ko ulit ng usapan.

"Pauwi na ng Altaguirre. Nagmamadaling makauwi. Hinahanap ka na kaninang madaling araw pa."

Naghanda agad ako pagkatapos ng tawag. Terrell is silent on the side but I know he is watching me do my things.

"I got your clothes ready," aniya nang nagpaalam akong makikiligo.

He let me borrow his shirt and boxers last night. Siguro ay nalabhan na ang suot ko kahapon at handa nang isuot ko ulit ngayon.

Tumango ako.

"Pinalabhan ko kay Manang."

Uminit ang pisngi ko habang tinatanggap ang nakatupi at malinis kong damit.

"Baka kung ano ang isipin niya..." nahihiya kong sinabi.

"She knows. Wala namang isyu sa kanya."

Hindi ko na rin pa iyon inintindi. I have to mind something more important now than to think of Manang Pacia's thought about us.

Hinatid ako ni Terrell. He doesn't know why I act nervous and utterly bothered the whole time. Alam kong gusto niyang magtanong sa akin kagabi pa lang pero may pumipigil lang sa kanya.

Kabado ako nang bumaba sa sasakyan. Nilingon ko si Terrell na nakababa na rin pala.

"Will you be okay here? I can stay and wait for you," sabi niya sa kakaibang tono.

He has ideas in his mind. Kaya siguro kahit balisa ako, iniintindi ako dahil may ideya na siya kung bakit ako ganito.

Umiling ako. "Parating na si Levin. Okay na ako dito, Terrell. Babalik ako mamaya para sa trabaho."

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now