Kabanata 33

382 9 10
                                    


Kabanata 33
DNA







I didn't obey him. I let my stubbornness worked for me. Hindi ako natulog o nagpahinga. Sinamahan ko lang si Tariah hanggang sa nakatulog siya at lumabas din ng kwarto.

I can't sleep with a lot of things running in my mind. I couldn't shut the voices of questions screaming inside my head. Lalong hindi makatulog dahil sumasakit ang isip ko dahil sa maraming kuryusidad. It doesn't help that I cried so hard so my eyes were hurt too.

Dito sa veranda ng bahay ko nahanap ang kapayapaan. Inaabot ng tanaw ang plantation. Walang imik at pinagmamasdan lang ang mga trabahador na naghaharvest.

Terrell was frustrated that I didn't obey him. Went more frustrated that I refuse to rest even for minutes. Ayaw ko. At alam kong hindi ko magagawang magpahinga.

I just want to be here and wait for Ate to arrive. Hindi na ako makapaghintay. Hindi ako handa sa mga sasabihin niya pero hindi ko na iyon inintindi pa. I just want the truth for now. Peace and truths.

Kasi pakiramdam ko nabubuhay lang ako sa kasinungalingan.

Terrell didn't force me to join him with his errands. Hinayaan na lang din ako dito dahil pareho naming alam na matigas ang disposisyon ko ngayon. I once showed him my anger and it somehow traumatized him. And with the guilt he is feeling right now, he doesn't want to trigger me.

That's good and it helped anyway. Hindi ko maipapangako na hindi ko siya bubugahan ng galit at sama ng loob. Kanina sa libingan, unti unti na pa lang nabubuhay ang galit sa dibdib ko. I don't know for what my anger is for.

"Betrayal..." I whispered to the wind.

No matter what they say, this is still considered as betrayal. I don't like what I am feeling for this talk. Or if my anger would quench at their reasons...

I just hope it would... dahil ayaw kong magalit sa Ate ko. Kay Terrell. At kahit sinong sangkot sa pangtatraydor nilang ito.

Pasado alas otso na nang dumating si Ate. Pagbaba pa lang ng sasakyan, halata na ang kaba sa kanya. Si Kuya Lance ay nanatiling kalmado. Sinalubong ni Terrell ang mag-asawa at alam kong silang lahat ay nasa parehong kaba at takot gaya ng nararamdaman ko.

"Sa Study ka na daw dumiretso, Ariadne," salubong ni Manang nang nakita ako.

I nodded at her. Hindi na siya kumibo. Iba sa madalas na kulit at daldal kapag nagkikita kami. Maybe because of what happened... and what is about to happen.

Tinunton ko agad ang Study. Nahuli pa ako ng kaunti dahil nasa loob na silang lahat nang dumating ako. Isang pasada lang ng tingin ko sa paligid, pansin ko na agad ang ilang pagbabago.

But I don't have time to point out the changes. I have a serious talk with them. That is what is more important to me.

Tumayo si Terrell at sinalubong ako. I looked at him with indifference that he halted. Pamilyar sa kanya ang tinging iyon dahil gano'n din siya sa iba minsan.

I continued my walk to the couch facing the other one. Nagkatinginan sila Ate nang naupo ako. Terrell occupied the seat beside me. Tensyonado na ng kaunti.

"I want to know the truth," patiuna ko nang nagpapalitan pa silang tatlo ng tingin kung sino ang magsasalita.

"What truth?" si Ate at lumunok.

"All truth," my diin kong sabi.

Nagkatinginan sila ni Kuya Lance. Alam kong pagod pa sila sa biyahe pero hindi lang mapaunlakan ang pagod dahil gusto ko agad na mag-usap kami.

"Lay down your inquiries and we'll answer them with all honesty. Mahirap punahin ang katotohanang gusto mo dahil hindi namin alam kung saan magsisimula," si Kuya Lance sa kalmadong boses.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now