Kabanata 32

376 12 8
                                    


Kabanata 32
Ridiculous





I sent Levin off with a warm smile that day. He is making it to his plans. He took the first step--to leave and be back. Unti unti niyang pinapatunayan ang lahat ng plano.

We talked about our plans. Alam ko ang plano niya at alam niya rin ang plano ko. And now that he is making his move, it is a shame to me if I don't take on what I said to him. Totoo ako no'ng sinabi 'yon. At magiging totoo ako para patunayan ang lahat ng sinabi.

We plan to do it. And doing nothing to reach it is a waste and stupidity.

Dadahan dahanin ko ang lahat ng proseso. It is a process. For sure the outcome is out of consistency. Everyday is not always a good and big progress, but at least I am moving.

Be a turtle. Move in small steps and be consistent. One day, you'll reach your destination.

I don't worry. All I have to do is to be true to do it and call on that plan.

Tahimik at maingat kong ginagawa ang bouquet ng bride. Sinadya kong ihuli iyon dahil mas gamay ko ang paggawa no'n kaya mabilis lang matapos kapag kinulang kami sa oras.

Hapon pa ang kasal pero handa na ang lahat sa venue. Ms. Feng's team are checking and finalizing all the details to make sure everything is in place. May ibang team na rin na humalo sa grupo ngayon. Probably from the wedding coordinator team.

"Tapos ko na ang wreath, Pia," anunsyo ko nang nagsimula siyang mataranta sa kung ano.

She nodded. "E, ang bulaklak para sa aisle?"

"Naibigay ko na rin sa team ni Ms. Feng. Baka nasa lugar na 'yon."

Tinawag siya ng isa sa mga tauhan ng taniman. I couldn't recognize who it was since I was focused on making the bouquet.

"Ay, Sir!" someone welcomed whoever arrived.

Nag-angat ako ng tingin nang may sumipol. Si Mang Res pala. Kaharap ko ngayon. He pointed someone using his lips. Sinundan ko iyon ng tingin.

"May kulang pa ba? Magpapa-harvest pa ako..."

Si Terrell pala. He arrived with Tariah and Manang Pacia. Ayos na ayos si Tariah habang simpleng white t-shirt at kulay abong pantalon ang suot ni Terrell. Bagong ligo pa.

"Okay na lahat, Sir. Bouquet na lang ang kulang," si Pia na head florist namin.

Nagkatinginan kami ni Terrell. He smiled at me. Ngumiti rin ako at bumalik sa ginagawa.

"Kumain ka na ba, Ariadne? May pinahandang pagkain si Sir para sa'yo," lapit ni Manang sa akin at ipinakita pa ang dalang basket.

Tumango ako. "Tapos na po, Manang. Sa bahay..."

Levin told me to stay at his place until this event is over. Tatlong araw din akong mag-isa ro'n. Ngayon na ang huling araw ko ro'n dahil kahit pa ayos lang naman kay Levin na ako na ang tumao sa bahay niya, ayaw kong samantalahin pa ang kabutihan niya.

And today is also my last day of work here. Bukas, hindi na ako babalik para sa trabaho. Hindi ko na rin pa hawak ang flowershop kaya wala na akong rason para manatili pa rito. Everything today is my last.

Hindi ko lang alam kung paano ko ipagpapaalam kay Manang ang pag-alis ko. Kahit paano ay naging malapit na rin ako sa kanila. Sa kanya at kay Tariah.

I thought Manang was done talking to me. Pinatapos lang ako sa bouquet at binalikan ulit ng tanong.

"Baka nagugutom ka na? Kanina ka pa dito, ija. Kumain ka na."

"Sige po..."

Pumayag na rin ako. I am not hungry. The thing is... I want to appreciate her effort in making my meal. Alam kong siya ang inutusan ni Terrell na maghanda no'n kaya sayang naman kung hindi ko kakainin.

My Heart Be With You (Nayon Series 3)Where stories live. Discover now