CHAPTER 27

141 11 9
                                    

"A-anong-anong ibig mong sabihin y-yenggay?" Kinakabahan kong saad.

"Narinig ko kayong nagtatawanan kagabi, ang lakas lakas ng tawa niyo, hindi ba kayo nahihiya?" Saad niya.

Ha? Ayun yung narinig niya? 'yun lang? Nagreready na akong masampal tapos--??

"A-ayun lang?" Natatawa kong saad. "Hahahaha yenggay naman."

"Bakit? May iba ba akong dapat narinig?" Curious na saad niya.

"Ha? Wala. Eh bakit kasi parang galit ka?" Natatawa ko paring saad.

Natatawa ako sa sarili ko kasi kinabahan ako tapos 'yun lang pala hahaha.

"Eh ganito kasi nangyari.."

~ FLASHBACK ~
Yeng's Pov.

"Hon labas lang ako ha?" Saad ko kay yan at tumayo na sa kama para mag suot ng sleep robe.

"Anong gagawin mo sa labas?" Tanong niya.

"Bibili lang ako ng chips movie marathon tayo." Ngiti kong saad sa kaniya.

"Hmm..sige. Ingat ka ha?"

"Grabe naman sa ingat. Hindi mangyayari sa akin 'yang nangyari sa inyo, kahit hindi totoo 'yun." Saad ko at lumabas na.

Paglabas ko naman ay may narinig akong nagtatawanan sa kuwarto nila angge at erik. Ano kaya ginagawa ng dalawang 'yun? Ang lalakas ng tawa hindi na nahiya sa mga katabi ng room nila.

Kakatok na sana ako sa kuwarto nila para sawayin sila ng malaglag ang cellphone ko.

"Shocks!" Inis kong saad ng makita kong may cracked ang cellphone ko.

Dahil sa inis ay kakatokin ko na ulit sana ang kuwarto nila ng tawagin ako ni yan.

Tadhana naman bakit ayaw mo 'kong gambalain sila??

"Hon! Hindi ka pa pala umaalis." Tawag sa akin ni yan.

"*Deeply sigh* oo bakit?" Wala sa mood kong Saad.

"Papabili sana ako ng Mang Juan, alam mo namang paborito ko 'yun diba?" Saad niya.

"Oo, alam ko naman. Bakit kailangan mo pang ihabol?" Naiinis kong saad.

"Oh bakit parang galit ka?" Curious na tanong niya.

"Eh kasi 'yung cellphone ko po nagka cracked. Kung hindi ka lang sana lumabas at tinawag ako, edi sana nasampal ko na----hayynakoo.." inis kong saad. "Sige na nga! Aalis na'ko. Bibili na'ko pumasok ka na 'dun."

Kainis. Ang tagal na sa akin ng cellphone na 'to tapos magkaka crack lang dahil sa tawanan ng dalawang 'yun.

'Pag nalaman ko lang kung bakit nagtatawanan 'yun masasabunutan ko talaga 'yung dalawang 'yun.

~ END OF FLASHBACK ~

Ipinakita naman sa akin ni yenggay ang cellphone niyang may cracked.

"Ayun lang? Eh buti nga crack lang eh. Kung basag talaga 'yan at hindi na gumagana, edi babayaran ko. Laki ng problema mo yenggay." Saad ko.

"Hoy! Malaki talaga problema ko kahit crack lang 'yun. Dahil kapag natuluyan ang cellphone ko humanda ka na sa akin dahil nandito lahat ng importante sa buhay ko!" Inis niyang saad.

"Ang importante lang naman diyaan 'yung mga pictures ng pusa mo." Saad ko.

"Hindi lang 'yun. May about sa business, work, personal--"

"Oo na, alam ko, alam ko. Ganiyan din 'yung akin kaya wala kang dapat ipaliwanag dahil cr 'to hindi 'to prisinto. Tara na at baka hinahanap na nila tayo. Ni-lock mo pa 'yung pinto ayun lang pala sasabihin mo." Mahaba kong saad.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now