CHAPTER 14

93 5 0
                                    

1:30pm
Nandito kami ngayon papasok sa studio dahil kakatapos lang namin mag launch, ng bigla naming makita sila kayla at erik na naglalandian sa hallway---pasensya na naglalandian talaga yun para sa'kin hehe.

"Ay ge ayos ka lang?" Tonong asar na banggit sa'kin ni yeng.

"Hahahaha oo nga ate angge mukhang kumukulot yung mukha mo eh hahahaha" tawa ng tawang sabi ni kz

"Tumigil nga kayo tsk, tara na nga!" Naaasar kong saad.

"Aysuss si angge nagseselos" asar pa ni yeng

"si angge nagseselos~" kanta pa nila na tono ng pag may birthday.

A/N: guys yung ibig kong sabihin yung kantang 'Birthday na ni angge~ Birthday na ni angge~ Birthday ni angge ngayon!' Yung ganorn! Sana magets n'yo hahahahaha.

"Si angge nagses---" hindi nila natapos pang aasar nila ng biglang marinig sila nila kayla at erik. (Naku eto na nga ba sinasabi ko juskoo!)

"Oh? Anong kinakanta n'yo? At parang bad mood si angeline ha?" Tanong pa ni kayla na may tonong asar. (Isa pa 'to!)

"Ahh wala po ate kayla..eto po kase si ate angge may nakaaway lang po sa parking lot, kase po sabi nung isang driver nang aagaw daw po ng pwesto si ate angge." Palusot pa ni kz. (Pwede 'to ah!) Nagpipigil pa ng tawa 'yan!

"Hmm ayos ah.." Bulong ni yeng na animo'y tumitingin-tingin sa paligid.

"Ahh..." Sagot ni kayla. "Ahm may sinasabi ka pala yeng?"

"H-ha? Wala, wala! Eto naman si kayla. Wala akong sinasabi dito, ikaw ha baka may naririnig ka na na hindi namin naririnig. Nakakatakot ka na kay ah" baling pa ni yeng.

"Hay naku yeng palusot." Parinig ni kayla.

"Ano? Hindi ako nagpapalusot no, wala talaga akong sinasabi dito."

"Ok ok." Pagsuko ni kayla.

"Oh tama na 'yan, baka magkapikunan pa." Awat ni erik.

"Bakit nga pala nananahimik ka angge?" Tanong ni erik

"Badtrip nga diba? Nakikinig ka ba?" Sabay sabay na sabi nilang tatlo.

"So-sorry naman.."

"Ano ba?! Tara na nga sa DR. Mauna na kami kay, erik" sabat ko.

"Ok. Mauna na po kami" paalam pa ni kz

"Sige."

1:48pm
Haysss stress day. Pero ok lang hahaha.

"Mga bunganga n'yo kase ayaw paawat. Kala ko ba maaasahan ko kayo? Mukhang kayo pa mangbubunyag sa'kin." Sermon ko sakanila pagpasok namin sa DR.

"Sorry na po ate. Hindi na po mauulit promise." Saad ni kz

"Oo nga ge sorry na"

"Tss sige na, sige na. Magpahinga na muna kayo"

"Hindi ka magpapahinga?" Tanong ni yeng

"Aba s'yempre magpapahinga. Ang stress ng araw ko ngayon at pagod ako."

"Sige gisingin ko nalang kayo kapag sunod na kayo sa prod." Saad ni yeng

"Hindi ka po magpapahinga ate yeng?"

"Mukhang hindi ka matututong tawagin ako sa pangalan ko ah. Anyway, hindi, sa bahay nalang ako magpapahinga para tuloy-tuloy tulog ko."

"Ahh ok po."

"Sige na pahinga na kayo." Saad pa ni yeng

2:30pm
Nakatulog na kami but as if naman humaba tulog namin no? Siguro kakaiglip ko palang ginising na agad ako ni yeng dahil ako naman daw ang sunod na magpo-prod.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now