CHAPTER 25 ⚠️

236 13 11
                                    

Erik's Pov

"Nasaan na sila bro? Kanina pa sila nag uusap doon ah? Bakit 'di pa sila lumalabas? Ano bang pinag uusapan nila?" Sunod sunod kong tanong kay yan.

Ang sabi daw kase ni yeng kay yan ay mag uusap lang daw silang tatlo nila angge at kz, eh makalipas na ang 30minutes wala pa rin sila.

"Chill ka lang bro. Wait, tawagan ko si yeng." Saad ni yan at kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya.

Ilang sandali din ay hindi pa ni sinasagot ni yeng ang tawag kaya sumubok na rin kami ni tj natawagan si angge at kz pero naka ilang beses na rin kaming tawag ay hindi pa rin nila sinasagot.

"Alam mo bro nag aalala na ako. Puntahan na kaya natin sila sa kuwarto?" Suggest ni tj.

"Mabuti pa nga. Tara" saad ni yan.

Pumunta na kami sa kuwarto namin ni angge at pag bukas namin doon ay wala sila, sinunod naman namin ang kuwarto nila tj at kz pero wala din sila, at sa kuwarto nila yan at yeng....wala, wala din sila.

"Yan?? Nasaan sila?" Kinakabahan kong tanong kay yan.

"H-hindi ko alam" kinakabahan rin niyang saad.

Tatlo na kaming kinakabahan dito kaya paulit ulit naming tinawagan ang tatlo pero hindi talaga sila sumasagot.

"Ayaw talaga nila sagutin eh! Nasaan na ba 'yun!" Saad ni tj.

"Wala naman dito 'yung cellphone nila." Saad ko at tinignan kung nandito ang cellphone nila.

"Huwag niyong tigilan tawagan." Saad ni yan.

Kaya hindi namin sila tinigilang tawagan.

20minutes na kaming paulit ulit na tinatawagan sila pero wala paring sumasagot.

"Mag tanong tanong nalang muna tayo dito kung sino ang nakakita sa kanila." Saad ni yan.

"Tara na" saad ko at bumaba na kami para mag tanong.

"Miss may nakita po ba kayong tatlong babae na dumaan dito?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa labas.

"Pasensya na po, hindi ko po napansin." Sagot niya.

"Ahh sige"

"Miss, may nakita po ba kayong tatlong babae na lumabas ng resort?" Tanong ko sa isang staff.

"Hindi po sir, marami po kasing babaeng lumalabas dito kaya hindi ko po alam kung anong itsura ng tinutukoy niyo" sagot niya

"Ahh, tatlo silang babae naka swimsuit maputi, medyo maliit" describe ko sa tatlo.

"Pasensya na po sir, marami pong ganiyan dito" sagot niya kaya napa buntong hininga nalang ako.

Maya maya pa ay umakyat ako sa kuwarto namin para tignan kung may bakas bang may kumidnap sa kanila o tumakas lang sila sa amin.

Sa paglilibot ko sa kuwarto namin ni angge ay nakita ko naman ang swimsuit na susuotin dapat niya kanina bago ako naunang bumaba sa kaniya.

Kinuha ko ito at tinignan ng mabuti...ito nga iyon. Tinignan ko naman ang sapatos niya kung nasa lalagyan pero wala doon.

Mukhang alam ko na 'to.

Tinawagan ko sila yan at tj at pinapunta dito sa kuwarto namin.

"Ano 'yun bro?" Tanong ni yan ng makapasok sila sa kuwarto namin.

"Ito ang swimsuit na susuotin dapat ni angge, at wala dito ang rubber shoes niya." Pinakita ko sa kanila ang swimsuit ni angge at itinuro ang lagayan ng sapatos namin.

"Ang ibig bang sabihin nito..?" Curious na saad ni Tj.

"Pumunta na kayo sa kuwarto niyo at tignan niyo kung nandoon ang sapatos nila at o kahit ang bag na pwede nilang dalhin kapag umaalis sila." Paliwanag ko.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now