CHAPTER 6

83 4 0
                                    

12:18am
Tapos na ako sa prod ko at papunta na sana ako sa DR namin ng bigla akong harangin ni...

"Erik? Bakit?" Nabigla ako sa pagsulpot niya.

"Ahh wala lang, gusto ko lang sabihin na ang ganda mo na lalo. Patagal ng patagal nagmumukha kang dyosa." Papuri niya.

(Ayy hele enebe erik wag me nge akeng ineene ehe)

"Ay thank you." Wala na akong masabi mga bhe. Oo na kinikilig na'ko huhu.

"Namumula ka, kinikilig ka no?" Tukso niya."hay gandang lalaki ko talaga, lahat ng mga babae napapakilig ko sa simpleng salita lang." Saad niya. (Luh? Yabang din pala nito)

"Wow ang yabang talaga natin ano?!" Saad ko

"Hahaha joke lang eh bakit ka kase namumula?" Tanong niya. (Kase ang hot mo eh charr)

By the way nga pala guys, close naman talaga kami ni erik. Siya kase ang naging kuya ko noon at siya ang nag che-cheer up sa akin sa star power noon.

•| FLASH BACK |•
Nandito ako ngayon sa gilid ng stage umiiyak, oo umiiyak ako dahil kani-kanina lang tumawag si ate irene. Sinugod daw sa hospital si mama bob dahil inatake nanaman ng sakit niya. Hindi ko na kaya ang nangyayari kay mama bob, ayokong pati siya mawala sa akin. Bago kase ako sumali dito may sakit pa noon si papa pero nung nakasali na ako dito at nalaman ni papang pasok na ako sa finalist, inatake daw siya sa puso dahil sa gulat at tuwa. Pero hindi ko inaakalang sa hospital ko na siya maaabutang walang buhay at hindi na humihinga. Kaya nagpatuloy ako sa finalist para makamit ko ang pangarap ko at para rin masuklian ko ang pag aaruga sa akin nila papa at mama bob. Habang umiiyak ako dito nakita ko naman si erik, nilapitan ko siya kahit nahihiya ako. Wala kase akong pamunas sa luha ko at siguro kumalat na ang make up ko sa mukha ko.

"Ahmm erik? May panyo ka ba diyaan?" Tanong ko ng nahihiya habang nakayuko. Baka kase makita niya ang itsura ko ng nakakalat ang make up sa mukha ko.

"Meron bakit?" Saad niya.

"Pwede bang pahiram? Babalik ko bukas promise." Saad ko habang sumisingot.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya. Hindi ako sumagot kaya nagsalita nalamang siya ulit. Binigay niya muna sa akin ang panyo. "Angeline 'wag ka umiyak, baka hindi ka makakanta mamaya. Kung ano mang problema mo ngayon, 'wag mo munang isipin ok? Mag focus ka sa gagawin mo mamaya. Mag focus ka sa mga taong humahanga sa iyo kahit ngayon lang. Lahat naman ng ginagawa mo ay para sa pamilya at mga humahanga sa iyo hindi ba? Kaya cheer up angeline kaya mo 'yan, idol kaya kita." Pagpapagaan niya sa loob ko. Habang pinupunasan ko ang mukha ko.

Kahit papaano gumaan naman ang loob ko sa mga sinabi niya. Tama ginagawa ko ito para sa mga mahal ko sa buhay kaya kakayanin ko 'to.

"Thank you erik."  Tanging saad ko nalamang.

Nginitian niya naman ako at ganoon din ang ginawa ko.

nagpaalam na ako sa kaniya at dumiretso sa DR ko para magpa make up ulit. Dahil saglit nalamang ay ako na ang susunod sa stage.

Papunta na ako sa stage ng makita ko si erik. Nagngitian nalamang kami at nakita ko namang tinaas niya ang kamay niya na ani mo'y sinasabing 'kaya mo yan'.

At habang tumatagal na magkasama kami, tingin ko doon nag umpisa ang feelings ko sa kaniya at nagtuloy tuloy na hanggang sa...hindi ko na siya nakausap muli dahil nagka girlfriend na siya. Naging busy siya sa girlfriend niya at sa trabaho niya kaya hindi na kami gaanong nag uusap.

•| END OF FLASHBACK |•

"Mainit lang siguro, hindi kase ako sanay sa init alam mo yun." Sagot ko.

"Ahh ok. Oh ito tubig." Alok niya ng tubig sa akin. (May laway mo na ba 'to? Kase kung oo didilaan ko na 'to charot sorry sa kumakain hahaha)

"Salamat pero may tubig naman ako sa DR namin." Saad ko.

"Sige na malamig 'to. Baka yung sa'yo hindi na malamig" pagpipilit niya. (Girls oh pinipilit ako.)

"*sigh* ok sige. Salamat ulit" pag sang ayon ko na. (Huwag na natin tanggihan ang grasya guys)

"Ahmm pwede ba kitang imbitahan? Mag la-launch kami ni kayla mamaya. Kung free ka?" Tanong niya. (Gawin daw ba akong third wheel?)

"No okay lang may gagawin din kase ako mamaya." Saad ko. (Ayokong maging third wheel mga bebs)

"Sigurado ka?"

"Oo, i'm sure. Sige na babye, salamat sa tubig" pagpapaalam ko.

"Sige" habol niya at kumaway pa.

12:28am
Akalain mo 'yun 10minutes silang nag usap? Sanaol angeline.

Nandito na ako sa DR namin habang kinikilig kilig pa. Kanina ko pa nga napapansin si yenggay na parang naguguluhan sa kilos ko.

"Ano ba angge nahihilo na'ko sa'yo kanina ka pa diyaan nagpapabalik balik at nakangiti pa. Ano bang atin ngayon?" Reklamo niya.

"Ehhhhh yenggay! Hindi ko kinayaaaaa!" Saad ko habang kinikilig pa.

"Ano nga kasi 'yun?!" Tila naiinis na saad ni yeng.

"Kasi yenggay sabi niya ang ganda ganda ko daw tapos habang patagal ng patagal daw lalo akong nagiging diyosaaa ihhh!!" Saad ko. ('Di ko talaga kinaya mga besh!)

"Aysusss sabi na eh may kinalaman nanaman kay erik. Ikaw itong kaninang nagrereklamo na 'wag nang babanggitin si erik dito tapos ngayon kikilig kilig ka diyaan dahil sinabihan kang maganda dyoskoo ang rupok mo angge." Saad niya pa.

"Yenggay naman. Hindi ko lang talaga inaakala na sasabihan niya pa ako ng ganon!" Sabi ko. "Kanina nga niyayaya niya pa akong mag launch--" saad ko.

"Weh? Niyaya ka niyang mag launch? Anong sagot mo? Pumayag ka ba ha? Hindi ba magagalit si kayla?" Sunod sunod niyang tanong.

"'Yun na nga eh, kasama daw si kayla kaya hindi ako pumayag, gagawin pa daw akong third wheel yenggay?!" Inis ko saad.

"Ayy 'yun lang." Saad niya na parang nawalan ng pag asa.

"Tayo nalang mag launch yenggay mamaya. G?" Tanong ko

"G! Basta libre mo ha?" Saad niya ng may pataas taas pa ng kilay.

"Oo na! Ikaa talaga makakaubos ng pera ko eh." Saad ko.

"Ayuuunnn! 'Yan ang gusto ko sa'yo ge! Kaya mahal na mahal kita eh yieee." Panunukso pa niya.

"Susss mamaya na tayo mag launch papahinga muna ako."

"Sige pahinga muna tayo. Tutal pagod ka naman sa kanina mong kilig kilig." At ginaya pa nga ang kanina kong kilos.

"Yenggay! Kainis 'to 'di kita ilibre diyaan eh."

"Joke lang ito naman." Saad niya at umupo na sa silya niya.

Nagpahinga na muna kami at nagpatugtog ng music pang relax, sinabi ko naman sa inyo noon na paborito ko ang pakikinig ng mga musics. Ininom ko muna ang tubig na ibinigay ni erik, sayang naman kung hindi ko matitikman ang laway niya 'diba? Charot.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now