CHAPTER 17

78 6 4
                                    

Nakaupo kami ngayon sa may parking lot. May upuan dito kaya dito kami nag stay muna at nagkuwentuhan.

"Kay..kailan mo pa nalaman 'yong sakit mo na 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Noong nakaraang linggo pa. Nagtataka na kase ako nun sa sarili ko kase..madami na akong nakakalimutan, pati si erik nakalimutan ko na. Noong napadaan ka naman sa harapan ko..hindi ba hindi kita pinapansin nun? Ang akala mo daw nagtatampo ako sa'yo sa hindi alam na dahilan but isa na 'yun sa condition ng sakit ko."

Tama. Ang akala ko nun nagtatampo siya sa akin pero iba na pala ang ibig sabihin nun.

•| FLASHBACK |•
Naglalakad na ako dito sa hallway ng madaanan ko si kayla. Nilapitan ko ito at kinausap.

"Kay, musta? 'Di ka na pumupunta sa bahay ah..nagtatampo na'ko." Saad ko dito, pero tinititigan niya lang ako kaya tinapik ko na ito sa balikat niya.

"Huy! Ayos ka lang ba? May sakit ka ba? O baka....nagagandahan ka lang sa'kin?" Asar ko pa dito.

"Excuse me.."

"Daan ka na.." Pilosopo kong saad.

"Tsk! Do i know you?!" Parang naiinis nitong saad

"Hoy grabe ka naman, sa ganda kong 'to makakalimutan mo ako? Tiyaka duh! Kilalang kilala mo ako! Pati nga siguro LAHAT ng mga sikreto ko alam mo!"

"A-ahh sorry but i don't know you."

"What? Tsk sabihin mo lang kung nagtatampo ka sa akin or inaasar mo lang ako! Makaalis na nga" naaasar kong saad.

Pumasok na ako sa DR at alam kong badtrip ang mukha ko kaya nakatingin sila sa akin.

"Badtrip ah.." Parinig ni yeng.

"He!" Bulyaw ko dito.

"Anyare ba!?"

"Bwiset na kayla 'yun! Tanongin ba naman ako na 'excuse me? Do i know you?'" Gaya ko sa tono ng boses niya.

"Ayy totoo? Baka naman nagtatampo sa'yo?"

"Ako nga dapat ang mag tampo kase hindi na niya ako dinadalaw sa bahay! Tiyaka..bakit naman siya magtatampo sa akin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa sa kaniya.." Nagtataka kong saad.

•| END OF FLASHBACK |•

"Noong araw bang iyon alam mo nang may sakit ka?"

"Yes. Kaya nga tinititigan kita noon dahil nagbabakasakali akong maalala kita."

"Mmm..." Tango kong saad.

"Angge! Tara na!" Rinig kong sigaw ni yeng sa hindi kalayuan sa amin.

"Ah, una na pala ako." Tumayo na ako pero nahablot ni kayla ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sandale. Angge..gusto ko lang sana sabihin na..sana alagaan mo si erik katulad ng pag aalaga ko sa kaniya. At sana mahalin mo din siya, katulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong higit pa sa ginagawa ko ang mga kaya mong gawin kay erik. Maaasahan kong sa atin nalang muna ito. Hayaan mong ako ang magsabi sa lahat ang kung anong meron ako ngayon. Is that okay?"

"*nodded* of course." Sagot ko. "Okay lang bang maiwan muna kita?"

"*nodded* ayos lang. Salamat"

"Okay. Ingat ka."

Tumakbo na ako kay yeng na nakakunot na ang mukha.

"Oh? Bakit ganiyan mukha mo?" Salubong ko dito.

"Bakit parang ang seryoso niyong nag uusap ni kayla?" Kunot noo nitong tanong.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now