CHAPTER 20

130 5 1
                                    

Angeline's Pov.

Nandito na kaming lahat ngayon sa kaniya kaniya naming room. Siyempre nag pareserve na agad kami ng room para hindi kami mawalan.

Inilalagay ko na sa drawer ang mga damit ko at ganoon din si erik. Oo mga beh kasama ko siya sa room, no choice eh. Para tipid daw.

"Tapos ka na angge?" Tanong sa akin ni erik na sa palagay ko ay natapos na sa kaniyang ginagawa.

"Patapos pa lang." Sagot ko

"Ah..tulungan na kita" saad niya at lumapit sa akin, pero hindi pa man niya nahahawakan ang mga damit ko na nasa maleta palang ay pinigilan ko na agad ang kamay niya.

"Ah! Wag! Ako na!" Pigil ko sa kaniya.

"Ha? Bakit? Ikaw na nga 'tong tutulungan eh, ikaw pa 'tong may ayaw"

"Eh kase..ah basta! Ako na, kaya ko na 'to!"

"Eh bakit nga-- ahh, kaya pala.." Saad niya ng nakatingin sa maleta ko kaya tumingin din ako kung saan siya nakatingin.

Ay jusko! Nakita niya yung mga underwears ko!!!! Ano ba 'yan bakit kase iisang kwarto lang ang napasukan namin!? Malas!

Tinakpan ko ito at ngumiti sa kaniya ng nahihiya.

"Hm, okay na? Nakita mo na? Sige na ako na bahala dito, doon ka na!" Sabi ko sa kaniya.

"Tsk, okay" saad niya at tumuloy na sa kama at humiga. "By the way, gusto ko yung isa mong underwear na hello kitty ah!" Pahabol pa niya na ikinagulat ko.

"Hoy! Bwiset!" Sigaw ko dito at tinawanan lang ako ng kumag na 'yon.

Hindi ko naman talaga binili ang hello kitty underwear na 'yon ano! Actually niregalo 'yon sa akin ni ate vice nakakainis talaga 'yon si ate eh. Tiyaka siyempre sinuot ko na sayang naman, ako lang naman makakakita nun, pero ngayon parang hindi lang ako ang nakakita nun...kaines.

Ng matapos na ako sa pagliligpit ng mga gamit ko ay humiga na rin ako sa sofa. Ayoko katabi 'yan no! Baka mamaya kung ano pang gawin niyan sa akin!

(Sus baka ikaw pa nga may balak diyaan eh) tol pinapahamak ako ng utak ko tol oh!

Hindi ko nalang pinansin ang isip ko at natulog nalang. Ayos na 'to kahit sumakit likod ko bukas.

Tiyaka nasanay na din naman ako na sa sofa matulog dahil ganoon ako noong bata pa ako kaya ayos lang ito at malaki naman itong sofa, sakto lang sa akin.

Noon kaseng bata pa ako ay sa sofa ako natutulog at ang nasa banig naman ay iyong mga magulang ko dahil maliit lang naman ang bahay namin noon kaya hindi kami magkakasya doon, kaya mas pinili ko nalang na sa sofa ako matulog.

Hay! Nakakamiss din maging bata. 'Yong tipong nangangarap ka pa lang, tapos ngayon natupad na lahat ng hinahangad mo.

~ FLASHBACK ~

"Kaibigan lang pala..kaibigan lang pala, napawi ang aking pangangamba~~" kumakanta ako ngayon dito sa cr at palabas na ako ng maabutan ko si mama bob.

A/N: tama ba yung kanta? Hehe.

"Aysus! Ang galing naman talaga ng anak ko, halika nga dito at susuklayan kita." Saad ni mama at sumunod naman ako sa kaniya.

"Siyempre ma, ako pa ba!? Hahaha" tawa kong sabi "alam mo po mama kapag talaga lumaki na ako gagawa ako ng paraan para makasali sa mga contest, at kapag po nanalo ako siyempre ibibigay ko po sa inyo ang premyo! Para naman makabawi ako sa inyo!" Nangangarap kong saad

"Mm-hmm kaya proud na proud ako sa iyo anak eh! Hayaan mo, balang araw makikilala ka din ng lahat at makikilala din iyang boses mo, napakagaling kaya ng anak ko, imposibleng hindi ka matanggap sa mga contest. At kung hindi ka man matanggap sa contest na iyan? Aynaku susugurin ko iyan at pagsasabihan!" Talak pa ni mama.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now