CHAPTER 24

138 10 3
                                    

"ano na?" Tanong ni yeng ng makalabas ako sa kuwarto namin. Nauna nang bumaba si erik kanina kaya ako ang naiwan. Ewan ko ba kung bakit ako hinihintay ng babaeng 'to.

"Anong ano na? Tiyaka bakit ka ba nandito? Bababa rin naman ako agad eh" balik tanong ko.

"Gaga may plano kasi akong naisip kanina lang.." saad niya sa mahinang boses.

"Plano? Ano nanaman 'yan? Baka kalokohan nanaman 'yan yenggay ah"

"Hindi ge, promise mo nalang na tutulungan mo 'ko dito" saad niya at hinawakan ako sa braso.

Hala ito nanaman siya...

"Paano ako mag po-promise eh hindi ko naman alam kung anong plano 'yang naiisip mo"

"Ge naman sasabihin ko rin sa'yo mamaya, tiyaka para rin 'to sa inyo ni erik.. actually kasama natin si kz sa plano ko, um-oo na siya kanina sa akin kaya sige na gege mag yes ka na pleasee.." pa cute pa niya, akala mo naman effective.

"Siguraduhin mo lang na hindi tayo mapapahamak diyaan yenggay ah.."

"Yes gegeko, sige naaa.."

"Oo na, sige na." Saad ko nalang.

"Yes! Yohooo! Tara na, dun tayo sa kuwarto namin" hatak niya sa akin.

"Teka teka, anong gagawin natin sa kuwarto niyo? Baka hanapin pa tayo nila erik doon" curious kong saad..

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa planong sinasabi nito ni yenggay eh.

Kase kilala ko 'to kung anong plano man ang naiisip niyan at kapag pumalpak siya sa planong 'yun ay ako ang tinuturo niya na nagsimula, eh ako namang si t@nga na feeling mabait at inaangkin nalang ang kasalanang hindi ko naman ginawa..kung hindi ko lang sila kaibigan...

"Hindi 'yan ge, nagpaalam na ako sa kanila, sabi ko may pag uusapan lang muna tayo. Tara na kase, nandoon na si kz dali hinihintay na niya tayo doon" saad niya at hinahatak pa niya ako papuntang kuwarto nila ni yan.

Hindi nalang ako pumalag at sumunod na lang sa kaniya. Ng makapasok kami sa kuwarto nila ay nakita ko nga si kz na naka angel sit habang nag ce-cellphone.

"Oh andito na pala kayo ate, ang tagal niyo ah.." bungad ni kz at tinabi na ang cellphone niya.

"Ito kasing si angge ayaw pang sumama sa plano natin" saad ni yeng.

"Eh ano ba kasing plano nanaman naisip niyo?" Tanong ko.

"Ay ate, upo muna kayo." Saad ni kz at umupo naman na kami ni yeng sa kama sa tabi niya.

"Ate 'yung planong ito, dito mo masusubok kung loyal nga ba ang mga jowa natin..i mean asawa namin at si kuya erik sa'yo."

"Eh ano nga 'yun?" Tanong ko.

"Ate yeng?" Tawag ni kz kay yeng at tumingin na nagsasabing 'ipaliwanag mo na ate'

Naks..

"Ganto ge" umayos naman sila ng upo at nagsimula na siyang magsalita. "Mag-gagala tayo ng hindi nagpapaalam sa kanila ng 3hours." Simpleng saad niya.

"3hours?"

"Oo, dapat nga 5hours 'yun eh kaso sabi ni kz baka daw pwedeng babaan and ang napag usapan namin ay 3hours. Maikling oras na nga 'yun para sa akin eh." Saad niya.

"*Deeply Sighs* sigurado ba kayong hindi kayo papagalitan nila yan at tj?" Tanong ko sa kanila.

"Kung sasabihin nating prank lang 'yun at maiintindihan nila..sila na talaga" makahulugang saad ni kz.

Try ko kaya? Laro lang naman 'to..pero hindi eh, strikto si erik sigurado akong magagalit 'yun.

Hay! Bahala na! Hindi ko naman siya jowa para magalit siya..pero parang ganoon na nga..

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now