CHAPTER 11

89 7 2
                                    

Yeng's Pov.

3:36am
Nandito ako sa kama nakaupo at nakatulala sa kisame, katabi ko si yan ang aking asawa na hanggang ngayon naghihilik. Cute ng asawa ko mainggit kayo hahaha.

Sa totoo lang wala pa akong tulog, hindi pa ako nakakaiglip dahil sa nalaman ko kay erik kahapon.

Kahapon noong nasa restaurant kami para mag launch at noong time na nagpaalam sila angge at kayla na mag C-CR sila kaya kami nalang ni erik ang naiwan. may inamin sa akin si erik na hindi ko inaasahan.

•| FLASHBACK |•
"Yeng?" Tawag sa akin ni erik.

"Hmm?" Saad ko dahil puno ng pagkain ang bunganga ko. Anong magagawa ko eh ang sarap kaya ng mga pagkain dito.

"May sasabihin ako sa'yo pero sana sa atin lang ito ha?" Saad nito na parang nahihiya. "Or should i say, may aaminin ako sa'yo" dagdag pa niya. Kinabahan naman ako ng medyo dahil sa porma ng mukha niya.

"Ano 'yun? Bakit parang seryoso ka?" Nilunok ko muna ang kinakain ko at uminom ng tubig bago sumagot.

"Ahmm kase a-ano, promise sa atin lang ito ha?" Saad nita pa habang nahawak sa batok.

"Ano nga? Makikinig ako, sige na sabihin mo na" saad ko pa sa kaniya.

"Ano k-kase, mahal ko si kayla p-pero..." Padahan dahan niyang saad kaya nainis na ako.

"Ano nga!? Pabitin ka naman eh. Sabihin mo ng deretso!" Saad ko ng naiinis.

"Okay, okay eto na. Mahal ko si kayla pero.."

"Pero??"

"F-Feeling ko i-i like angge?" Patanong niyang saad na ikigulat ko.

WHATTTTT!??? Grabe naman si tadhanaaa!!!

"Ano!?" Pabulong pero pasigaw kong tanong. "May g-gusto ka kay angge you mean? Tama ba yung narinig ko?" Paninigurado ko.

He nod.

"Mygad!" Wala sa katinuan kong saad.

"Why?" Tanong niya na nagtataka.

"Anong why?! Eh may jowa ka! At kaibigan ni angge ang jowa mo! Anong why pinagsasabi mo!" Kahit nagulat ako sa nalaman ko ay hindi ko parin ilalaglag si angge, kaibigan ko na din kaya siya.

Para na akong mababaliw sa sitwasyon ng dalawang ito! Paano kase si kayla kung hihiwalayan siya ni erik at lilipat kay angge? Grabe naman talaga si tadhana, bakit sa magkakaibigan pang ito?!

"S-sorry, hindi ko naman talaga sinasadiyang magustuhan si angeline. I just feel i like her." Saad niya.

"Kailan mo pa nagustuhan si angge?" Tanong ko.

"Pagkatapos niyang manalo sa star power at noong palagi ko na siyang nakakausap at nakakasama." Sagot niya.

"Why? Kung ganoon bakit si kayla ang naging girlfriend mo at hindi si angge?" Tanong ko.

"Kase mahal ko si kayla, at si angge? Gusto ko palang siya noon at hindi ko pa nafefeel ang love for her." Sagot niya. Kaya natulala nalang ako sa kawalan. At ilang sandali pa ay bumalik na sila angge at kayla sa table namin. At ako? Ito tulalang kumakain at pinipilit iproseso sa utak ko ang mga narinig ko, pero hindi eh. Hindi ko inaakala.

•| END OF FLASHBACK •|

"Oh honey, bakit gising ka pa? Maaga pa ah." Tanong ni yan sa akin. Gising na pala siya.

"Hon? Bakit ako yung binibigyan nila ng ikakagulo ng isip ko? Bakit ako yung paborito nilang sabihan ng sikreto?" Tanong ko kay sa asawa ko.

"Why? Is there any problem hon? Tell me, what is it?" Tanong niya ulit sa akin.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now