CHAPTER 19

85 7 1
                                    

Kayla's Pov.

"Haayyy!!" Unat ko, dahil kakagising ko lang.

Tinignan ko naman ang orasan kung anong oras na...it's 10am already. Wala namang works ngayon kaya i want to enjoy by shopping. Ito lang kase ang nagpapagaan ng loob ko, ang shoppings!

Pagkatapos ko sa pagkakatulala ay agad naman akong tumayo para kumain sa baba. 'Pag baba ko ay natagpuan ko naman si manang sierra na nagwawalis.

"Good Morning manang!" Nakangiti kong saad sa kaniya.

"Oh Good Morning ma'am alas diyes na po, wala ho ba kayong trabaho?" Tanong ni manang at itinigil muna ang ginagawang pagwawalis ng siguro'y madatnan niya na umupo na ako sa kusina at pinagsandok na ako ng makakain.

"Wala po manang 1week po ang pahinga namin." Sagot ko. "Hmm, mukhang masarap 'to ah" saad ko at inamoy ang ulam na sinigang.

"Masarap talaga iyan ako ang nagluto eh" saad pa ni manang.

"Sigurado po ako riyan haha" nag tawanan naman kami at nagpatuloy na ako sa pagkain.

Ng matapos ako kumain ay dumiretso na ako sa CR upang maligo. At ng matapos ako sa pagliligo ay nagbihis na ako.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa mahabang salamin dito sa kwarto ko. Naka jacket ako na kulay pink na may hoodie, naka leggings na kulay black, naka rubber shoes na kulay puti, at naka shades.

Sinigurado ko talagang hindi ako makikilala ng mga tao sa mall. Nakita ko naman ang necklace sa may bandang kama ko, kinuha ko ito at pinagmasdan. Ito ang bigay ni erik, isang necklace na puso ang hugis.

Isinuot ko iyon at kinuha ang bag ko at dumiretso na sa sasakyan ko. Ako ang mag d-drive dahil ayokong naghihintay ako pag uwi.

Nandito na ako sa mall at thank god ay wala namang nakakakilala sa akin. Hindi naman ako kagaanong ka sikat kaya ok lang.

Nagtitingin tingin muna ako ng mga dress dito sa isang store para sa mga iba ko pang events or works, and pwede rin namang para sa mga lakad ko..

"Miss, may medium po ba kayo nito?" Tawag ko sa isang sales lady dito.

This pink dress that shining is attracting me.

"Yes ma'am para sa inyo po ba?" Tanong nito.

"Luh? Kailangan pa ba nun miss?" Taka kong tanong sa kaniya. (Duh? Bakit Kailangan niyang malaman? Hahaha joke)

"Ahy nevermind ma'am" tawa nito. "Anyway ma'am, yes po meron po kaming medium size ng dress na iyan. Let's go ma'am? Papakita ko po sa inyo." Saad nito at inilahad ang kamay niya sa daraanan namin.

"Ah ok.." Saad ko at sumunod sa kaniya.

"Ito po ma'am! Pwede niyo pong sukatin doon sa fitting room kung nagustuhan niyo po." Saad niya noong makita niya ang hinahanap ko.

Kumislap ang mata ko nang makita ko ang dress na hinahanap ko.

"Ang ganda..." Saad ko sa kawalan.

"Ofcourse ma'am."

"Ahh...s-sukatin ko"

"Sige po. Dito po.."

Kinuha ko na ang dress na nagustuhan ko dahil bagay na bagay ito sa akin. Hindi siya gaanong kamahal kaya kinuha ko na. Isa siyang pink dress na hanggang tuhod at half shoulders at meron din itong glitters kaya kumikinang siya sa ganda.

Ng matapos ako sa pagsho-shopping ay pumunta na ako sa sasakyan ko. Salamat na ngalang at hindi nila namukhaan ang ang boses ko. Sabagay paano nga naman nila mamumukhaan kung boses 'to...

Hindi ko pa nai-start ang sasakyan ay bigla namang nag ring ang phone ko.

•| Angge is Calling •|

"Hello?" Sagot ko.

"Hello kay?"

"Bakit napatawag ka?"

"Ah alam kong ano...ah basta sasabihin ko lang na kasama namin si erik."

"Oh? Ano naman?"

"Hay..sabi ko na eh. Kasama namin si erik sa maldives." Saad nito na nakapagpalaki ng mata ko.

"Ha?! Ang layo niyan angge ah!"

"Oo alam ko pero kasama naman namin sila yeng, kz at ang mga asawa nila. Nagbabakasyon lang kami. Uuwi din namn kami eh."

"A-ahh hindi niyo man lang ako inaya?"

"Eh...akala kasi namin busy ka."

"Hm sige, ingat nalang kayo!"

"Sige. Salamat"

•| End Of Call |•

Hay..ako nalang pala ang naiwan. Paano ako mag sasaya sa loob ng isang linggo? Hayss bahala na!

In-start ko na ang sasakyan at dumiretso na sa bahay. 'Pag ka uwi ko sa bahay ay pinakuha ko sa kila manang sierra ang mga pinamili ko at ipinadala sa kwarto ko at tumaas naman na ako.

Matapos kong iligpit ang mga pinamili ko ay humiga naman ako, ng biglang mag ring nanaman ang cellphone ko.

•| Unknown is Calling •|

Unknown?? Sa pagtataka ko ay sinagot ko naman ito.

"H-hello?"

"Hello? Who's this?"

"Ahm s-si yeng 'to kayla."

"Oh? Why? Hindi ba't nasa vacation kayo?"

"Oo"

"Ah nevermind. Paano mo nga pala ako natawagan at bakit ka tumawag?"

"Hiningi ko ang number mo kay angge at.. May sasabihin sana ako sa'yo."

"And what is it?"

"A-ahm a-ano.."

"Ano?"

"Ah w-wag nalang pala. Kapag nakauwi nalang p-pala kami."

"Huh? Ngayon na-"

"Sige bye. Pasensya na"

"Tekaa! Yeng--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng babaan niya ako ng telepono.

•| End Of Calling |•

Bastos na bata! Ano bang sasabihin nun? Nakakapagtaka lang na parang takot na takot ang boses niya.

"Ay teka..nasaan pala ang wallet ko?" Tanong ko at hinanap sa buong kwarto.

Nang hindi ko ito mahanap ay bumaba ako at pumunta sa sasakyan ko dahil baka doon ko na ilagay.

"Wala! Bakit wala!?" Inis kong saad ng hindi ko ito nahanap sa sasakyan kaya pumasok nalang ako sa bahay at sa sala naghanap. Habang naghahanap ako ay nakita naman ako ni manang sierra.

"Ma'am may hinahanap ho ba kayo?" Tanong niya sa akin.

"Ah opo manang, kase yung wallet ko ho hindi ko mahanap. Hinanap ko na po sa kwarto at sa sasakyan pero wala po eh. Nakita niyo po ba?"

"Ah...eh ano ho iyang nasa bulsa niyo?" Turo niya sa bulsa ko kaya tinignan ko naman. Nandoon nga! Haysss

"A-ah..s-sige ho manang s-salamat. Pasensya na hehe" nahihiya kong saad kay manang. Nakakahiya!

Sa totoo lang alam naman na nila ang nangyari sa akin kaya hindi naman gaanong nakakahiya.

A/N: oopss sorrii HAHHAA ganto talaga ako pabitin hehe

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now