CHAPTER 3

104 5 0
                                    

Tapos na kaming kumain at ngayon nag gagala nalang muna, pero may naalala ako may bibilhin nga pala ako.

"Ayy yenggay may bibilhin pala ako, muntik ko pang makalimutan." Saad ko habang naglalakad lakad kami.

"Oh ano yun?" Saad naman niya habang sumisipsip ng milktea niya.

"Yung alarm clock ko." Sagot ko.

"Ayy oo nga, sensya na nakalimutan ko din, nakatuon kase ako sa palibre mo." Saad naman niya ng patawa.

"Haha ikaw talaga puro nalang pagkain nasa isip mo, buti di ka tumataba. Lika dun tayo" hatak ko naman sa kaniya.

Nandito kami sa....hindi ko na nakita yung name ng pinasukan namin pero namimili na ako dito ng papasok sa taste ko na alarm clock. Chinecheck ko rin kung gumagana at kung ayos. Minsan kase diba yung napupulot natin hindi natin tinetest? Kaya pag uwi natin at ginamit sira naman. Kaya todo check tayo ngayon.

"Angeline Quinto??" Habang naghihintay ako na mailagay sa lalagyan yung pinamili ko ay Nagulat naman ako kase may tumawag sa pangalan ko sa medyo gilid ko. Hindi naman pwedeng si yenggay yun, hindi naman niya ako tinatawag sa full name ko. Kaya lumingon ako sa tumawag sa akin.

"OMG! Si miss angeline quinto at miss yeng constantino nga!" Medyo pasigaw niyang saad.

Nakilala kami ng isa sa mga staff dito.

"Miss ahmm pwede po pakihinaan lang boses niyo? Para po walang makakilala sa amin?" Pakiusap ko sa staff na nakakilala sa amin.

"Ayy opo sorry po. Ahmm pwede po ba pa pic nalang po?"

"Ahh sige." Tugon ko at lumapit siya sa amin na animo ay nahihiya pa.

Nilabas na niya ang phone niya at nakita ko pa ang lockscreen niya. Hayy sa lahat ba naman ng makakakilala sa amin fan pa ni kayla at erik?

Natapos na ang picture picture na naganap kaya makakauwi na kami. Nabayaran ko na rin ang mga pinamili ko.

Kasalukuyang nasa sasakyan na kami at pauwi na. Ihahatid ko muna si yenggay sa bahay nila para deretso na.

"Thank you ulit angge sa pa treat mo ah! Sa susunod ulit! Bye" saad niya nang makarating na kami sa labas ng bahay nila at palabas na ng sasakyan.

"Wait yenggay." Pigil ko sa kaniya.

"Oh? Bakit?" Tanong niya habang hindi pa tuluyang nakakababa.

"Ano ahmm, yung sicret natin ha? Promise me you will never say it to anyone." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Shhh...alam ko. Hindi ko sisirain friendship natin nang dahil lang sa sicret na yan. Hahaha Promise!" Saad niya at tinaas ang kanang kamay.

"Thank you." Saad ko at ngumiti sa kaniya. "Go, baka hinihintay ka na ng asawa mo."

A/N: mali ako sa paglagay doon sa characters asawa pala ni yeng si ryan hindi boyfriend HAHA sensya na.

"Suss inggit!" Panunukso pa nito.

"Shot up yenggay hindi ako naiinggit!" Gatong ko pa sa kaniya.

"Ok sabi mo eh. Bye see you tommorow!" Saad niya at dumeretso na sa bahay nila.

Dumiretso na rin ako sa bahay namin at pagpasok ko sa bahay pumunta ako sa kwarto ko at naligo muna. Syempre dapat fresh tayo kahit tulog.

Natapos na ako maligo at magpatuyo ng buhok. Humiga na ako sa kama at binuksan ang phone ko. Shinot down ko kase ito kanina para walang istorbo sa shopping namin ni yeng.

56 missed calls for KayKay
102 messages for KayKay

Nagulat nalang ako sa nakita ko. Anong probelma?? May nangyari ba? Agad ko namang tinignan ang mga chats niya.

From KayKay:
Ok mag iingat ka. (Reply niya sa message ko nung nagpaalam ako.)
Angge where are you?
Nakauwi ka na ba?
Nakakain ka na ba angge?
Huy! Sumagot ka namang bruha ka!
Aba! Hindi talaga sumasagot 'to.
Isa angge nag aalala na ako sa'yo ha, umayos ka.
Angge are you ok?
Are you safe now??
Ge you made me worried nasaan ka na ba?

'Yan lang ang nabasa ko sa mga messages ni kay kaya naisipan ko siyang tawagan para sabihing okay ako. Grabe naman mag alala 'to ilang oras lang hindi sumagot sa messages niya. Kaloka.

•|Calling KayKay|•

"Oh angge buti naman tumawag ka na."—Kayla

"Eh sorry naman sinabi ko naman kase sa'yong mag ma-mall lang kami ni yeng" — Angge

"Hindi ka man lang kasi nag reply sa isang messages ko? I have so many missed calls and messages for you but you didn't answer me even 'ok'. Alam mo bang nag alala ako sa'yong bakla ka ha!?" — Kayla

"Sorry na nga eh ito naman. Don't worry na i'm safe naman. Tyaka safe naman ako kay yeng, mabait naman siya eh." — Angge

"Siguraduhin mo lang angeline, dahil kung hindi malilintikan sakin yang yeng na'yan kapag may nangyari sa'yong hindi maganda sinasabi ko sa'yo." — Kayla

"Grabe ka naman. Okay na nga ako ok? Remember what i said to you. Don't judge people if you don't know the truth. Ok na tayo? Kalma lang ang importante safe ako okay? Para namang wala kang trust sa akin. Hindi na ako bata kay, kaya ko na ang sarili ko." — Angge

"*sigh* ok ok i understand sorry. Nadala lang ako. Basta promise me na safe ka sa mga taong nakakasalamuha mo ha? Remember i don't trust people." — Kayla

"Don't trust people daw eh nagka boyprend. Magaleng" — Angge

"Eto naman s'yempre kinikilala ko muna ang mga nakakasalamuha ko bago ako magkaroon ng trust sa kanila. Like you and erik, kinilala ko muna kayo bago ko kayo pagkatiwalaan." — Kayla

"Okay bye! Salamat sa conserned." — Angge

•|End Of Call|•

Ako na ang nagpatay sa call kase baka kung saan nanaman mapunta ang usapan namin, tignan mo napunta pa kay erik yung usapan. Eh ayokong naririnig sa kaniya yung pangalan ni erik, nakakagigil kaya. Pero jokelang.

Sinet ko na 'yung bago kong alarm clock sa 4:00am at natulog na. Ayokong malate ulit sa trabaho atyaka mas lalo akong naexcite pumasok ng maaga ngayong alam na ni yeng ang sikreto ko, mas masaya ang usapan Hahahaha. Pero ayoko naman makatanggap ng tukso noh.

"Good night world!" Pabulong pero pasigaw kong saad. "Good night erik" saad ko sa picture na nasa wallpaper ko. Buti nga at walang nakakahawak ng phone ko at walang nakakakita ng picture ni erik sa phone ko. Safe ako. Safe ang sicret ko.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now