CHAPTER 15

84 5 0
                                    

9:00pm
Pinasundo ko na sila yeng at kz sa kani-kanilang asawa dahil gabi na at may pasok pa kami bukas.

"Ingat kayo ha?"

"Yes ge. Thank you!"

"Thank you ate una na kami!"

"Sige! Ingat kayo ha!? I love you!" Sigaw ko pa sa kanila.

"I love you too!" Sigaw nila pabalik.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto ko.

"Wow ang linis ah" saad ko noong nakita ko yung mga kalat ng chichirya at popcorn sa sahig at sa kama ko. Nagkalat kase sila kanina eh.

Niligpit ko na yung mga kalat, pinagpagan ang kama ko at nagwalis. Nag linis narin ako ng katawan dahil feeling ko ang lagkit ko.

Ng matapos ako maglinis ng katawan ay dumiretso ako sa kwarto ni mama, doon nalang muna ako matutulog dahil namimiss ko na si mama bob.

"Hi ma, good evening." Bati ko sa picture ni mama.

"Good evening too anak matulog ka na, may pasok ka pa bukas." Sagot ni mama sa picture kaya lumaki ang mata ko at nabitawan ang picture.

"Aaaaahhhh--"

4:00am
"Aaaaaahhh" Nagising ako ng dahil sa panaginip ko.

"Haynaku mama naman eh. Dadalaw ka na nga lang sa panaginip ko yung ganoon pa!" Reklamo ko na animo'y nandito si mama bob."Good morning ma! Actually hindi good ang morning ko dahil tinakot mo ako."

Dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at mag ayos.

5:00am
Tapos na akong maligo, magbihis, at mag make up. Habang kumakain ako ay nagsalita naman si ate irene.

"Ma'am narinig ko po kayong sumigaw kanina. Aakyat na po sana ako sa kwarto niyo pero pagbukas ko wala ka po doon. Dumiresto naman po ako sa kwarto ni mama bob kaso naka lock kaya feeling ko po nandoon ka kaso bigla pong nawala yung sigaw niyo kaya dumiretso nalang po ako sa ginagawa ko. Ano po bang nangyari ma'am?" Kwento ni ate irene

"Eh kasi ate, tinakot ako ni mama bob sa panaginip ko. Biruin mo ate si mama bob nagsasalita sa picture? Sino ba namang hindi sisigaw doon?" Paliwanag ko

"Ay kaya ho pala."

"Mm-hmm, sige po ate mauna na ako"

"Tapos na po kayo?"

"Yes ate"

"Sige ho, ingat po kayo."

Dumiretso na ako sa sasakyan. Si kuya boy ang nagd-drive.

5:28am
Nandito na kami sa parking lot kaya bumaba na ako at dumiretso sa studio.

"Good morning" "Good morning po!" Bati ko sa mga nakakasalubong ko.

"Good morning angge!" Sigaw nilang dalawa ng makapasok ako sa DR.

"Good morning my dalawang prinsesa" bati ko

"Grabe naman makaprinsesa parang Primma Donnas"

"Ay nanonood ka nun ate yeng? Nakuu" gulat na saad ni kz

"Ay lagot ka! Baka nakakalimutan mong ABS tayo!" Asar ko pa

"Ano ba kayo! Hindi ako nanonood nun no! Nakikita ko lang 'yun sa twitter at facebook"

"Aysuss nagpapalusot pa ate angge?" Baling pa sa'kin ni kz

"Oo nga, ayaw pahuli hahaha" tawa naming dalawa ni kz

"Ano ba kayo! Wag niyo nga ak--" hindi na natapos ni yeng ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto.

"Ah guys? Pwede ba kami maki DR?" Paalam ni kayla.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now