CHAPTER 1

182 8 2
                                    

4:00am
Sanay na'ko, maaga talaga ako nagigising dahil maliligo pa ako, mag aalmusal, maglilinis ng kwarto, at mag ma-make up dahil 7:30am ang taping namin sa ASAP. Matagal kase ako kumilos kaya dapat maaga ako gumigising.

Nag unat muna ako bago tumayo at dumeretso sa cr para mag hilamos, mamaya na'ko maliligo pagtapos ko maglinis ng kwarto at kumain.

Pagkatapos ko maghilamos at mag toothbrush ay nilinis ko na ang kwarto ko, medyo makalat talaga ako. Kapag gabi kase gustong gusto kong nanonood ng movies or K-drama at minsan naman magbasa ng mga books and minsan nagsusulat ako ng songs while listening to beautiful voice of mine Hahaha. Pagkatapos ko maglinis ay siya namang pag ring ng alarm clock ko.

"Hays late ka nanaman." May sira na kase yung alarm clock ko kaya minsan nalalate siya, kung hindi naman nalalate, nauuna sa pag alarm kaya madalas akong puyat.

5:00am
Bumaba na ako para mag almusal, gutom na kase ako at kanina pagbukas ko palang ng pinto amoy ko na yung mabangong luto ni ate irene, si ate irene ay isa sa mga kasambahay ko at malapit kami sa isa't isa.

"Good morning sunshineee!!" Sigaw ko habang naglalakad pababa sa hagdan.

"Good morning too sunshine!" And as always ang aga nanaman niya.

"I'm not sunshine, i'm angeline! Bakla ka." Natatawa kong saad.

"Wow, proud ang g*ga hahaha" natatawa niya ding saad. Si kayla, my bestfriend.

"Why you're always too early? 'Di ba pwede i text nalang kita kung nakahanda na'ko? Para naman hindi ka na naghahantay jan." Medyo naiinis kong saad.

Eh kase naman ang aga aga niya nihindi pa nga ako gising nandito na siya sa bahay. Like now, hindi pa nga ako ligo at wala pa'kong kain nandito na siya readyng ready na umalis. And yes, lagi kaming sabay umalis ng bahay para pumunta sa trabaho.

"Eh ang boring kaya sa bahay, tyaka ikaw if you don't want to seeing waiting you of this gorgeos face maaga kang gumising at huwag ka nang mag puyat. Alalahanin mong maaga ang pasok natin, 'wag mong hintayin na si san pedro pa lumapit sa'yo at alukin kang sumama na sa kaniya." Mahaba niyang saad.

"Daming satsat, oo na hindi na po mag pupuyat madam. By the way kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa. Sinadya ko talagang dito na kumain. Feeling ko kase favorite ko na ang luto ni ate, infairness ang sarap magluto ni ate ha.." Saad niya. Hayy daming sinabi pwede namang oo o hindi nalang.

"Halika na nga kumain na tayo dami mo pang sinasabi kakain ka rin naman. Ate irene ano pong ulam?" Tawag ko kay ate irene.

"Adobo po ma'am" sagot ni ate.

"Ayy halaa yung favorite ko! Tabi sunshine kakain na'ko, gutom na'ko eh." Biglang sabi ni kayla at tinabig pa ako para maunang maupo sa mesa. Tignan mo tong bruhang to..

7:00am
Tapos na kaming kumain, nakapaligo narin ako, sa ngayon tinatapos ko nalang itong make up ko. Ito namang si bruha kong kaibigan nakatitig lang sa cp niya at ultimo parang kinikilig. Sa totoo lang alam ko na kung sino kausap niyan. Yung ultimate crush ko, oo crush ko ang kausap niya but sila na ng bestfriend ko eh so wala nang pag-asa. Hindi alam ni kayla na crush ko si erik kaya masaya parin kaming magkaibigan. At oo si erik ang boyfriend ni kayla alam na ito ng lahat dahil sinabi na nila ito sa interview nila sa isang show, Oh diba ang saklap? Sana hindi ko nalang alam para 'di ako nasasaktan araw araw na nakikita ko silang nagkikita sa hallway at naglalandian..

"Tapos ka na ba jan angge?" Tanong niya sa akin na nakabalik sa katauhan ko.

"A-ahh ano...oo tapos na ako" walang emosyon kong saad.

Palabas na kami ng bahay at diretso sa kotse. Siya ang magd-drive, hindi naman pwedeng ako ano siya sinuswerte? Kumain na nga siya sa amin ako pa magd-drive hahaha jokelang.

Kasalukuyan na kaming papunta sa trabaho nang bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. Ang tahimik kaya namin kanina tapos bigla bigla siyang magsasalita.

"Angge" bigla niyang pagsabi habang nakatutok parin sa kalsada.

"Ano? Nakakagulat ka naman bigla bigla ka nalang nagsasalita." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib.

"Eh sorry naman may itatanong lang naman ako."

"Ano ba yun?" Nagtataka kong saad dahil bigla nalang akong kinabahan sa tono ng boses niya.

"May p-problema ba tayo?" Tanong niya. Sabi na eh.

"Anong problema? Ano bang sinasabi mo?" Kinakabahan kong saad.

"Para kaseng nitong mga nakaraang araw napapansin kitang minsan hindi mo'ko kinakausap o pinapansin manlang. May hindi ka ba sinasabi sakin?" Saad niya.

Sana kase hindi nalang naging kayo, edi sana hindi ako galit sa'yo ngayon at tinitiis ang sakit.

Kung pwede lang sabihin ko 'yan sa kaniya bakit hinde? Pero kase ayokong masira ang friendship namin. Susuportahan ko siya kung anong meron siya.

"Anong sasabihin ko? Na panget ka? Bakla ka ang dami mong sinasabi mag drive ka d'yan! hahaha" iwas ko sa kaniya.

"Eto naman tinatanong lang kita eh para kaseng galit ka sakin." Sabi pa niya.

"Hindi nga ako galit sa'yo, kung galit man ako edi sana hindi na kita kinakausap araw araw at inaaway nalang kita." Tss.. Hindi naman ako plastik kagaya ng iba, nagtatampo lang ako kase naging sila ng crush ko.

"Ok." Tanging saad niya. Tignan mo 'to nagtatanong tapos ok lang sasabihin.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa bintana at siya patuloy sa pag drive.

7:26am

Nandito na kami sa parking lot. Papunta na kami ng sabay sa sarili naming DR, magkahiwalay DR namin ang kasama niya ay si kz ang isa kong kaibigan. At ang kasama ko naman ay si yeng, kaibigan ko na din siya.

"Bye na ge" Saad naman ni kayla.

"Sige" saad ko at dumiretso na sa DR namin.

"Good morning yenggay" saad ko kay yeng pagpasok ko.

"Wow himala ang aga 'ata natin ngayon." Late lang naman ako minsan nang dahil sa alarm clock ko.

"Eto naman hindi naman ako madalas ma late. Ah eto nalang, pagkatapos ng prod natin samahan mo ako mag mall." Sabi ko.

"At ano namang gagawin natin sa mall aberr?" Saad niya.

"Bibili ako ng bagong alarm clock, sira na kase alarm clock ko at ayun ang dahilan kung bakit minsan late ako at minsan maaga ako. Kaya sige na yenggay samahan mo na ako, libre ko." Diretso ko na dahil alam ko namang pag libre sasama yan.

"Eh libre mo naman pala hindi mo sinasabi tara na.." Tignan mo 'to kakadating ko lang eh

"Eto naman hindi pa nga tayo nakakapag prod." Natatawa kong saad.

"Ayy oo nga pala sensya naman." Natatawa niya ding saad.

Nagpapractice na kami para sa prod namin. Mauuna akong pumunta sa stage at sunod siya.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now