CHAPTER 7

73 6 0
                                    

1:00am
Nakapagpahinga na kami ni yenggay, nakatulog pa nga kami dahil sa music. Ngayon ay nagliligpit nalang kami ng mga gamit namin at lalabas na kami para kumain. Nagugutom narin kase ako eh.

"Tara na ge gutom na ako eh." Saad ni yenggay ng matapos na siya sa nililigpit niya.

"Tara" saad ko.

Palabas na kami ng studio. Hindi naman kami ganoon na ka haggard. Maganda pa rin kami katulad kanina.

Nasa byahe na kami at papunta na sa restaurant kung saan ako dadalhin ni yenggay. Siya nagd-drive at sa kanya ding sasakyan ang gamit namin.

"Yenggay saan bang resto tayo pupunta?" Tanong ko.

"Chill ka lang ge malapit na tayo." Saad niya.

"Baka mamaya sa mamahaling restaurant mo ako dalhin nako yenggay nagtitipid ako ngayon ha." Reklamo ko pa.

"Don't worry ge hindi ka mapapagastos dito at mag eenjoy ka pa." Saad niya na ikinagulo ko.

"Mag eenjoy saan? Sa pagkain?" Tanong ko.

"Oo?" Patanong niyang saad. I'm curious.

"Yenggay saan ba talaga? Sabihin mo na malalaman ko din naman iyan mamaya eh." Saad ko.

"'Yun na nga. Malalaman mo din angge chill ka lang diyaan." Saad niya.

"*sigh* ok" suko kong saad.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Ginising lang ako ni yenggay kanina at pinababa na ako. Nung una nagulat pa ako dahil nasa Enchanted Kingdom pala kami. Habang tumatagal kami sa loob lalo kaming nag eenjoy, may photoshoot pa nga eh kaya nagpapic kami doon.

"Oh angge sexy pose." Saad ni yeng.

"Oh wacky pose naman."

"Dito ka sa baba be-bebet ako sa'yo haha"

"Ano? Yenggay mabigat ka 'wag na." Reklamo ko sa sinabi ni yeng.

"Hindi iyan, parang aakbay lang ako sa likod mo. yuko kang konti bilis." At sinunod ko naman ang sinabi niya. Muntik pa kami matumba dahil sa kalokohan niya.

Kinuha na namin ang pictures namin at pumili kami doon kung anong iuuwi namin.

Pagtapos namin, pumunta naman kami sa isang manong na nagtitinda ng fishball, favorite ko ito! Namiss ko kainin 'to.

"Dalawang 20 pesos po na fishball kuya." Saad ko sa manong na nagtitinda. Buti nga at hindi kami gaanong nakikilala ng mga tao.

Ganoon ulit ang suot namin. Hoodie jacket, pants at shades. Malamig ang panahon ngayon kaya ok lang.

"Eto ho" saas ni manong. inabot na ni yenggay ang dalawang plastic cups na may fishball at binayaran ko na iyon.

"Salamat po ito po ang bayad." Saad ko.

"Maraming salamat po." Saad pa ni manong.

Kinuha ko na kay yenggay ang isang plastic cups ko. At kumain kami habang naglalakad lakad pero umupo din kami sa isang silya dito sa gilid.

"Angge tanong ko lang, huwag kang magagalit ah?." Biglang saad ni yenggay.

"Hmm?" Saad ko habang sumusubo ng fishball.

"Paano kung...kayo ang naging mag girlfriend and boyfriend ni erik?" Tanong niya. Ayan nanaman po tayo...

"Hmm, edi masaya." Sagot ko

"'Yun lang? Ayun lang sasabihin mo?" Tanong niya.

"Bakit ano bang gusto mong sabihin ko? Na sana ganun nalang nga? Na sana magkatotoo? Na sana ako nalang talaga at hindi si kayla? Gusto mo bang sabihin ko na sana ako nalang ang ipinakilalang girlfriend ni erik sa lahat ng tao?" Sunod sunod kong saad.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now