CHAPTER 13

81 7 0
                                    

8:00am
Nagising ako sa pagkakatulog ng may marinig akong nagsisigawan na para bang nag aaway. Rinig ko ang boses nila kayla at erik. Anong nangyayari?

"Bakit!? Bakit hindi mo sinabi sa akin 'yon ha!?" Rinig kong sigaw ni kayla kaya lumabas na ako sa DR ko. Nakita ko pang sumunod si yeng sa akin.

"Babe naman, kaibigan ko din si angge wala kang dapat ipag selos."

"Eh bakit magkasama kayo kagabi ha? Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin?" Medyo mahina narin ang boses niya habang sinasabi iyon.

"K-kayla calm down." Pag aawat ko kay kayla.

"Anong calm down isa ka pang babae ka! Bakit hindi mo rin sinabi sa akin na magkasama pala kayo kagabi ha?" Turo pa nito sa akin.

"Kase kayla alam kong mangyayari ito. Alam kong magagalit ka kay erik at sa akin. Kay alam mo namang ayokong nag aaway tayo hindi ba?" Pagpapaliwanag ko.

"She's right babe so please calm down and mag usap tayo ng maayos okay?" Mahinahon na saad ni erik.

Si kayla ay napaupo nalamang at umiiyak na. Naaawa ako sa kaniya, kahit wala akong kasalanan , feeling ko nagsinungaling ako sa kaniya.

Itinayo na siya ni erik sa pagkakaupo at dinala na sa DR nila.

"Ate angge! Pwede ba akong diyaan nalang sa DR ninyo?" Tawag sa akin ni kz. Naiintindihan ko siya kaya naman tumango nalang ako sa kaniya.

Pumasok na kami sa DR at nagkuwentuhan nalang.

8:30am
"Ate, alam mo bang napapansin ko na unti unting nagbabago ang ugali ni ate kayla simula nitong nakaraang araw lang?" Banggit pa ni kz sa akin.

"Bakit? Anong mga pagbabago?" Tanong ko.

"Katulad nalang ng makakalimutin siya. Kahapon nga sabi ni ate kayla na hindi daw niya kilala si kuya erik. Tapos nung isang araw naghahanap siya ng naghahanap sa phone niya pero sabi ko hawak naman niya. Ate angge, may sakit po ba si ate kayla?"

"Hindi kilala si erik? Imposible naman 'yun. Tiyaka wala siyang binabanggit sa akin na may sakit siya. Baka naman pinaprank lang ni kayla si erik nun." Saad ko

"Oo nga naman, baka nagpaprank lang siya, imposible namang makalimutan niya ang boyfriend niya." Sabat pa ni yeng.

"Eh hindi ko po alam, ayun lang naman po ang napapansin ko sa kaniya." Saad ni kz

"Sige na tama na iyan mag ready nalang tayo para sa prod natin mamaya."

11:00am
Nagpapahinga nalang kami dito sa DR namin at kasama parin namin si kz, natatakot daw kase siya na baka magalit din sa kaniya si kayla kaya dito muna namin siya pinatuloy.

"Ge, launch tayo mamaya ha?" Tawag sa akin ni yeng.

"Sama po ako ha? Lilibre ko nalang kayo." Saad ni kz

"Oo naman kasama ka siyempre pero ako ang manlilibre." Saad ko

"Hindi ate ako nalang para pagpapasalamat kase pinatuloy niyo ko dito sa DR niyo. Pwede po bang bukas ulit?" Saad ni kz.

"Ha? Bukas? Bakit?" Sunod sunod kong tanong

"Ate ayaw ko na doon nakakatrauma sila kase lagi nalang silang nag aaway sa DR namin." Saad pa nito.

"Laging nag aaway? Ahh whatever sige sige, bukas na bukas papakiusapan ko si direct na dito ka na sa amin." Saad ko

"Talaga ate? Yeeyy thank you! Ang bait mo talaga ate." Masayang saad nito at yumakap sa akin. Tumugon naman ako sa yakap niya.

"Oh pa'no ako? Hindi ba ako mabait?" Tampo pang saad ni yeng.

"Yenggay ano bang ginawa mo? Diba nagpalibre ka lang naman?" Tukso ko pa kay yeng.

BROKEN SMILEWhere stories live. Discover now