"Hey you!" Sigaw ko parin sa kanya pero hindi man lang sya lumilingon kaya kinuha ko ang phone ko sa body guard at ibinato 'yon sa kanya. Tinamaan sya sa likod kaya napatigil sya pero hindi parin sya lumilingon.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" Naiinis na sabi ko sa kanya kaya humarap na sya sa akin saka nya naiinis na ibinaba ang hood ng jacket nya.

"Shocks ang gwapo nya!"

"OMG si Sebastian ba 'yan? Tara magpapicture sa kanya!"

"He looks like a prince in person! Gosh why is he so handsome and perfect?"

Sunod sunod na sabi ng mga nasa paligid ko at nakita ko na lang na kinukuhanan na sya ng picture. Nang may mag-flash na camera ay mabilis nyang ibinalik ang hood ng jacket nya.

"This is a waste of time. Kung gusto mo lang magpapansin sa akin you should at least try harder. So get out of my way." Madiin at mayabang na sabi nya sa akin saka sya tuluyang nag-walk out at naiwan akong nakanganga dito at hindi makapaniwala.

"Ako? Nagpapapansin sa kanya? Bakit? Sino ba sya sa akala nya?!" Naiinis na sabi ko saka ko nakagat ang labi ko sa inis. Tinanaw ko ulit sya pero hindi ko na sya makita.

"What happened here?" Vienna's voice get me back to reality.

"Arghhhhhh!!" Naiinis na sabi ko tinapakan ang phone ko ng paulit ulit dahil sa inis ko.

"Ma'am Jade tama na po." My assistant said kaya napangisi ako sa kanya.

"Inuutusan mo ba ako? Do you really want to get fired for real this time?"

"H-Hindi po Ma'am. Pasensya na po." Nagpapanic na sabi nito saka nya inaayos ang phone sa may paanan ko para mas matapakan ko ng ayos. Gosh she's really useless!

"Nakakainis!"

"Jade? Ano bang nangyari? Saglit lang ako nawala tapos napaaway ka na?"

"Let's just eat. Lalong umiinit ang ulo ko dito!" Sabi ko sa kanya saka naglakad palayo doon. Naramdaman ko naman na sumunod sila sa akin.

"What about your phone? That's your newest iphone."

"I will just buy a new one. Nahulog na 'yon sa sahig dahil binagga ako ng mayabang na lalaki! Ano bang akala nya sa sarili nya? Yes he's tall and handsome, papasa nga syang prinsepe sa paningin ko but the hell! Nakakainis ang attitude nya! Hindi man lang sya nag-sorry!" Kwento ko kay Vienna habang naglalakad kami papasok ng restaurant.

"Calm down Jade, baka naman nagmamadali 'yong tao."

"He doesn't look like he's on a huryy. I swear! Nakuha pa nga nyang paratangan ako na nagpapapansin sa kanya. And I think he's kinda famous, may ilang nakakakilala sa kanya kanina at kinuhanan pa sya ng picture." Naiinis na sabi ko kay Vienna saka ako naupo sa napili naming VIP table. Nasa labas naman ang mga body guards at assistant ko.

I entertwine my fingers and rest my chin before I pout my lips. I feel so small on the way he look at me. He's a perfect example of statue. So cold and heartless. His words makes me feel so small and I hate it.

"Come on, huwag mo nang isipin ang nangyari kanina. Just pray na hindi na mag-krus pa ang mga landas nyo." She said and give our usual order to the waiter.

Sebastian Lee | CATASTROPHIC SERIES 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon