PROLOGUE

1.7K 57 15
                                    


May parte sa akin na nagsasabing hindi iyan totoo. Na playboy lang sya at gusto ka lang nya mabihag kaya ginamit ka nya at para makuha yung gusto nya sayo.

__________

"Sabrina, maghiwalay na tayo" parang sasabog ang dib-dib ko. Sobrang sakit!

"T-troy wag kangang magbiro ng ganyan!"

"Seryoso ako sabrina."

Litong lito ako, gulong-gulo ako pero isang bagay lang ang malinaw sa akin. NILOLOKO AKO NI TROY.

Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit para maramdaman nya'ng mahal na mahal ko sya. Kaso biglang may tumulak sakin at napaupo ako sa sahig.

"Tigilan mo 'na si Troy. Hindi ka nya mahal, at lahat ng nangyari sa inyo ay isa lamang kasinungalingan!"sigaw ni Maxine sa akin.

Kusa ng pumapatak 'yung mga luha sa mata ko. Ngayon alam kona 'yung pakiramdam na unti-unting nadudurog 'yung puso ko. Sobrang sakit e. Ang sakit sakit!

"Troy alam kung nagugulahan kalang, alam nating mahal na mahal natin ang isa't isa!"Sabi ko habang patuloy na tumutulo ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"Sabrina makinig ka!" Sabi nya at lumapit sya at kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga. "Hindi kita kailan 'man minahal. At kahit kelan hinding hindi kita mamahalin!"Sigaw nya sabay tulak sa akin.

Sobrang sakit ng mga binatawan nyang salita. At pakiramdam ko laha't lahat ng pinagsamahan namin ng ilang taon ay biglang nawala at napaltan ng galit at poot sa ginawa nyang pananakit sa akin.

Yung lalaking pinagkatiwalaan mo, minamahal mo ng lubos at sa nakasama mo ng ilang taon ay isa lang palang mang-gagamit, manloloko.

"Bakit troy? Ano bang nagawa ko? Bakit mo ako ginaganito!" Sigaw ko sa kanya habang sinusuntok suntok kong ang matigas nyang dib-dib.

Kinuha nya ang aking braso at hinawakan nya ng sobrang diin dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Hindi ito yung troy na nakilala ko. Hindi ito yung troy na minahal ko. Sa pagkaka-kilala ko ang isang troy ay malambing, makulit, at mapagmahal.

Ano ba nangyari sa kanya?

Bakit bigla nalang syang nagbago?

Nilapitan ko sya at lumuhod ako sa kanya para mag maka-awa na wag nya akong iwan.

"Troy wag! Wag mokong iwan mahal na mahal kita! Di ko kayang mawala ka sakin"

"Troy please wag"

"Mahal na mahal kita eh"

Pagmama-kawaawa ko sa kanya. Halos lahat ng luha ko ay naibuhos kona. Nagmamanhid na ang buong katawan ko, halos wala na akong maramdaman.

"Please Sabrina! kalimutan mo na ako. Si maxene lang mahal ko at hindi ikaw" seryoso nyang sabi kung tingnan nya ako parang wala kaming pinagsamahan.

"Hindi troy! Ayoko! Mahal kita! Wag mong gawin to sa akin" pag makakaawa ko at habang nakayakap sa tuhod nya.

Tinayo nya ako hawak hawak nya ang braso ko.

"Tama 'na wag monang pahirapan yang' sarili mo Sabrina. Wala nang mangyayari kahit umiyak ka pa. Hindi na kita kailangan. Wala na tayo, tapos na tayo!"

"Hinde! Troy ayoko, hinding hindi kita iiwan kahit ano pang gawin mo sa akin" sigaw kung sabi at patuloy ko parin syang niyakap.

"Ano ba?! Wag ka ngang tanga! Hindi na kita mahal! Siya na yung mahal ko, siya na at hindi na ikaw. Kaya kung may natitira ka 'pang awa riyan sa sarili mo, itigil mo na yan!

Kahit ano pa 'man ang sabihin nya hindi parin ako maniniwala sa kanya dahil alam kung mahal parin nya ako. Hindi ako nag paawat sa paglayo nya sakin, niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Ng biglang may humagip ng buhok ko at tinulak nya ako kaya napatama ang ulo ko sa sahig

Pagkasalpok ng ulo ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako at buong katawan ko ay namamanhid at walang pakiramdam. Papikit-pikit na ang mata ko at kitang kita ko si Troy na nakatayo at gulat sa nangyari. Ng biglang may naramdamang ako pag yakap sa akin at tinatawag nya ang pangalan ko.

Sana isa lang itong panaginip. Isang bangungot. Sana pag-gising ko ay wala na ako rito.

_______

Ngayong araw sisiguraduhin ko na walang ng Troy sa buhay ko. At balang araw makakaya ko syang tingnan na walang nararamdaman na kahit ano pa man sa kanya. Gusto kung ipamuka sa kanya at sa kanila kung sino at ano ako ngayon. Kung paano nila ako binago.




@Love_inamist

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now