CHAPTER 33

7.5K 223 1
                                    

Nakatitig lamang ako sa sarili ko sa salamin habang gumagalaw yung tiyan ko. Napapangiti ako kahit may nararamdaman akong sakit kapag sumisipa na yung baby Zoey ko.

Yes, it's a baby girl and next week na yung due date ko kaya nga madalas nang sumasakit yung tiyan ko.

And after na mabaril si Zach ay natahimik narin sa wakas ang buhay namin. That Kelvin La Costa was dead on a rival ganun din si Roux at si Fernando naman ay na comatose ng ilang buwan ngunit binawian din ng buhay.

But I'm so sad for Zayn, kahit naman nagtraidor si Agatha ay hindi niya deserve mawalan ng ina. Tes, namatay rin siya six months ago and masasabi kong dumaan ako sa hirap sa pag-aalaga sa lil brother ni Zach. He's suffered with trauma dahil siguro sa putukan noon.

May mga pagkakataong umiiyak nalang siya bigla at nagtatakip ng tenga.

Lagi niya ring hinahanap ang mommy nkya at ayaw nkyang lumapit kahit kanino maliban sa'kin. Kahit kay Randall na kuya niya ay ayaw niya rito. But for now, okay na siya at dahil wala pa siyang muwang ay hindi niya na minsan hinahanap ang mommy niya.

Nalulungkot ako para sa kaniya, kaya nga ginagawa ko ang lahat para maging okay siya, and guess what? He's calling me mommy... okay lang din naman sakin, isa pa he's the lil brother of Zach at mabait siyang bata.

Feeling ko tuloy may panganay na kaming anak, he's now three years old and I'm happy for him dahil bumalik nadin ang sigla niya.

At dahil malaki na din ang tiyan ko ay si Mommy  lagi ang kasa-kasama niya, minsan naman ay binibisita siya ni Randall. Wt masaya akong nakapag-usap nadin sila ni Zach.

Pero minsan hindi talaga maiiwasang pinag-iinitan siya ni Zach, lalo na kapag naabutan niya kaming nag-uusap ni Randall ay nandidilim agad ang mukha niya. Hindi niya ako pinapansin kapag nagseselos siya.

Which made me sad, until mauuwi sa iyak yung sama ng loob na nararamdaman ko.  Napapangiti nalang ako kapag maalala 'yon dahil kapag naiyak na ako ay siya naman ang mahihirapang suyuin ako.

He can't blame me, I'm pregnant at sobrang taas ng pregnancy syndrome ko kaya konting offend lang niya sa'kin ay umaabot ng ilang araw na suyo niya sakin. Kasi kapag mainis ako sa kaniya talagang hindi ko siya pinapansin.

"What are you smiling alone? You look like an idiot baby"
Nagulat ako nang bigla nalang may yumakap sakin mula sa likod.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pagkatapos at tinitigan ako.

"Why are you smiling?" Pangingilatis niya sakin kaya pati ako ay napatawa.

"Wala may naalala lang ako"

"What is it hmm?" Embis na sagutin ay yumakap ako sa katnya, naramdaman ko nalang ang pagdampi ng mga labi niya sa buhok ko. And even now, hindi parin nawawala ang kilig ko kapag ginagawa niya sakin ito.

Maybe he's really my fate, kami nga ang para sa isa't-isa dahil sa sobrang saya at pagmamahal na nararamdaman namin pareho.

"Wala bang masakit sa'yo baby?" Tanong niya sa'kin nang sabay kaming lumabas ng room... birthday party ngayon ni Zayn at dito lang din sa garden ng bahay ginanap, so far maganda naman nang pag-organized sa buong garden area at pati sa pool area so pwede na. It was just like a nice venue indeed.

"Nangangalay yung balakang ko, kahapon pa ito but the doctor said this is a normal."

" Are you sure na kaya mo my Coke? Hindi ba masakit?" Napatawa ako sa mga tanong niya sa'kin. Para namang manganganak na ako sa mga sinasabi niya eh!

"Ano ka ba Zach, next week pa ang due date ko. Two weeks from now pa, malayo pa normal lang ito and I'm okay don't worry let's just enjoy Zayn's party"

Napatitig  lamang siya sakin at napatango, wala naman siyang sinabi habang hawak-hawak ang kamay ko papuntang garden area.  Nang magsidatingan na ang mga bisita ay unti-unti nang nagsimula ang birthday party. Start with a prayer at ngayon ay nag-iingay na ang mga bata dahil nagsisimula na ang games.

"Coke, maupo ka bakit panay tayo mo?" It was Milk at una ko siyang nakita noong kinidnap kami. And after no'n ay napapadalas ang pag-uusap at pagkikita namin together with Caramel and I'm happy that I meet them.

"Wala, medyo namamanhid yung balakang ko mula pa ito kahapon"
Nakita ko pa kung paano nagulat yung mukha ni Cara.

"What? Baka manganganak ka na niyan Coke? Wala bang lumabas sa'yo sign na manganganak kana? Hindi ba sumasakit yung tiyan at balakang mo?"

Napabuntong hininga ako dahil kanina ko pa nga nararamdaman ang pamamanhid at pangangalay ng balakang ko at parang sumasakit yung tiyan ko sa tuwing tumitigas ito.

"Wala naman Cara, but medyo masakit perl hindi naman gaano  at maya-maya nawawala rin"

"Naku, ako nang ipinanganak ko yung kambal ko malayo rin ang expected due date pero bigla biglaan yung panganganak ko" Milk said which make me nervous.

Napahawak nalang ako bigla sa tiyan ko nang tumigas ulit ito and this time I swear in heaven ang sakit na! Agad silang nataranta na dalawa at mabilis na umalis si Cara para tawagin si Zach.

"Baby, what's wrong?" Ramdam ko ang pag-alala sa boses niya nang makarating siya sa harap ko.

"Dalhin mo na siya sa hospital Zach manganganak na yata siya"

"Let's go!" Pinigilan ko siya nang akmang bubuhatin niya ako.

"No, kaya ko..." gusto kong maglakad dahil hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman kong sakit at hilab. Ngunit pagtayo ko pa lang ay may naramdaman akong tubig na pumutok sa loob ko at dumaloy ito sa hita ko.

Mabilis niya akong binuhat at isinakay sa kotse, sumama si Caramel sa amin dahil isa rin siyang doctor. Pero naiiyak na ako at hindi ko akalain na ganito kabilis. Yung sakit na naramdaman ko kanina ay mas dumoble pa. And I think it's time.

Napadaing ako sa sakit at pinagpapawisan na ako habang si Zach ay panay haplos ng balakang at tiyan ko. Ngunit ganun nalang ang pagtigil ng kotse nang masira ang gulong nito.

"Damn!" Malutong na mura ni Zach at mabuti nalang ay nakasunod ang mga kaibigan niya sa'min.

Ililipat nila ako sa kabilang kotse ngunit para hindi ko na kaya ang sakit...parang natatae na ako na hindi ko maintindihan.

"No! Diyan kalang Zach, support her, your baby is coming. Coke don't push okay? Magsasabi ako kung kailan"
Mabilis siyang nagsuot ng surgical gloves at hinahabol ko na ang hininga ko.

Hindi pa siya nakapagsabi na ipupush ko na ay hindi ko na mapigilang umere. Sobrang higpit nang pagkakapit ko sa braso ni Zach na nasa likod ko nakasuporta sa'kin at nakasandal ako sa katawan niya.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko at nanghina ako ng husto, may dumaang hangin sa tenga ko ngunit may narinig akong pag-iyak ng isang sanggol.

"Damn! Thank you so much baby...I'm so proud of you my Coke. I love you" mahinang bulong niya sa'kin at paulit-ulit na hinahalikan ang buhok ko.

Nakatitig lamang ako sa anak ko na hindi ko akalaing makikita ko na sa araw na ito. Magkasabay sila ng birthday ni Zayn.

"Good job Coke" narinig kong sabi ni Cara...and I thanked her for helping me.  I can't believe it, nasa kamay ko na ang pinakamamahal ko. My Zoey.

Naiiyak ako habang nasa kamay siya ni Zach, kitang-kita ko ang saya at tuwa sa mga mata niya habang hawak-hawak ang anak namin. Gosh! Ang laki ng boses niya kapag umiiyak at ang ganda niya, and first time I saw her, mata nuya agad ang napansin ko. She got her dad's gray eyes.

DW3 | jayewel

ROAD TO FINALE! HERE WE GO MGA DUDAY!

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now