CHAPTER 30

6.3K 208 5
                                    

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at takot.

"Who's this?" Malamig na tanong niya.

"Hindi na importante kung sino ako, fifty million kapalit nila!"
Napatayo ang mga kaibigan niya at lumapit sa puwesto namin.

"Are you got to be kidding me, huh? What do you think of me? A dumbass? Go to hell!"

"O sige gusto mo yatang marinig silang dalawa"
Napatakip ako ng bibig nang may narinig kaming mga pag-iyak sa kabilang linya.

"Z-Zach a-ako ito si Agatha..
please help me, please kinidnap kaming dalawa ni Zayn. Please ikaw lang makakatulong sa'min... I'm b-begging"
Umiiyak na sabi niya sa kabilang linya.

Nagkatinginan sila at mabilis na kumilos para buksan ang computer at nagsesenyasan sila para hindi marinig sa kabilang linya...in-open ni Zach yung location upang maconnect sa computer.

Naglo-loading at marami ang lugar na lumabas kung nasaan sila dahil hindi pa agad na access yung device na ginagamit ng kumidnap daw sa kanila.

"Ano na? Pupunta kaba o papatayin ko na sila?" Sabi ng boses sa kabila...napalingon si Zach sa'kin at sobrang kinakabahan na ako. Anak niya man yun o hindi dapat parin nilang iligtas si Agatha at ang bata.

"Go on! I don't care!"
Muntik na akong mapatili sa inis dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko skya sa braso at napatingin siya sa'kin. Ngunit hindi ako nakapagsalita. Nagsesenyas din yung mga kaibigan niya sa kaniya.

"That kid is not mine, and that woman is also not my wife so give me reason para pumunta ako diyan? Maghanap ka ng mauuto mo damn you!"

Nagsenyas ulit si Curt at mabilis na natrace ng computer kung nasaan sila...nasa isang pyer sila at naniniwala na talaga ako na kinidnap nga sila.

"Zach—"
Mabilis niyang tinakpan yung bibig ko at nagsign na huwag akong magsalita.

"Hoy babae magsalita ka dahil kung hindi uubusin ko ang balang ito sa ulo mo!"
Narinig namin sa kabilang linya.

May narinig kaming pagdaing at paghikbi kaya pakiramdam ko hinahalungkat yung tiyan ko... feeling ko sinasaktan siya ng masamang tao kaya skya napapadaing. Pati ako ay tahimik naring napaiyak.

"Z-Zach I'm sorry but...please believe me, hindi mo nga anak si Zayn but he's y-your brother"
At napahagulhol siya ng iyak, pati ako ay natigilan. Nakita kong namula ang tenga ni Zach at gumalaw yung panga niya.

"Damn it Agatha! Bakit hindi mo sinabi agad sakin noong una palang?" Galit na sabi niya.

"Wala nang maraming satsat pumunta kana dito nang mag-isa at ibibigay ko sila sa'yo kapalit ng limampong milyon! Huwag na huwag kang tumawag ng pulis dahil uunahin ko talaga itong bata. Ibibigay ko ang location at huwag na huwag kang magkakamali Zares! Bibigyan lamang kita ng isang oras para makarating at kung wala kapa? Goodbye brother!"

At naputol na ang tawag, Napatulala ako nang hinataw niya yung mesa. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko, gusto kong matuwa dahil hindi naman niya pala anak ang batang 'yon ngunit natatakot ako para sa kaligtasan niya dahil kapatid niya pala 'yon.

Totoo nga pala yung sinabi niya na may tinatagong relasyon ang Agatha na 'yon at ang daddy niya. Kaya siguro siya umalis dahil nabuntis siya rito.

"Damn! Let's build a plan first Man. I will gather the staff at lahat kami sasama"
Napatingin siya sakin at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Z-Zach, mag ingat ka"

" Yes I will baby... listen, ipapahatid kita pauwi and just wait for me okay?"
Napatango ako at pinahiran niya ang mga luha ko.

"Let's go! Kailangan muna natin kunin ang mga gamit sa devil's quarters"
Agad kaming lumabas ng office ni Curt at dumeretso sa car park ng hospital.

"Brendon, take her  home safe and without scratches do you understand?"
Mahigpit na utos niya...tatlong tauhan ang maghahatid sa'kin pauwi.

Muli niya akong niyakap ng mahigpit at napaiyak na ako dahil natatakot ako dahil baka mapahamak siya.

"Shh...I'll be back, stop crying"

"B-Bumalik ka ha?"
Napangiti siya at hinalikan ako sa labi ng mabilis at muli akong tinitigan sa mga mata.

"Of course baby...and when I get back you have to marry me"
Hindi ko magawang ngumiti dahil sa takot na nararamdaman ko...napatango na lamang ako sa kaniya at niyakap siya ulit.

Hinintay niya munang makapasok ako sa sasakyan bago siya pumasok sa kotse niya. Napapikit ako at nanalangin na sana walang masamang mangyari sa kaniya, at sa kanilang lahat. I trust him but why? Why do I have this feeling na parang huling yakap at halik ko na 'yon mula sa kaniya?

Diyos ko huwag naman sana... please hindi ko kakayanin kapag nawala siya. I love him so much kahit pa na dumaan kami sa maraming away at tampuhan. Kahit pa na sinaktan niya man ako dati, mahal ko parin siya dahil sa kaniya ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal.

Hindi parin nawawala ang kabang nararamdaman ko, pilit kong pinapakalma yung sarili ko sa takot. At nang makarating kami ng bahay ay sobrang tahimik at nagtaka yung nga body guards na kasama ko dahil wala yatang nagbabantay sa paligid.

"Ma'am sumunod kalang sa'min"
Napatango ako at may isang body guard sa likod ko.

Pagbukas ng main door ay nanlamig ang katawan ko nang makita ang iilang mga lalaki na nakaitim at nakamask at hawak nila si mommy.

"Mommy!"
Napasigaw ako ngunit natutukan na nila kaming lahat kaya hindi makagalaw ang mga body guards sa tabi ko.

"Ibaba niyo 'yang mga baril niyo dahil kung hindi papatayin namin ang babaeng ito!" Nakabusal si mommy at umiiyak...nanginig ang mga tuhod ko at hindi ko na sila halos makita pa dahil sa mga luha na lumalabas sa mga mata ko.

"Sumama ka sa'min Coke dahil kung hindi papatayin namin ang nanay mo!"
Hindi na ako nakagalaw pa nang tinutukan nila ng baril ang mga kasama ko.

Wala silang laban dahil tatlo lamang sila. Marami ang nakapaligid sa amin and I think this is a trap...feeling ko kinidnap nila ang kapatid ni Zach para makapunta sila dito sa bahay. At ngayon mas lalo na ako akong natatakot sa maaaring mangyari at kahahantungan ng lahat ng ito.

"P-Please po hhwag! Pakawalan niyo na kami"
Umiiyak na sabi ko ngunit hinila nila kami ni mommy at narinig ko nalang ang iilang putukan sa loob ng bahay ngunit mabilis nila kaming naipasok sa kotse.

Nanginginig ako sa takot at napayakap ako kay mommy. Natatakot ako para sa sanggol na nasa sinapupunan ko.. nananalangin ako na sana mahanap parin kami ni Zach, nasasaktan akong isipin na maliligtas niya na sina Agatha. Ngunit kami ng anak niya mukhang malabo, dahil hindi ko na alam ang daang tinatahak namin ngayon.

DW3 | jayewel

THANK YOU SA LAHAT NG HINDI NAINIP KAKAHINTAY. ILY😘

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now