CHAPTER 27

6.3K 252 13
                                    

Nanlamig ang katawan ko nang makilala kung sino siya, halos hindi ako makalakad dahil hindi ko masyadong maaninag yung sahig.

"M-Mommy" nanginginig kong tawag sa pangalan niya. Unti unti syang napalingon at napatulala sakin.

"Mommy, It's me!" Nakita ko nalang na napaluha siya, kaya napatakbo ako sa kaniya at sinugod siya ng yakap.

"Mommy" garalgal kong sabi at napahagulhol ako ng iyak.

"A-Anak ko" mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Two years ago, for two years I thought she was dead. Kaya pala ayokong maniwala na patay na siya, dahil totong buhay pa pala siya. Hindi ako makapaniwala na makakayap ko ulit siya.

Wala kaming tigil kakaiyak at tila ayaw naming bitawan ang isat-isa. Nang kumalas ako sa kaniya ay nagkatitigan kami at nagkahawak kamay.

"My daughter...ikaw nga"

"Mommy, I can't believe it...buhay ka nga"
Hindi ko parin mapigilang mapaluha.

"I-I'm glad you're fine anak...where's your dad? Lumayo ka sa k-kaniya. He's a monster, naalala ko na ang lahat. Hinabol niya ako at sinagasaan yung kotse ko"
Umiiyak na sabi niya at niyakap ko siya dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

Emosyon na halos magpapasabog sakin at gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko. May naramdaman akong kirot sa bandang puson ko ngunit pilit ko itong iniinda.

"Excuse ma'am, I'm the doctor who's taking care with her. She's suffered in selective amnesia, and we're very thankful dahil nakaalala na rin siya sa wakas. It was three days ago but, dumaan siya sa isang trauma dahil sa mga naalala niya. Hindi ito naging madali, at thankful kami dahil isa ka sa mga cure na hinahanap niya. She's calling out your name since yesterday, at mas naging grabe ngayon"

Napatitig ako sa kaniya at hinaplos yung pisngi niya.

"Mommy? Na amnesia ka?" Naaawa kong tanong sa kaniya.

"Y-Yes, hindi ko maalala ang lahat. But, the day I got accident, at nang nasa hospital na ako. May napapanaginipan akong mga bagay-bagay. Ngunit hindi ko alam bakit takot na takot ako kahit wala akong maalala sa nakaraan ko. Nahulog ako sa bangin, and I c-can't imagine all that happenings. Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako at makikita ka ulit"

Napatango ako at muli akong napahikbi, muli ko ring naramdaman ang kirot sa puson ko. Napahawak ako dito kaya napatitig siya sakin.

"Anak? You're pregnant? Zach always tells me about you even though I don't remember you yet"
Napaangat ako ng tingin at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Talaga? Lagi niya akong kinukwento kay mommy?  Samantalang ako ay halos nagluluksa ng ilang taon dahil itinago niya sakin ang ina ko! Napakasama niya! Wala na akong nararamdaman kundi galit at hindi ko alam ang gagawin kapag nakita ko pa siya!

Bakit hindi niya agad sinabi sakin noong nagkaayos na kami? Ilang buwan narin kaming magkasama ngunit puro lang siya kasinungalingan! Buong dalawang taon nangulila ako kay mommy, pero siya hindi niya alam 'yon!

"I'm happy for you my daughter...he really loves you"

Napatawa ako ng pagak habang umiiyak. Pagmamahal ba 'yon? Ang itago niya si mommy sakin? Oo, naiintidihan ko na itinago niya ito noong hindi niya pa ako inilayo kay dad, dahil alam kong marami siyang dahilan dahil magkaaway sila.

But, merin na kaming unawaan ilang buwan na ang nakakalipas! At two years na palang nasa kamay niya si mommy! Hindi niya parin ipinagtapat sakin ang lahat, dahil ano? May pinaplano parin siya? Paghihiganti parin? Damn him! I cursed him to death!

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now