CHAPTER 28

7.7K 242 10
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Napatitig ako sa paligid ngunit natigilan ako, nang magtama ang mga mata namin ni Zach na kakagising niya lang din sa gilid ko.

"Baby, you're awake"

"N-Nasaan ako?"

"Nasa hospital ka..." maya-maya ay may pumasok na doctor.

"I'm sorry, we did everything but hindi namin nailigtas ang baby. Excuse me"

Napatulala ako nang sabihin 'yon ng doctor nang walang preno-preno. Pagkaalis niya ay napahikbi agad ako, para akong binubugbog at parang nawalan na ako ng gana para mabuhay pa.

Sobrang sakit, at doon ko naalala lahat ng sama ng loob.

"I'm sorry baby. I'm really sorry, I know it's my fault"

"I hate you! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Umalis ka dito! Ayaw na kitang makita pa! Kinakamuhian kita!" Galit na galit kong sigaw sa kaniya. At napahagulhol ako ng iyak.

Agad kong iminulat ang mga mata ko at ramdam ko ang kakaibang kaba sa dibdib ko, saglit pa akong napatulala at naramdaman ko rin ang luha sa kabilang mata ko.

Parang totoo yung panaginip ko, peru napaiyak nalang ako dahil mabilis na bumalik sa alaala ko lahat ng pangyayari. At hindi ko alam ang gagawin kapag naging totoo ang panaginip na iyon. Hindi ko kakayanin.

Naramdaman kong may kumilos sa gilid ko at pagtingin ko ay siya agad yung nakita ko.

"Baby you're awake! Thank god" agad niya akong niyakap at parang ayoko nang malaman kung anong susunod na mangyari dahil parang nagkatotoo yung panaginip ko.

"Anak, my god! Gising kana"
Nagpatitig ako kay mommy na niyakap din ako.

"M-Mom y-yung baby ko, kamusta?" Gusto kong humikbi nang nagkatinginan silang dalawa.

"Don't worry...shh, don't cry walang masamang nangyari sa baby niyo okay? Stop crying, you're just bleeding ealit at matindi parin ang kapit niya sabi ng doctor. But you sleep almost seven hours, epekto ng itinurok sa'yo para matigil ang pagdurugo mo"

Parang binunutan ako ng tinik kaya napayakap ako sa braso niya. Hinaplos niya ako sa pisngi at niyakap din...ang tagal ko palang hindi nagising dahil gabi narin ayon sa nakikita ko sa sliding window.

At kahit hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang buhay pa soya at nahahawakan ko ulit.

"I have to go anak, mag-usap muna kayong dalawa. I'll be back later"

Ayaw ko siyang umalis ngunit tumalikod na siya at lumabas ng pinto. Agad akong nag-iwas ng tingin at tinabig yung kamay niya nang hinawakan niya ako.

"Baby, please I'm so sorry let's talk"

"Huwag ngayon, umalis ka na muna ayaw kitang makita o kahit makausap man lang"

"No! Makinig k-ka muna baby please, I'm begging my Coke it's not my intention to-"

"Ayaw kitang makausap! U-Umalis k-ka na" umiiyak kong sabi...nasasaktan parin ako at ayokong marinig ang anumang kasinungalingan niya!

Ngunit ubod siya ng kakapalan ng mukha at kademonyuhan kaya nagawa niya pa talaga akong yakapin kahit na nagpupumiglas ako. Wala akong lakas na itulak siya dahil nanghihina parin ako hanggang ngayon.

"Don't do this to me, don't leave me Coke mamamatay ako kapag ginawa mo 'yon"

Sana nga! Mamatay na siya! Hindi ko magawang sumagot dahil sobra na yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko siyang makita o kahit dumampi man lang yung balat niya sa balat ko. Pero heto, at hindi ko siya magawang pagtabuyan ng ganun kadali!

Masakit para stakin nang malamang itinago niya at ipinagkait ang ina ko sa'kin. Ngunit mas nasaktan ako at tila dinudurog sa katotohanang may anak pala sila ni Agatha at hindi man lang niya ipinagtapat iyon sa'kin noon palang!

Kung ipinagtapat niya sa'kin ang lahat-lahat marahil ay nagawa ko pang tanggapin, hindi sa ganitong paraan na ako pa mismo ang makakatuklas ng mga kahayupang ginawa niya!

"Listen to me" ayokong marinig ang kahit anumang salita mula sa kaniya dahil alam kong puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin niya.

Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita pero hindi na ako nakapagsalita, nakatuon lang din ang paningin ko sa kabilang side.

"First, I'm sorry. I'm sorry if I didn't tell you about your mother's condition. Yes baby, nasa akin siya sa loob ng dalawang taon...my staff found her. Nahulog sa bangin yung kotse niya at kinuha siya ng mga tauhan ko"

Napasinghot ako at nagpahid ng mga luha. Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan lahat ng mga sinasabi niya.

" Yes I admit, I wanted to make her as a bait against to her husband. Malaki ang galit ko kay Mr Arrozo at sa anak niyang si Roux, kaya itinago ko siya para ipanlaban sa asawa niya. But I can't do it because she's suffering with a selective amnesia...wala akong maipanlaban kaya pati ikaw kinidnap ko on the day of your wedding"

Napahinga ako ng malalim at napatingala para pigilan ang mga luha ko.

"Baby, believe me wala na akong pinaplano pa mula noong mahulog ako sa'yo. I'm sorry, sasabihin ko naman talaga sa'yo pero hinihintay ko lang na maging totally healed na siya. I'm so happy when the doctor told me na nakaalala na siya, yesterday I already planned to bring you here in black mansion to tell you everything, but nagka emergency ako"

Hindi ko parin siya nilingon dahil hindi parin ako kumbensido sa mga sinasabi niya! Siguro napuno na talaga ng galit yung puso koz sa lahat ba naman ng naranasan ko sa kaniya. Puro nalang pagsasakit at paghihirap!

"And then you find out. I'm sorry please baby believe me mahal kita Coke. I don't want to loose you, give me a chance please" kinuha niya ang kamay ko at idinampi sa pisngi niya maya-maya ay hinalikan niya ito.

"L-Let me go, palayain mo muna ako kahit ngayon l-lang...hindi madali lahat ng ginawa mo. Tsaka p-piliin mo yung a-anak n-niyo ni Agatha" garalgal kong sabi sabay hila ko ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

" No baby! That child is not mine maniwala ka, dahil kung akin 'yon di sana una palang-"

"Enough Zachary! Tama na'ng panloloko na ginagawa mo! Y-You're hurting me so bad! Ayoko na!"
Napahikbi ako at nagpupumiglas dahil ayaw niya akong pakawalan.

"No baby, handa kong patunayan 'yonn sayo. Hindi ko alam na nagkaanak siya at kung ako man ang itinuturo niyang ama? It's not true! Im not that irresponsible if we already have a child, baka noon palang pinanindigan ko na siya!"

Nilingon ko siya at ang sarap niya lang sampalin ng malutong! Binibilog niya pa ang ulo ko! Akala niya sa'kin tanga para maniwala sa mga sinasabi niya! That child almost get his look, tapos sasabihin niyang hindi niya anak 'yon? Napaka iresponsable niya nga talaga kung ganun!

"Damn you Zach!" Natigilan siya at napatitig sa'kin ng inis ko siyang sininghalan.

"Kamukhang-kamukha mo ang batang kasama n-niya kahapon, tapos sasabihin mong hindi 'yon iyo? A-Ang sama mo! Hindi mo na ako maloloko pa!"
Nasaktan ako nang saglit siyang natigilan at napatulala.

"No baby, hindi ako naniniwala! Coke she's-"

"Iwan mo na muna ako please, gusto kong mapag-isa!"

"I won't leave you here until you didn't know everything! Kaya ko siya hiniwalayan Coke because she's my dad's doll!"
Ramdam ko ang inis sa boses niya ngunit nagtitimpi siya at hindi ko parin magawang maniwala.

"Akala niya hindi ko alam na kapag wala ako ay nandoon siya kay dad! I confronted her but she denied it and after mawala ni dad she left the country. Hindi 'yon akin baby maniwala ka naman, gagawin ko ang lahat at papatunayan ko 'yan sa'yo"

"Let me go, lumabas ka n-na muna please lang"

"No, Tell me what to do, huwag n-naman ganito baby" narinig ko ang pagsinghot niya kaya mas lalo lang akong nasaktan at nainis.

Baka sinasabi niya lang 'yon para maloko niya na naman ulit ako! Tama na'ng sakit, tama nang hirap, pagod na ako.


DW3 > jayewel

PLEASE VOTE THIS CHAPTER THANK YOU PO!

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now