CHAPTER 21

7.5K 302 34
                                    

Napatili ako sa gulat nang bigla nalang nya hilahin si Randall sa kuwelyo at inambagan ito ng suntok.

"Damn you!"

Napasigaw ako at maya-maya ay nagsipasok na ang mga kaibigan n'ya, at kahit mga hospital staff ay hindi sila maawat dahil nakipagsuntukan narin si Randall sa kaniya.

"T-Tama na! Please Zach!" Pigil ko sa kaniya perp para s'yang halimaw na nagwawala.

Hindi ako makahinga kakaiyak nang muli n'yang hinila si Randall at isinandal sa pader kaya napadaing ito. God! For pete's sake, pareho silang may sugat.

"I told you never to immerse yourself in my possession bastard! Tangina ka, mapapatay kita sa kataksilan mo!" Galit na galit n'yang sigaw dito.

"Go on Zach, because I don't regret what I did! Maghanap ka ng ibang paglalaruan huwag si Coke, tangina mo rin!" Ganti ni Randall sa kaniya. Napatakip ako sa bibig nang gumanti siya ng suntok dito.

"Shit, Man, that's enough! Huwag dito Zach, pwede naman kayo magbarilan paglabas na ng hospital but huwag dito sa hospital ko!"

Inawat na sila ng kaibigan n'yang doctor at ang iba ay nakatingin lang na para bang nag-aabang pa ng rambulan. Bakit ba hindi nila awatin ang kaibigan nila? Alam kong magagawa nila 'yon, sa laking tao ba naman nila.

Nagtagisan sila ng tingin at pumutok ang gilid ng labi ni Zach at ganun din si Randall. Naaawa ako sa kaniya dahil mukhang napuruhan s'ya ng demonyo n'yang kapatid.

Naglakad ako papalapit sa kaniya pero bigla nalang may humila sakin. Nagtagis ang bagang niya katitig sa mukha ko at sobrang dilim ng mukha n'ya. Para na siyang halimaw na handang manglamon ng buhay.

Napalingon ako kay Randall nang hilahin n'ya ako palabas. Habang hila-hila niya ako at nakita kong dumugo ang tagiliran niya at pinagtabuyan niya pa ang mga nurse at doctor na magchecheck sana sa kaniya.

Padabog n'ya akong pinaupo sa kama at tinitigan ng masama.

"Try to approach him again and I will cut his neck infront of you! Huwag mo akong galitin, tangina niyo!"

Dumagundong ang boses niya sa loob ng room at napasinghot ako. Napatitig ako sa sahig nang hinataw n'ya ang bedside table at napaiyak ako ng mabasag ang vase na bumagsak sa sahig.

"Answer me Coke! Do you still love him?! Tangina naman, sumagot ka!"

Napaigtad ako nang hinawakan n'ya ako sa magkabilang braso at ramdam ko ang panggigigil n'ya sakin.

"Answer me, damn it!"

"K-Kung pwede lang Zach mas pipiliin ko si Randall dahil alam k-kong hindi n'ya ako paglalaruan!"

Napatitig siya lalo sa akin at gumagalaw ang mga muscles n'ya sa mukha nang sabihin ko 'yon.

"Ikaw? W-Wala kang ibang ginagawa kundi saktan ako! Kung hindi mo na ako kailangan, please pakawalan mo na ako dahil p-pagod na pagod na ako!"

"Really, huh? That's why you called him to flee to the island? But you know what? I will not ignore the deception you did to me! Don't worry, ang lalaking sinasabi mong hindi ka paglalaruan ay paglalamayan mo mamayang gabi!"

Hinila ko ang braso n'ya nang akmang aalis siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kakayanin kapag mapahamak pang muli si Randall ng dahil sakin.

"Z-Zach please... don't do this" pakiusap ko sa kaniya.

"Hindi ikaw ang makapagpigil sakin Coke! Wala akong pinapalagpas kapag ginawan ako ng katraidoran!"
Napahikbi ako dahil sa sinabi niya.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon