CHAPTER 29

7.3K 202 8
                                    

Mas pinili kong palayain ang sarili ko sa sakit na huma-hunting sa akin...kaya umuwi na kami ng bahay at pakiramdam ko nawala lahat ng tinik nang mas pinili ko ang desisyon na nais ng puso ko.

Wala eh, ito parin yung ginusto at pinili ko kahit nasaktan man ako ng sobra, kailangan ko ng palayain ang mga bagay na dapat wala ng puwang pa sa buhay ko.

Nakatulala ako habang minamasdan si mommy na nagluluto sa kusina, it's been four days mula nang umuwi kami ng bahay and until now it seems like, I was still dreaming. Dalawang taon, at hindi ko akalain na makakasama ko pa ulit si mommy.

Wala na din akong pakialam pa sa kung anong nangyari noong nakaraang mga araw. Handa na akong kalimutan lahat ng hapdi, sakit at sama ng loob na dinulot ni Zach. All I have to do is to move on, at tanggapin ang katotohanan kahit na masakit ito sa part ko.

Naglakad ako papunta ng pool area at doon ko nalasap ang sarap ng simoy ng hangin. Kakaalis lang din ni Randall and I'm so happy that we already forgave each other. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng naitulong niya sa'kin.

Siguro sa ngayon mas lalo ko nang bigyan ng halaga ang sarili ko, lalo na sa tunay na gusto ng puso ko...ang mamuhay ng payapa.

Napaigtad ako nang bigla nalang may yumakap sa'kin mula sa likod sabay halik sa buhok ko.

"What are you doing here? Nagugutom kana ba?" Napalingon ako at nagkatitigan kami nang pinaikot niya ako paharap sa kaniya.

"Hindi pa naman, ang sarap ng hangin dito"

"Did you like here baby?" Napangiti ako sa kaniya at tumango.

"Yes, malayo sa masasamang tao. Atsaka ang ganda ng view kapag nasa room na tayo"
Ngumiti siya sa'kin at inaamin ko hindi ko parin maipaliwanag yung nararamdaman ko kapag ginagawa niya 'yon.

Kapag ngumingiti siya sa'kin, tila ba nawawala nalang bigla lahat ng agam-agam ko. He's just like the cure of my sorrows, kaya siguro bigla-bigla nalang umiinit yung pisngi ko sa kilig.

"I'm glad to hear that..." maya-maya ay natahimik kami at nakakulong parin ako sa mga bisig niya. Kaya mas lalo kong natitigan ang guwapo niyang mukha.

"I love you my Coke...thank you for your forgiveness, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag tinaboy mo na ako"
Napangiti ako sa kaniya at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya.

I love this demon so that, mas pinili kong magpatawad. Hindi naman siguro pagpakatanga ang tawag sa ginawa kong desisyon. Mas pinili ko lang naman ang magpatawad kesa masaktan pa lalo.

Kahit anong galit na naramdaman ko noong malaman ko ang lahat, bigla nalang 'yon nawala nang makita ko kung paano siya nagmakaawa sa'kin habang umiiyak. He do really loves me as much how I loves him.

"Mahal kita Zachary, kaya kahit anong gawin ko sa'yo parin pala ako babagsak kahit nasaktan ako"
Pilit kong nilabanan ang mga luha ko sa tuwing naiisip ko yung bata na kamukha niya.

Naramdaman ko nalang na hinahagod niya yung likod ko at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Baby, I promise I will prove that to you. I'm so sorry if I cause you so much pain. But kung sakin nga talaga 'yon, handa mo parin akong tanggapin diba? Mamahalin mo parin ako right?"

Kumalas ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. Kinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya.

"W-Wala akong magawa, wala din naman ako ng mga panahong 'yon...tatanggapin parin kita Z-Zach, I love you"

"God! I love you more my Coke" he kiss me in my lips and he pulled me into hug.

Pero ang totoo nasasaktan ako kapag iniisip ang bagay na 'yon, kung sakali mang anak nga nila 'yon, wala naman talaga ako magagawa pa. Siguro ang kailangan ko nalang gawin ay ang tanggapin ang katotohanan.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora