CHAPTER 20

6.8K 279 24
                                    

Aaminin ko, nasaktan ako ng sobra dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala akong ibang naiisip kundi iligtas ang batang nasa sinapupunan ko. Kung gusto nilang magpatayan puwes huwag nila akong idamay.

"Let me go! Kung gusto n'yong  magpatayan gawin n'yo hindi sa harap ko!" Napatitig si dad sakin nang hilahin ko ang braso ko mula sa kaniya. Ngunit muli n'ya akong hinawakan ng sobrang higpit sa braso at may narinig akong pagkasa ng baril mula kay Zach.

"Bitawan mo ako Mr. Arrozo! Hindi mo na ako mabibilog pa! Mamamatay tao ka! You killed my m-mom! N-Napakahayup n'yo!"

Napapikit ako ng bigla nalang n'ya ako hinigit papalapit sa katnya at tinutukan ng baril sa ulo. Narinig ko ang malutong na pagmura ni Zach ngunit hindi agad sila nakagalaw dahil marami rin ang tauhan ng hayop kong ama amahan na nakapaligid sa amin.

"Subukan mong iputok 'yang baril mo Zares, mamamatay ang babaeng ito!" Napaiyak ako dahil sa sakit. Siya ang kinikilala kong ama ngunit ngayon ginagawa n'ya na rin akong pain sa kaaway n'ya.

"Go on, hindi kita pipigilan!" At parang nawalan narin ako ng pag-asa dahil sa sinabi n'ya.  Talagang wala s'yang pakialam sakin at kahit sa anak n'ya.

"Talaga lang ha? Hindi ako natatakot na patayin ang babaeng ito dahil hindi ko siya kaano-ano!"

"Damn you old man!" Rinig kong mura n'ya dito.

"Ano pa ang hinihintay mo? Iputok mo na, so that wala kang mapapala ni isa man sa yamang naiwan ni mommy!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang magsalita pa.

"Shut up!" Unti-unti niya akong hinila papalayo sa puwesto nila .

"Sige subukan mong sumunod Zachary Zares at tatadtarin ko s'ya ng bala!"

Umurong s'ya hanggang sa nagkaroon s'ya ng pagkakataong makawala at mabilis n'ya akong hinila palabas ng isang pinto.

"Let me go!"

"Shut up! Kunin n'yo ang sasakyan dali!" Utos n'ya sa mga tauhan n'ya. Saktong pagdating ng sasakyan ay napatili ako ng sunod-sunod na putukan na ang narinig ko. Kinagat ko s'ya sa kamay kaya nabitawan n'ya ako at nagawa ko pa s'yang itulak.

"Coke takbo!" Narinig ko ang boses ni Randall na sumisigaw, nataranta ako at mabilis na tumakbo. Nakita ko si Zach na nakikipagbarilan ngunit wala akong choice kundi sa kaniya pumunta. Habang papalapit ako sa kaniya ay nanlaki ang mga mata n'ya at agad akong hinila kaya napayakap ako sa kaniya at nagkapalit kami ng puwesto.

"R-Randall!" Napasigaw ako dahil natamaan s'ya.

Itutulak ko sana s'ya para puntahan si Randall ngunit nagulat ako sa nakita ko sa mga palad ko. Dugo, mayroong dugo...  nanginig ako nang makita ang tagiliran ni Zach may tama rin. Doon ko lang narealize na ako pala sana ang matatamaan kung hindi n'ya lang ako hinila  payakap.

"Damn! Umalis na tayo rito, Curt may tama si Zach!"

"Lu, let's go! Nandiyan na ang sasakyan nina Colt at Cruise ako na'ng bahala Kay Randall! Men, cover us"

"Yes, sir we're ready"

Para akong naestatwa at hindi ko na magawang gumalaw, hindi ko man lang namalayan kung paano ako nakapasok sa sasakyan.

Napaiyak ako nang makarating kami sa hospital, nabahiran ng maraming dugo yung palad ko at nang muli ko itong makita ay parang hinahalungkat ang sikmura ko. Umikot nalang bigla ang paningin ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ako mapakali nang maalala ang nangyari. Agad akong napalinga sa loob ng room at nakita ko ang isa sa kaibigan n'ya na Helcurt yata ang pangalan. Ngunit nagtaka ako dahil nakasuot s'ya ng doctor uniform.

"Huwag ka munang bumangon you have to rest miss Coke cacola"

"W-Where's Zach? Si R-Randall?"

Napatitig stya sakin at masasabi kong wala silang pinagkaiba ni Zach kung makatitig, tagos hanggang buto na tila ba dapat kang matakot sa mga titig nila.

"Dead on a rival silang dalawa"
Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang sabihin n'ya 'yon.

"N-No!" Agad akong napatayo at wala akong suot ni tsinelas man lang.

"Damn! Hey, nasa kabilang room sila calm down hindi ka pa pwedeng lumabas."
Hindi ko na halos makita ang daan dahil sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Please tell me, s-saang room?"

"Go back to your bed, masama akong magalit miss Coke cacola"
Ngunit hindi ko s'ya pinansin at naglakad ako para hanapin ang room nila.

Binuksan ko ang katabing room, at halos lahat ng pares nv mata ay napatingin sakin nang pumasok ako. Nasa loob lahat ng nga kaibigan n'ya at blangko ang ekspresyon n'ya nang makita n'ya ako. Wala dito si Randall at gusto kong tiyakin kung okay lang ba s'ya.

"Man, sa labas lang kami"

Napayuko nalang ako nang dumaan sila sa harap ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Matagal na katahimikan ang lumukob sa amin at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

"Z-Zach" napatingin s'ya ng matalim sakin at hindi ko kayang salubungin ang mga titig n'ya.

"Did you two plan for that?! Answer me!"

Napailing ako at napaiyak, ang totoo nagsisisi ako sa ginagawa kong desisyon. Dahil doon, napahamak silang dalawa at nakatakas pa ang demonyo ring asawa ni mommy! Ngunit kung hindi ko ginawa 'yon, hindi ko nalaman ang katotohanan.

"You're a liar! Hindi magkakilala ha? Ngayon alam ko na kung bakit ganun kayo magkatinginan! It's because he's your ex boyfriend am I right? Yun ba ang hindi magkakilala?! And you called him that's why itinakas ka n'ya!"

Sobrang lamig ng boses n'ya at natatakot ako sa mga tingin n'ya sakin. Alam kong galit na galit s'ya pero hindi mangyayari 'yon kung hindi n'ya rin ako niloko. Pinaniwala n'ya rin ako, kaya nagdesisyon akong umuwi nalang. Nasaktan ako ng sobra at hindi lang ako ang dapat sisihin dito!

Masakit ang mga salitang narinig ko mula mismo sa bibig n'ya, kaya siguro marapat lang na itinakas ako ni Randall.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit nangyari 'yon?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magsalita sa kabila ng nakapapaso n'yang mga tingin sakin.

"Shut up!" Napaiwas ako ng tingin at pilit pinigilan ang mga luhang gustong umalpas sa mga mata ko. Galit na galit siya at ramdam ko 'yon sa boses at titig n'ya sakin. Hindi ko na kaya at tumalikod nalang ako sa kaniya. He don't need me anyway.

"Subukan mong lumabas sa pintong 'yan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"

"You don't need me right? Tapos na rin ang papel ko bilang laruan mo!"
Agad akong naglakad at lumabas ng room.

Naabutan ko ang mga kaibigan n'ya na nakaupo sa labas, napalingon silang lahat sakin at dumeretso lang ako papasok sa kabilang silid. And there I saw Randall lying on the bed. Napatingin s'ya sakin nang lumapit ako sa puwesto n'ya. Buti nalang at gising na siya.

"Okay ka lang ba? Nasaan yung sugat mo?"
Napangisi s'ya sakin at hinawakan ako sa kamay. Napatitig ako sa kaniya pero hindi ko na naramdaman ang dating pakiramdam kapag ginagawa n'ya ito.

"I'm fine Coke, wala ito. Maupo ka muna, how's your feeling?"

"Okay na din, kailan ka pala pwedeng maka__"

Natigilan ako nang bigla-bigla nalang bumalya ng napakalakas ang pinto. Agad akong napatayo nang makita ko si Zach na humahangos papasok. Nakasuot s'ya ng hospital gown at tila hindi lang siya nabaril sa tagiliran.

DW3 > jayewel

KUNG AKO KASI KAY COKE KAY RANDALL NALANG DIN AKO HAHAH.PERU KAY ZACHARY ATA PARIN AKO UUWI😂

    SEE ON THE NEXT CHAPTERS!

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora