CHAPTER 19

6.5K 247 13
                                    

Napatakip ako sa bibig ko, gusto kong humagulhol ng iyak kahit pa hindi ko halos naiintidihan ang mga sinasabi nya. He's my dad but what? Pera lang ba ang habol n'ya sa pamilya ni mommy? Villarico is my middle name which is the last name of my Mom.

At kilalang mayayaman ang angkan nila noon pa man, at ayokong isipin na pera lang ang dahilan kung bakit pinakasalan n'ya si Mom. Pero 'yon ang lumalabas sa bibig n'ya ngayon, and I can't believe what I heard from him.

"But dad, di ako makapaniwala na hindi sayo nakapangalan kahit kalahati lang ng last will testament. After all, apelyido mo parin ang nakakabit sa pangalan ni Coke even she's not your biological daughter"

Napatulala ako sa huling narinig ko. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ako makapaniwala.

"Iyon na nga! Kinakailangan ko pa talagang pakasalan si Cathy imbis na ang mommy mo, pero wala parin tayong napala!"

Pakiramdam ko namanhid ang buo kong katawan dahil sa mga naririnig ko.

"Dinispatya  ko na nga ang babaeng 'yon para mapunta sakin ang lahat ng ari-arian but what? Nasa anak n'ya pala nakapangalan, it means niloko ako ni Cathy nang sabihing ililipat n'ya sa pangalan ko ang last will testament na pinagawa n'ya!"

Nanlaki ang mga mata ko sa huli n'yang sinabi. God! He did? So kaya pala hindi n'ya magawang hanapin si mommy dahil siya pala mismo ang nagpapatay sa ina ko. Napakawalanghiya n'ya!Napakahayup n'ya! Wala s'yang kasing sama!

"Calm down dad, gagawa tayo ng paraan. But, just like what you said kailangan nating mabawi kay Zares si Coke. Don't worry, gumagalaw narin ang mga tao ko"

"Yeah, you have to make a plan too para naman mapadali dahil naiinis na ako sa mga tauhan kong mga palpak! After ng kasal kailangan kumbensihin mo s'yang ipangalan sa iyo ang iilang kayamanan na meron siya" Nagngingitngit ako sa galit at gusto ko silang sugurin at pagsisigawan ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tahimik lang akong umiiyak at para akong tinutusok sa dibdib.

"Kailangan makuha na natin ang lahat ng ari-arian then we can dispose  her like what we did with her mother! She's not my daughter at wala akong ni katiting na dugo na dumadaloy sa kaniya"
Pakiramdam ko wala na akong kakampi kahit saan man ako mapadpad, punong-puno ng kasamaan lahat ng nakapaligid sa akin at hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

"At kinakailangan na nating makaganti sa mga devil's na 'yon sa pagpatay nila sa anak kong si River! Kailangan natin silang paikutin sa tauhan ni Kelvin, so that magawa na natin ang mga plano natin. Kung hindi lang sana nakipag palitan ng mukha ang kuya mo kay Kelvin, edi sana buhay pa siya hanggang ngayon"

"It was their plan dad pero nagkamali sila. Imbis na si Kelvin ang namatay ay si kuya pa! At kung ano man ang plano ni Kelvin ngayon I know na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni kuya! Ang kailangan n'ya lang gawin ay magtago na muna sa itsura ni kuya dahil baka mabulabog tayo! Iisa-isahin natin silang lahat!"

God! Ba't napunta ako sa mga taong ito? Ang dami ko palang hindi alam na mga kasinungalingan nila, ni hindi ko kilala ang binanggit nilang Kelvin. So it means, si River na kuya ni Roux ay patay na? And ang ibig ba nila sabihin yung buhay na River Ville ngayon ay iyon ang sinasabi nilang Kelvin?

Gosh! Mamamatay tao pala sila! Mamamatay tao silang lahat! God, help me please ayoko na dito!

Dahan-dahan kong hinubad ang tsenilas na suot ko at umalis nang dahan-dahan papuntang isang room. Para akong hihimatayin, napaiyak nalang ako at halos gusto kong magwala dahil sa mga nalaman ko. Agad akong bumaba nang hagdan at agad ding napatayo si Randall nang makita akong nagmamadali sa pagbaba.

"So? Wala ba siya sa taas?" Napailing ako sa kaniya at naiiyak na ako.

"R-Randall umalis n-na tayo__ay!" Napatakip ako sa tenga ko nang may marinig kaming putukan.

Galing ang putukan na 'yon sa labas, bumalik naman lahat ng takot ko. Agad akong hinawakan ni Randall sa braso at bumunot siya ng baril. Bakit ganito nalang lagi? Baka dito na ako mamamatay. Nanginginig ang mga kamay ko at saktong paglingon ko ay gayundin ang pagbaba nina Roux at dad sa hagdan. Kapwa silang may bitbit na baril at para na akong hihimatayin dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Coke? God, my daughter!" Nanigas ako nang lumapit siya sakin at agad akong niyakap.

Napaiyak ako, hindi dahil sa na miss ko siya kundi dahil sa galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Bakit n'ya nagawa kay mom 'yon? Wala s'yang puso!

"Hali ka na! Umalis na tayo dito sinugod tayo ng kaaway, Roux ikaw ang magdrive!"

"N-No!" Napalingon siya sakin nang hinigit ko ang braso ko mula sa kaniya, napalingon din ako kay Randall at gusto kong sabihin sa kaniya na huwag n'yang hayaan na makuha ako ng masasamang taong ito!

"Let's go for pete's sake! Mapapahamak tayo dito pareho"
Sabi n'ya at natatakot na ako sa kaniya, hindi na pagkamiss ang nararamdaman ko kundi galit at pagkamuhi.

"Go Coke, sumama ka na sa kanila!" Dagdag pa ni Randall. But no, hindi n'ya alam ang katotohanan kaya n'ya ako tinutulak na sumama sa kunwaring ama ko daw!

"Tara na wala nang oras!" Hinigit n'ya ako at wala akong magawa dahil nanghihina narin ang mga tuhod ko. Papunta kami sa backdoor. Ngunit ganun nalang ang pagkabigla naming lahat ng pagbukas ni Roux ng pinto ay ang madilim na anyo at malademonyong tingin ni Zach ang sumalubong sa kaniya. Kasunod n'ya ang limang kaibigan n'ya na may hawak na naglalakihang mga baril.

At mas lalong dumilim ang mukha n'ya nang makita si Randall na kasama namin. Agad akong hinila ni dad at nagtutukan sila ng baril.

"Long Time no see Mr. Arrozo? Same to you Sandoval! And hello to you my traitor brother?" Napalunok ako at mas lalong natakot hindi lang sa sarili ko kundi pati kay Randall.

"Itigil mo na ito Zach!" Biglang sabat ni Randall

"Shut the fucked up, you're traitor! Wala kang alam!" Galit na sabi n'ya at tila mangangain siya ng tao.

"Anong kailangan mo Zares ha?! Ikaw na nga itong may atraso ikaw pa itong may ganang lusubin kami dito! Magkano ang kailangan mo?!"
Narinig ko ang malademonyong pagtawa n'ya nang sabihin ni dad 'yon.

"Damn you old man! I don't need your coins! Talaga lang ha? Ako ang may atraso o ikaw ang may atraso sakin?!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo Zares! Wala kang ebidensya! At kung ang anak ko ang dahilan kaya ka nandito, puwes, hindi ko na hahayaan pang gawin mo s'yang pain laban sakin! Magkamatayan at magkamatayan tayo rito!"

Gusto kong matawa sa sinabi n'ya, parang gusto ko ring pumalakpak dahil ang galing n'yang magdrama.

"I don't need your daughter Arrozo! Isaksak mo 'yan sa baga mo! Nandito ako para pagbayarin ka sa lahat ng atraso mo sakin!"

Parang pinipiga ang dibdib ko nang sabihin n'ya 'yon. He don't need me, he don't need me anymore dahil tapos na s'yang paglaruan ako. Parang naninikip ang puso ko at hindi ko magawang magsinungaling na hindi ako nasasaktan.


DW3 > jayewel

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon