CHAPTER 12

7.7K 271 10
                                    

Madiin parin akong nakapikit ngunit wala akong may naramdamang sakit. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakitang nagkatitigan silang dalawa. "There's no bullet, I'm just testing you. Anyway, thanks for this!" sabay angat niya ng envelope na bigay ni Randall sa kaniya. Nakita ko pa kung paano nagngingisihan ang mga kaibigan niya! Mga demonyo!

Ngunit hindi niya alam kung paano ako kinabahan sa kagaguhang ginawa niya! Umukit ang kakaibang sakit at sama ng loob na kanina ko pa nararamdaman. Napatingin ako sa kaniya dahil sa galit at inis ko.
"Bakit hindi mo nalang nilagyan ng bala?" inis kong angil, malalim niya akong tinitigan ngunit wala na akong panahong makipaglaro sa mga laro niya!

Mabilis akong tumalikod sa kaniya at padabog na umakyat ng hagdan. Magalit na siya kung magalit! At talagang gagalitin ko siya para 'yon ang tutulak sa kaniya na patayin ako kasi sawang-sawa na ako! Nanginginig ang mga tuhod ko nang umupo ako sa kama. Napaiyak ako at ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

Napahagulhol ako ng iyak at hindi ko alam ba't sobra akong nasasaktan. Damn him! I hate him so much! I hate him! Napatingala ako sa kisame at walang tigil kakaagos ng mga luha ko. Bakit ganon siya kasama? Bakit pa siya nabubuhay sa mundong ito! Dapat nandoon siya sa empiyerno!

Ilang minuto na akong umiiyak, tila wala katapusan ang mga luha ko. Agad akong nag-iwas ng mukha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ayoko siyang makita, maamoy, at makausap! Mabilis kong iniwas ang braso ko nang hawakan niya ito. Nakatuon lang ang mukha ko sa unan na nasa gilid ko.

"Coke, talk to me" hindi ako kumibo at wala akong planong kausapin siya. "Baby please, talk to me" mahinahon niyang sabi, baby niya mukha niya! "Don't make me mad Coke, I said talk to me" he said using his warning tone. At kahit pa sakalin niya ako at tadtarin ng bala wala akong pakialam!

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at muli ay hinila niya ako papalapit sa kaniya. Tinulak ko siya at hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya sa mukha. Tumigas ang anyo niya at malagkit niya akong tinitigan.

"M-Masaya kana sa ginagawa mo sakin?! M-Mas mabuti sana kung may bala 'yon! Mas mabuti kung ikaw mismo ang tumutok ng baril na 'yon sakin! I hate you! I h-hate you so m-much! Tapusin mo na ang buhay ko kung diyan ka sasaya Zach, pagod na ako!" napatakip ako sa bibig ko nang may kumawalang malakas na hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Basta nalang niya ako hinigit at niyakap ng mahigpit.

I hate him for doing this to me! Sasaktan niya ako at aakto na para bang isa siyang mabuting tao! Nararamdaman kong hinalikan niya ang buhok ko nang paulit-ulit. "I'm so sorry, I didn't mean it. I didn't mean to hurt you. Naiinis lang ako baby, it was just a test. Hindi ko gusto ang mga titig niya sayo Coke at matindi ako magselos. I don't want any rival when it comes to you. You're mine baby, I swear makakapatay ako ng tao"

"K-Kahit kapatid mo Zach? Anong klaseng tao k-ka!"

"Damn! Even my brother Coke, even him! Oras na may umagaw sayo sakin. But I'm sorry, stop crying, he proves that he's not interested to you." hinagod niya ang likod ko ngunit hindi parin ako naniniwala sa mga galaw niya. Kumalas siya sakin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya.

"I won't hurt you anymore. I'm sorry for everything I did. Look at me, I'm swallowing my pride for you Coke. I'm telling the truth, I love you" napaiwas ako ng tingin at hindi ako makahinga dahil sa tindi ng kabog ng dibdib ko. Dapat ko na yatang sakyan lahat ng mga sinasabi niya. Kailangan kong makatakas dito.

Nagawa kong makipagtitigan sa kaniya ngunit mas lalo lang Napalakas ang kabog ng dibdib ko. Parang matutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. His gray eyes were mesmerizing my whole face. "I know you can't forgive me that easily, but I am ready to wait baby."

Gusto ko sana siyang tanungin bakit kailangan niya akong ikulong at itago dito. Ngunit masyado akong nagmamadali para sa kalayaan ko. Baka paghihinalaan niya ako kapag tinatanong ko 'yon. Napatahimik ako at nananatili lamang siyang nakatitig sakin. Sa mga mata ko, at sa lahat ng parte ng mukha ko. Naiilang ako sa kaniya dahil parang biglaan yatang sabihin niyang mahal niya ako.

Makasigaw nga siya sakin parang wala lang akong silbi sa kaniya, akala niya siguro makakalimutan ko kung paano niya ako pinaulanan sa labas habang kumukulog at kumikidlat, tinali niya pa ako ng patiwarik noon tapos ngayon sasabihin niyang mahal niya ako?

Ngunit bakit sa tuwing tinitigan niya ako ng malagkit ay hindi ako mapakali? May kakaiba akong naramdaman sa tiyan ko, parang may lumilipad na mga paru-paru. Goodness Coke! For Pete's sake, he's a monster! Don’t tell me may gusto ka narin sa kaniya? Kastigo ng isipan ko.
Ngunit napaigtad ako nang pahirapan niya ang natitirang luha sa mga mata ko, nag-init ang mukha ko nang dinampian niya ng halik ang  ilong ko.

"I don't want to see you cry again. Baka mapano ang baby natin" nakikiliti ako sa mga bulong niya at gusto ko siyang itulak ngunit iba ang gusto ng katawan ko. Stupid hormones! He gave me kisses makes me blushed, hinila niya ulit ako at niyakap. Hindi ako tumugon kaya kinuha niya ang dalawang braso ko para yakapin siya, parang gusto ko siyang irapan.

"Are you hungry? May gusto ka bang kainin?" hindi ako sumagot kaya kumalas siya sakin.

"Anything you want to eat?" sabi niya habang nakatitig siya sa mga mata ko. Ba't ganito siya makatingin? Para namang tutunawin niya na ako. Umiling nalang ako kasi hindi naman talaga ako nagugutom, tuwing madaling araw ako ginugulo ng tiyan ko.

"Are you sure? Hindi mo ba ako tatanungin kung may gusto akong kainin? Because I'm starving right now, I want to eat you" paos na bulong niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. But I froze when I heard him chuckled.
Mahina siyang napatawa habang nakatitig sakin ngunit parang sasabog ako sa tindi ng kalabog ng dibdib ko. I'm stuck with his laugh. Sobrang gwapo niya, he looked so very sexy when he did that.

No! Gaga ka Coke nagawa mo pa talagang bigyan siya ng compliment gayung malaki ng kasalanang ginawa niya sayo! Huwag kang magpatangay sa mga galaw niya! Kumbensi ng isip ko. Ano naman kung gwapo siya? May magandang katawan at charisma, kung ubod naman siya ng kademonyuhan!

"Just kidding baby, but maybe later" sabi niya habang nakangiti, at ang totoo niyan di parin ako naniniwala sa mga inaakto niya. Para namang di ko alam kung gaano kahaba ang sungay niya! Maya-maya ay nawala rin ang mga ngiti niya dahil wala akong reaction kundi titigan siya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Are you sleepy?" tanong niya ngunit hindi ko parin siya sinasagot kaya nang pagtingin ko sa kaniya ay napairap siya sakin. God! Di ko talaga maipaliwanag abg kasungitan na meron siya, he's a bipolar person.  "Tsk! Whatever" sabi niya sabay hawak niya ng kamay ko. He intertwined our fingers and it felt so weird. May naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa kamay ko.

"Let's go, ipagtimpla kita ng gatas" hindi ako nakatanggi ng hilahin niya ako. Dumeretso kami sa kitchen. Habang nagtitimpla siya ng gatas ay panay lingon niya sakin, ang sarap niya lang batuhin ng kutsara sa mukha! Umupo siya sa harap ko at mas hinila niya pa ang chair papalapit sa kaniya.

"Here, try this one kung okay na ang tamis" sinubuan niya ako ng isang kutsara. "Okay na?" napatango ako sa kaniya at napakunot noo siya sakin "When did you become a mute? Hindi ka magsasalita or hahalikan kita?" biglaang tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Ako na" sabay kuha ko sa kaniya ng baso. Ininom ko ang gatas at hindi ako nakalahati. Hindi ako mahilig uminom nito.

Napayuko ako kasi panay titig niya sakin at hindi ko kayang salubungin ang kulay abo niyang mga mata. Naaapektuhan ako sa paraan ng pagtitig niya sakin at hindi ko na maikaila 'yon. Ngunit inangat niya ang baba ko at nakita kong nakatitig siya sa labi ko. "You're like a kid, makalat ka uminom. Wait, pahiran natin" nanlaki ang mga mata ko ng mabilis niya akong hinalikan. Nabitawan ko ang baso sa counter nang hinapit niya ako papalapit lalo sa katawan niya.

"Answer my kiss baby" he said between the kiss at hindi ko magawa, nabibingi ako sa ingay na nagwawala sa loob ng dibdib ko. He managed to open my lips and bite the lower part. He inserted his tongue at nagliyab ang katawan ko sa ginawa niya. I hate it! Dahil kaunting landi niya lang sakin ay nagugustuhan agad ng katawan ko.

Napapikit ako at napahawak sa braso niya, and I can't believe it, I retaliated with his kiss with the same intensity! My god, help me not to fall in love with this demon!

DW3 > jayewel

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon