CHAPTER 18

6.7K 241 15
                                    

Nag-usap kami ni Randall, at nakiusap rin ako sa kaniya na sana ay tulungan niya akong makauwi sa bahay. I miss my dad and I want to see him. Gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng kademonyuhang ginawa ng Zachary na 'yon sakin!

Ngunit hindi ko maiwasang matakot para kay Randall, kilala ko ang ugali ng halimaw na Zach na 'yon. Alam kong kaya niyang saktan kahit pa na kapatid niya man ito. Halang na ang bituka ng lalakeng 'yon.

"But Coke, hindi pa yata sa ngayon. Naninigurado lang ako na hindi ka na makakabalik pa sa kamay ng kapatid ko. He don't deserve you"

Kita ko sa mga mata niyang may galit siya sa kapatid niya, ngunit para naman akong nakonsensya dahil kung ako lang din naman ang dahilan para sumiklab ang galit nila sa isa't-isa mas mabuti pang lumayo na ako.

"Please, Randall gusto ko nang umuwi sa bahay at ayokong maipit ka sa sitwasyon. Kilala mo ang kapatid mo at gusto ko kung sakaling hahanapin niya ako ay nasa puder na ako ni Dad" pakiusap ko sa kaniya.

Napatitig siya sakin at napabuntong hininga. Lumapit siya sakin at ganun nalang ang pagkagulat ko nang hawakan niya ako sa magkabikabilang pisngi.

"Cokez I'm so sorry for what I did before. Naging duwag ako but I regret, hindi kita ipinaglaban noon at hindi ko kayang nakikita ka sa mga kamay ng kapatid ko. I know how monster he is when it comes to women, alam kong gagamitin ka niya"

"Don't think about me Randall, sarili mo ang isipin mo, please n-natatakot ako para sayo" garalgal kong sabi dahil tinutubuan ako ng kakaibang takot ngayon.

"No, you don't have to worry about me. Kaya ko ang sarili ko Coke. Please, huwag ka na munang umuwi sa inyo. Just go with me, lalabas ako ng bansa at kaya kitang protektahan"

Napatitig ako sa kaniya nang hindi makapaniwala. What is he talking about? Itatago niya rin ako tulad nang ginawa ng kapatid niya sakin?

"Don't look at me like that, wala akong masamang intention Coke alam kong hahanapin ka niya. At mapapahamak ang buhay mo sa kaniya dahil ikaw ang pain dito laban sa dad mo"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Oo, alam ko 'yon, ngunit hindi niya naiintidihan ang nais kong iparating sa kaniya. Ayoko siyang madamay, kapag kasi nakauwi na ako baka iisipin niyang sina dad at Roux ang may pakana ng paglusob sa isla niya.

Because I knew Randall would be damn kapag malalaman niyang kapatid niya mismo ang kumuha sakin.

"Thank you for your concern Randall, but I need to see my dad please"

Napapikit sya at napatingala. Napahilamos siya sa mukha niya at muling napatitig sakin.

"If it's that what you wantz okay fine. Don't worry, ihahatid kita sa bahay n'yo ng ligtas"

"Thank you so much Randall, I owe you a lot" mangiyak ngiyak kong sabi sa kaniya.

Napatitig siya ng matagal sakin bago siya nag-iwas ng tingin. Hindi ko rin basahin ang mga mata niya, punong-puno ito ng panghihinayang, galit, at halo halong emosyon.

May tinawagan siya sa phone kaya naghintay ako sandali, maya maya ay inakay niya ako palabas ng kuwarto. Medyo nahihilo ako ngunit pilit kong nilabanan ang nararamdaman ko dahil kinakailangan kong makaalis agad dito.

May iilang kasama siya na nakabantay sa labas at agad kaming pumasok ng sasakyan. Napagitnaan kami ng dalawang sasakyan at hindi ko matatawaran ang kabutihang ginawa ni Randall para sakin.

Kahit pa na nagalit ako sa ginawa niya noon ay tila humilom nalang bigla ang sugat sa loob ko. Ang dami kong iniisip habang nasa biyahe kami, natatakot ako para sa kaniya at tila gusto ko nalang talaga magtago nang magtago.

Tama ba itong desisyon kong uuwi ako? Pero kailangang malaman ni dad na nakalaya na ako, makikiusap nalang ako sa kaniya na huwag niya na akong ipilit ipakasal kay Roux.

The truth is, I don’t really know how to tell my situation. Alam kong magagalit siya kapag malamang buntis ako, at sa kaaway niya pa. Ang dami ko ring tanong kung bakit may kaaway si dad.

I have no wisdom to know it all. Naalala ko na naman ang sinabi n'yang pareho lang daw silang mamamatay tao ni dad, but no! Hindi ganun si daddy. Nanginginig ako nang matanaw ko ang bahay, bumaba agad ako at agad din akong nakilala ng mga security guards sa labas.

Muli akong sumakay nang sasakyan ni Randall dahil malayo pa ang bahay dahil sa laki ng compound, muli akong bumaba at si nanay Abie ang nadatnan ko sa pinto. Siya ang mayordoma dito.

"Diyos ko ija!" Agad akong napayakap sa kaniya. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko ligtas na ako ngunit alam kong hindi pa.

"N-Nanay Abie, si daddy po?"

"Nako nasa taas siya, teka lang ipapatawag ko siya" natataranta n'yang sabi. Ngunit pinigilan ko siya.

"Ako na ho, aakyat ako do'n"

"Diyos ko, mabuti nalang at walang may nangyaring masama sa'yo!" Napangiti ako ng mapakla, meron! Merong masamang nangyari sa akin at hindi ko alam kung paano ko mababago ang lahat.

"R-Randall, aakyat ako gusto mo bang sumama?"

"Go on, hihintayin nalang kita dito"

Napatango ako sa kaniya at agad akong naglakad patungong hagdan, nakatingin halos lahat ng katulong sa akin at ang gusto kong makita sa ngayon ay si dad.

Dederetso sana ako sa room niya pero naisip kong baka nasa opisina siya, lumiko ako sa isang pasilyo ngunit papalapit palang ako ay may narinig akong pagsigaw at alam kong boses ni dad 'yon.

"Damn it! Napakabagal n'yo! Binabayaran ko kayo para mahanap ang anak ko halughugin n'yo buong bansa kung maaari huwag lang matangay ng Zares na ang alas ko!"

Galit na sabi n'ya, natigilan ako at hindi ko maintindihan ang sinabi n'yang alas. Hindi ko alam ba't hindi ko magawang tumuloy sa loob, nakauwang ng maliit ang pinto at nakita ko s'yang nagbaba ng telepono.

"Dad, mukhang hanggang ngayon ay wala parin tayong access sa Zares na 'yon! Damn him!  Talagang maghihiganti ako sa ginawa n'ya sakin!"

Natigilan ako nang marinig ang boses nang isang lalaki at naniniwala akong boses ni Roux 'yon. Dad? when did he call my father daddy?

"Ang sabihin mo ang ginawa n'ya sa atin! Oras na hindi natin mahanap si Coke mawawalan ng silbi ang iniwang yaman ni Cathy, nakapangalan sa kanyya ang bilyon bilyong limpak na kayamanan nang mga Villarico at ang maling nagawa ko lang ay hindi ko nailipat sa pangalan ko ang lahat ng mga documents!"

Nanlamig ako sa narinig ko, naguluhan ako nang husto at kinabahan ako bigla kaya nagtago ako sa malaking halaman sa gilid.

"Akala ko ba nagawan mo na ng paraan 'yon dad?"

"Yun na nga, hindi ma aprobahan dahil kinakailangan ang pirma n'ya. That's why the only way is you. Kailangan n'yong maikasal sa lalong madaling panahon son, kung hindi lang naging hadlang ang lintek na Zares na 'yon di sana ay nakapangalan na sa atin ang yaman ni Cathy!"

How dare him! Wala silang pinagkaiba! I never thought he was so greedy for money!

DW3 > jayewel

SEE YOU ON THE NEXT CHAPTERS!

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now