CHAPTER 31

6.8K 245 17
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko at umiiyak parin ako dahil hindi ko na din alam kung saan nila kami dadalhin. Nakablind fold ako at kanina pa tumatakbo ang sasakyan.

Kahit si mommy sa tabi ko ay nakikiusap na sa kanila ngunit sinisigawan lamang nila kami at binabantaang papatayin kapag hindi pa daw kami tumahimik.

Ayokong mapahamak ang batang nasa sinapupunan ko, at natatakot ako kung ano pa ang susunod na mangyayari. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak ko.

Zach please help us...ngunit naalarma ako nang huminto ang pagtakbo ng kotse. Maya-maya ay bigla nalang may humila sa'kin.

"Baba na!"
Muntik pa akong maout balance dahil hindi ko makita yung daan.

"Mommy! Let me go ano ba! Mommy...please huwag niyong saktan s-si mommy" umiiyak na pakiusap ko dahil ngayon ay nagkahiwalay na kami.

Narinig ko rin ang boses niya sa di kalayuan sa'kin, nagpupumiglas ako pero alam ko kahit anong gawin ko ay hindi parin nila kami pakakawalan.

"Tumahimik ka! Lakad!"
Utos niya sakin at sobrang kinakabahan na ako.

Pakiramdam ko sobrang haba ng nilakad namin dahil halos wala akong may nakitang daan, may pagkakataon pang napapatid ako at nakagapos rin pati yung dalawang kamay ko.

Huminto na kami sa paglakad ngunit may narinig akong pag-iyak ng bata at meron pang hindi pamilyar na boses ng babae na nagsusumigaw.

"Shut up!" Boses ng isang lalake na hindi pamilyar sa'kin.

Pinilit nila akong paupuin, at nang makaupo na ako ay may tumanggal ng blindfold sa mata ko. Napakurap-kurap ako at isang nakangising lalaki ang nasa harap ko.

"Welcome to the hell my dear? How are you?"
Nag-init bigla ang dibdib ko at bumangon ang kakaibang galit sa puso ko nang makilala kung sino siya.

"Hayop ka! Mamamatay karin Fernando!"
Sigaw ni mommy sa kabilang side. Yes, it's Fernando Arrozo ang demonyong sakim sa pera!

"Shut up honey, dahil kung ipinangalan mo lang sana yung last will testament sa akin hindi na mangyayari ito" sabay ngisi niya.

Ngunit napatitig ako sa dalawang babae sa magkabilang side na nakagapos din ang mga kamay, kapwa din silang umiiyak tulad ko ngunit hindi ko sila kilala. And there I saw the kid, yung anak ni Agatha...pati siya ay nakagapos din ngunit wala si Agatha rito.

At bigla nalang bumukas ang isang pinto. Knilabas doon si Roux at ang hindi pamilyar na lalaki na may bitbit na baril. At napanganga ako nang makita ko si Agatha na nakangisi sa amin.

"H-Hayop ka Kelvin! Pakawalan mo na kami! Bakit hindi kapa namatay na demonyo ka!" Sigaw ng babae sa kabila at hanggang ngayon ay shock parin ako.

So it means, that was their plan? Kunwari ay kinidnap pero magkasama pala sila!

"Shut up Caramel! Dahil kung ako sana ang pinili mo hindi tayo aabot sa ganito...but you cheated on me! Mas pinili mo si Develios! Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito at sisiguraduhin kong isa sa'min ang mamamatay!"
At kahit ako ay natakot sa sinabi niya.

"And you! The wife of Velorca! Maghintay karin dahil pasasabugin ko rin ang ulo ng asawa mo! At ikaw!"

Napaigtad ako nang bumaling ang atensyon niya sa'kin, parang gusto kong tumakbo nang lumapit siya sa'kin. Nakatitig lamang siya at napangisi nang dumako ang mga mata niya sa tiyan ko.

"You're pregnant huh? Malas lang ng mga devil's na 'yon dahil naloko ko sila! At ikaw? Bago kita papatayin ay ipapakita ko muna sa'yo kung paano ko papaliguan ng bala si Zares! Let's enjoy this reunion! Dahil alam kong kahit anong ligaw ko sa kanila ay hahanapin parin nila kayo! And I will make sure that all of that devil's will die! Uunahin ko talaga si Colt Cara!" At para siyang baliw na humalakhak.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now